Chapter 7

2.2K 58 4

ZANE POV

No words, no goodbyes. Exactly same scene kung paano kami nag hiwalay noon, ganun din umalis si Thomas. Meron dapat kaming meeting since bukas ang first airing ng first week together namin ni Thomas sa The Talented Elites pero basta nalang sya umalis. Hindi kami sure kung mag papakita pa ba sya sa amin bukas, sa susunod na araw o kung itutuloy nya pa ang kontrata nya sa show o baka hindi na dahil sa malaking issue na kinakaharap naming lahat ngayon

"I'll see you guys tomorrow" sabi ni Cyrus pero lahat sa team ay parang walang ganang kumilos. Isa isa silang nag sipag alisan at natira nalang kaming apat nila Cyrus, Skye at Sean. Pumunta sa pintuan si Cyrus at nilock ito "Bakit hindi nyo agad sinabi sa akin?" tanong ni Cyrus sa amin, pero wala akong ganang sumagot dahil pakiramdam ko nabuhos ko na lahat ng lakas ko ng sumagot ako kanina sa mga tanong "Bakit ni wala man lang nag banggit sa akin ng bagay na to?" muling tanong ni Cyrus habang nakayuko lang si Skye

"Akala ko alam nyo dahil may team naman na inaalam ang lahat ng detalye sa bawat guest" sagot ni Sean

"Ako alam kong hindi nyo alam" nakangusong sagot naman ni Skye habang naka yuko parin sya

"Bakit hindi mo sinabi Ms. Go?" tanong ni Cyrus

"Dahil pakiramdam ko, wala ako sa lugar para mag salita" sagot naman ni Skye

"Syempre meron! Nasa lugar ka, you're part of this team!" inis na sagot ni Cyrus

"Sorry" tanging nasagot lang ni Skye

"Wag kang mag sorry, ako naman ang may kasalanan" singit na sagot ko "Hindi ko sinabi, dahil wala kayong karapatang malaman" malamig na sagot ko kay Cyrus "Zeed ang pag papakilala ko sa inyo, sinabi ko ang lahat lahat ng dapat nyong malaman tungkol kay Zeed. Si Zane ang lumabas na issue kanina. Si Zane na limang taon na ang nakakaraan. SI Zane na hindi parte ng kontrata!" Inis na sabi ko

"Pero si Zane at Zeed ay iisa" sagot ni Cyrus

"Mag kaiba sila!" sagot ko "Mag kaibang mag kaiba sila!" muling sabi ko "Dahil si Zane, sya yung babae na nasa nakaraan, yung babae na buong buo noon sa nakaraan. Habang ako na ngayon si Zeed, ang babaeng nasa kasalukuyan. Ang babaeng simula ng nawala yung taong mahal nya alam nyang meron nang kulang!" malamig na sagot ko "Kaya mag kaiba sila! Kasi si Zeed yung kaharap nyo ngayon habang si Zane hindi nyo na maibabalik pa kasi nabubuhay parin sya sa nakaraan!" paulit ulit na pag papaliwanag ko na mag kaiba ang Zane noon at Zeed ngayon. Hindi ko alam kung naiintindihan pa ba nila ang mga salita na sinasabi ko pero yun ang nararamdaman ko, hindi na ako yung Zane dati, at hindi ko na maalala kung ano ba ako dati sa sobrang tagal na ng panahon na lumipas, lalong hindi ko na alam kung ano ba ang pakiramdam maging Zane dati. Dahil ngayon na si Zeed na ako, ni hindi ko na talaga kilala kung sino ako. Dahil pakiramdam ko bawat nararamdaman ko peke na, ngumingiti ako kahit hindi ako masaya, tumatawa ako kahit hindi naman talaga ako natutuwa. Ang tanging alam ko lang, si Zeed ngayon ang isang emahe ng tao na niloloko ang sarili.

"Zane, ihahatid ka na namin?" hinawakan ni Skye ang kamay ko na parang inaaya na akong umuwi. Hindi ko nga alam kung gusto ko ba talagang umuwi, o kung gusto ko pa bang umuwi. Pero kung hindi naman ako uuwi, hindi ko din alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi kagaya dati, kapag hindi ko alam ang gagawin ko may Thomas lagi na nasa tabi ko.

"Ako nalang ang mag hahatid sakanya" biglang sabi ni Cyrus at napatingin ako sakanya "Kung okay lang?" tanong nya

That Crazy Ex Girlfriend (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!