Bago ka maglet go..

1 0 0

Hi guys! Ewan ko kung may makakabasa ba neto pero since wala akong magawa, gagawin ko nalang. It's already 11:17pm so what do you guys expect me to do? HAHA.

This is based sa experiences ko.

Okay let's start.

--

Matagal ko na siyang kilala pero wala akong pake kung nandyan ba siya o wala. As in, deadma kung deadma talaga. Siguro kasi may iba akong gusto nun, so andun yung focus ko haha. After a month, nagsawa ako sa boy na gusto ko. Mga bhe that was a month na di ka pinapansin ng crush mo haha aasa ka pa ba? Of course not! Yung tipong todo papansin ka na sakanya kaso wala parin haha joke. Di ako nagpapapansin, fyi. So ayan. Chill muna. Walang crush for 1 month din siguro yun. Kaso may nakilala akong guy. Ipangalan nalang natin as John. Hindi kami friends nun. But we know each other. Kasi magkasunod lang kami ng year level. Fourth year siya, third year ako. Pero ewan ko kung anong nangyari sakin basta isang araw, I just realized na, "ay gusto ko pala siya." I really don't know why. Eh hindi naman kami friends. Basta nagustuhan ko siya. Uhm tapos sakto may event sa school namin na pwede gadgets. So tinake advantage ko na! Nagpapicture ako sakanya. Ang omg pumayag siya hihi haha landi! So medyo late na ko nakauwi nun kasi gumala pa ako with friends. Pag uwi ko, he messaged me! Para akong hayop na nakawala sa cage nun! Edi malamang nagreply ako. Tapos ayun, everyday na kami naguusap. Mga 1 month na rin siguro kami naguusap nun. And hindi sa umaasa ako pero ramdam ko na gusto niya rin ako because of the way he act, he talk and lalo na yung kapag nagaalala siya. So ano ang ending ng landian? AMINAN HAHA. Yes, umamin siya sakin 1 month and week (i guess) after namin magstart magusap. So yeah, so mu na kami. Cliche sabihin pero yun yung term eh! Anong magagawa ko? hahahaha. We were so perfect. Binigyan niya pa nga ako ng big bear haha yes big talaga. Basta everything was perfect, kaso bigla kaming nawalan ng connection. Nawala phone niya. Nasira computer desktop nila. Nawalan ng wifi. Pag magcocomputer shop naman siya para makausap ako, wrong timing. Kasi offline ako. Basta walang connections ng 1 MONTH AND 2 WEEKS. oo bilang ko yun. Imagine that guys? Nagpakatatag ako kahit walang connections. Because alam ko sa sarili ko na willing ako maghintay. And thank God nagkaron ng konting communication. Kaso super cold na namin sa isa't isa. Nagexcuse siya na bumili labg daw siya pero halos 2 hours nawala. AT YUN DAW YUNG CAUSE NG LATE REPLY NIYA. Wrong timing ulit kasi nasa province kami, kaya mahina yung signal. I was losing hope na that time. Pero kumapit parin ako.

So ayun nga, nakauwi na kami sa bahay and still, cold parin kami sa isa't isa. Then there was a thing na nagpush sakin na bumitaw na. Napush ako ng bagay na yun na ginawa niya para bumitaw na ko. Then I did. I sent him a long message. I thought he would fight for "us" but he didn't. HE JUST FCKING SAID THAT IT'S OKAY. wow. just wow. So ayan awkward na kami sa mga panahon na to haha. Pero inaamin konaman na namimiss ko rin siya. Syempre sa tagal ng pinagsamahan namin. 4 months kaming mu. And I'm still counting.. 5 months and one week na kaming mu ngayon. Sa mismong araw na to. Then isang araw, nabalitaan ko nalangna may gusto na siyang iba and I was like "p*tangina 3 weeks lang tayo di nagusap may bago ka na." I was hurt. Ako na tong nangiwan, pero bakit ako parin yung nasasaktan. Siya yung iniwan pero siya yung masaya ngayon. Siya yung mas komportable ngayon. At masaklap pa, yung gusto niya na babae, super kaclose ko (although di niya alam na super close ko yung girl. but still. masakit)

Kaya kayo jan, kung maglelet go na kayo, tanungin niyo muna sarili niyo:

Magiging masaya ba ako pag naglet go ako?

Masasaktan ba ko kung makita ko siyang may makasamang iba?

At i-make sure niyo muna sa sarili niyo na, eto na talaga yung decision mo.

Magiging masaya pa ba ko kahit wala na siya sa tabi ko?

Kaya ko bang makita siyang maasaya kasama ang iba?

Kaya ko ba siyang makitang masaya ng wala ako sa tabi niya?

Mas makakampante ba ko kung bibitawan ko na siya?

Magsisisi ba ako sa dulo kapag tinuloy  ko to?

Napakaraming tanong guys. Wala pa yan sa singit ng lahat ng tanong. Kaya please lang pagisipan niyo ng mabuti.

Di na ko magsisinungaling, namimiss ko siya at nagsisisi akong pinakawalan ko siya pero siguro tama rin yung ginawa ko. Kasi sabi nga nila kung gusto talaga ng isang tao na maging parte ka ng buhay nila, gagawa at gagawa sila ng paraan. Eh kaso di siya gumawa ng paraan eh haha tignan mo nga oh may gusto na ulit na bago hahaha :( saklap.

"You're the best and yes I do regret
How I could let myself let you go
Now, now the lesson's learned"

Bago ka maglet go..Basahin ang storyang ito ng LIBRE!