HAPPY READING! :)

--------------

Reinhard's Pov:

*kringg

May biglang tumawag. Napabitaw ako sa laddle tsaka pinuntahan iyong cellphone.

"Hello." Paunang bati ko.

"Bring the food here." Giit niya sa kabilang linya bago iyon pinatay.

Putcha! Binabaan pa talaga ako ng cellphone. Tsk. Siya pa itong nagpapaluto tapos di pa marunong magthank you. Tsk, pambihirang Greco talaga o! Napailing ako tapos bumalik na sa kusina.

Tinikman ko ang pasta bago nilagay sa tupperware. Makapaghanda na nga. Pumunta mo na akong kwarto at nagbihis. Wala naman kasing pasok ngayon dahil dun sa tutor-tutor kanina. Tsaka hindi rin ako nagtutor kasi dahil sa pinagawa sa akin ni Greco. Buti nalang at ipinagpaalam niya ako, na di muna ako makakapagturo.

Lumabas na ako tsaka kinuha ang tupperware. Nilock ko ang condo bago umalis at sumakay sa motor. Sinuot ko ang helmet at pinaandar na ang motor. Nagmomotor kasi talaga ako pag medyo di ko trip ang sasakyan.

Nagtungo na ako sa school. Medyo malalayo-layo rin ang condo ko sa school na pinapasukan ko kaya medyo natalagalan talaga ako.

Nagstop ako sa traffic light. Bago ito pinaandar ulit. Malapit narin ako sa school at konting distansya nalang ay darating na ako.

Pagdating ko sa school ay dumiretso muna ako sa parking lot. Hinatak ko ang helmet at ipinabigay na lang sa isa sa mga bodyguards ni Gl ang pagkain.

"Pakibigay sa amo mo. Nasa schoolgrounds sila. Arraso?" Tumango siya at nagbow bago umalis.

Papunta sana ako sa music room ng may bigla akong nakita. Napatulala ako. Sino siya? Bakit-- bakit sila nag--

Palabas sila ng campus at paalis na ng school ng sinundan ko.

***

Cc's Pov:

"Hello Mom? Bakit napatawag ka?" Nasa parking lot ako para hintayin ang magsusundo sa akin.

"Cc.. mag-iingat ka. Huwag na huwag mo siyang gagalitin. At sana sumunod ka na lang sa plano." Ani Mommy na nakapagpahinto sa akin.

"Ma? Ano bang sinasabi mo? Di'ba sinabi ko na iyon sa iyo noon. Ayaw ko na!" May halong galit sa tinig ko.

"Cc.. papatayin ka niya.. tayo. Paghindi ka sumunod.. mamamatay tayo." Naririnig ko ang pagkatakot sa boses ni Mommy. Napakagat ako ng labi.

Paninindigan ko ito. Ayoko na. Hinding-hindi ko siya susundin.

"Hindi mangyayari 'yun." Ani ko at pinatay na ang tawag.

'Nung isang araw pagkatapos ng party nagpakita siya. Binalaan niya ako. Dapat ko raw siyang sundin. Hindi ako nakaimik. Hinintay ko lang siyang umalis. He patted my shoulder and whisper.

"Tandaan mo Light." Ani niya bago umalis.

Nanigas ako sa aking kinalalagyan. Light? It's been 3 years since the last time I heard that name.

***

This is my final decision. Hinding-hindi ko na iyon gagawin. And I'll face every consequences.. kahit na buhay ko pa ang kapalit.

Nakarinig ako ng apak ng paa. Mukhang patungo ito sa aking direksiyon. Nilingon ko siya. Nanlaki ang mata ko. I took a step backward dahil sa pagkabigla.

Ethan?

"Hi Czyrah." Sabi niya sabay ngiti ng tipid.

Napatulala ako at hindi na nakapagsalita. Ilang taon ko rin siyang di nakita. Pero bakit?-- bakit siya nagpakita ngayon?

Ngumiti siya. At hinatak ang buong katawan ko papunta sa kanya. He hug me tight. I frost.

"I miss you Czy." Ani niya. Itinulak ko siya at nanatiling nakatingin sa kanya.

Hindi ako makasagot. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? Si Ethan at siya. Anong ginagawa nila rito?

-----------

Greco's Pov:

Kumain kami pagkatapos ko siyang turuan. Nakatulog nalang siya bigla dahil sa pagod.

I look at her closely. She's really d*mn beautiful. Para siyang anghel. Mataas na pilik mata at may mapupulang labi. She's like the kid I saw sa park.

'Yung batang maiyakin, but still look beautiful. She has this pinkish cheeks that can stole a man's heart, even without smiling.

Nasa paanan ko siya ng nagising siya ng 4:20. Mag-gagabi narin.

Bumangon siya tsaka tiningnan ako. "Sorry.." Ani niya tsaka lumayo sa akin ng distansiya. Natahimik kami ng ilang segundo bago ko siya ayaing umuwi na.

"Let's go. It's getting dark now." As i head-up. I reached my hand to her; she grabbed it and then release it fast. She looked away.

"Okay." Naglakad na siya paalis.

"Sue, ihahatid na kita." I call her up. She stopped then said.. "Huwag na kaya ko ang sarili ko."

Nagpatuloy uli siya sa paglalakad. I was about to follow her when someone suddenly called me.

~ Calling Unknown

Sino ba 'tong taong to?

"What?" Walang ganang sabi ko. Masasapak ko talaga ito.

"Hey there, lover boy! Bakit parang may something? Nag-away ba kayo? Parang iba ang aura ng tawag ko ngayon a!" -Chasten.

"Fuck you! We did not fight."

"Oh? Okay.. parang galit e. Siguro di ka sinagot no? So you are.. basted?!" Parang maligaya pa ang isang 'to a.

"Uy! Basted ang Prinsipe natin!" Ani niya sa kabilang linya. Nagtawanan sila. Mukhang di lang siya ang nag-iisa.

"Could you not waste my time?! What is it about? Bakit ka napatawag?!" Agarang tanong ko.

Rinig ko parin ang tawanan nila. "HAHAHA! Sorry nakasira ba ako sa sweet moments niyo? Muntik na ba kayong maghalikan?!" D*mn it!

Pinatay ko ang phone tsaka nagsuot ng headset. Nakawala na si Sue sa aking paningin. Walang-hiyang Chasten!

"What again?!" Ani ko. Bigla na namang tumawag ang kabilang linya sina Chasten.

"Okay.. okay. Eto na. Punta ka ng tambayan. Ngayon na. May pag-uusapan tayo." Ani niya tsaka pinatay ang phone.

Ako pa talaga ang pinatayan ha! Gagong Chasten. Makikita rin niya. Sasapakin ko talaga iyon. Sh*t!

"Lumabas na kayo. Magpapahatid ako." Ani ko. "Sa Tambayan."

SHE'S THE GANGSTERBasahin ang storyang ito ng LIBRE!