hh:>>

8.4K 193 7

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nandito sya,"A-anong...?"

"It's late, and I was convincing myself that you already went home but the idea was unsettling. I can't relax. I feel anxious. What if you didn't go home? What if you are still here? What if you are still waiting for me? What if something bad happened to you because of me? I tried to shoo the ideas away but it keeps bugging me, especially after seeing your reaction earlier." Tuliro at wala sa sariling paliwanag nya.

Hindi ako nakapagsalita, napaawang lang ang bibig ko sa lahat ng salitang lumabas sa bibig nya.

He seems to realize what he said kaya saglit syang napahinto at napabaling ng tingin sa iba. Nakatingin lang ako sa kanya pero pilit nyang iniiwasan ang tingin ko.

"Forget it. Let's go. I'll drive you home." Pag-iiba nya ng usapan.

Nagising ang pagkatao ko sa pag-iiba nya ng tono at demeanor. "No. Hindi na. Kaya ko naman." Agad na pagtanggi ko.

Pero hindi sya nagpatalo at isang matigas na, "No. I came back here for that so you better not say no, Jer." Ang natanggap ko.

Napayuko ako pero wala na akong nagawa nang bigla nyang haklitin ang braso ko at dinala ako sa kotse nya. Isinakay nya ako roon at walang sabi-sabing umikot para makasakay sya sa Driver's seat. Nakayuko lang akong naghintay sa kanya sa loob ng sasakyan kahit nung pinaandar nya na hindi pa rin ako nag-angat ng tingin. I'm so confused hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit sya nagkakaganito. I don't want to think too much. I shouldn't think too much—I know that—but it's inevitable, and I am already thinking too much.

Huminto sya sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko at nagtataka man kung paano nya nalaman at kung bakit nya alam kung saan ako tumutuloy, hindi na ko nagtanong. Minabuti ko na lang bumaba at lumayo sa kanya. I need to breathe, because the questions in my mind are suffocating me already.

Hindi sya nagpaalam sa akin, ni hindi sya nagsalita, basta na lang nya pinaharurot ang sasakyan nya paalis sa tapat ko pagkababa ko.

Akala ko iyon na ang magiging huli naming pagkikita. Akala ko dun na matatapos ang lahat. Akala ko iyon na ang huling beses na magugulo ang buhay ko ng dahil sa kanya. Akala ko lang pala. Dahil nung magkayayaan kaming uminom nila Jenny para daw sa pagse-celebrate ng pagkakatapos ng case study namin dumating na naman sya.

Umiinom ako ng tequila nun at kasalukuyan kong sinisipsip ang asin sa kamay ko ng maramdaman ko ang nanunusok nyang tingin sa akin. Napalingon ako sa kanya at halos mabilaukan ako sa nakakapaso nyang tingin. Diretso syang nakatingin sa akin na walang halo ng pag-aalinlangan. Nag-iwas ako agad ng tingin pero ramdam ko pa din sa gilid ng mukha ko ang tingin nya.

SapilitanBasahin ang storyang ito ng LIBRE!