Chapter 3 - The Story Behind

18 0 0

Freyja's POV

"Shit!!" mahina kong sabi

Bakit nandito ang sapatos na nakita ko sa room 6001?

"Kilala mo ba yan?" biglang may nagsalita na boses ng lalaki. Napatingala ako dahil nakayuko ako kanina.

Pero nabigla ako kung sa lalaking nasa tapat ko.

"I-ikaw? S-sino ka?" nauutal kong sabi.

Siya iyong taong muntik ko ng masagasaan.

"Ako?" dahan dahan niyang tinanggal ang sumbrerong malaki niya sa ulo.

OH MY GOD!

Bakit ganyan ang mukha niya?! May malaking lapnos ang kabilang pisngi niya, kita na iyong laman niya. Tapos  parang natutunaw iyong isang mata niya dahil parang malalaglag ito. Gets niyo ba iyong itsura niya? Tapos kadiri na iyong ngipin niya. Isa lang din ang butas ng ilong niya.

Sisigaw na sana ako.

"MOM---"

Tinakpan niya ang bibig ko.

"Shh! Huwag kang maingay!"

Dahil sa takot ko sa kanya eh sinunod ko siya.

"Hindi ako masamang tao. Andito ako para tulungan ka, dahil alam kong maraming gumugulo sayo tungkol sa mga nangyayari sa lugar natin."

Huh? Anong pinagsasabi ng lalaking to? Bakit parang pakiramdam ko isa siyang sagot sa madaming katanungan sa utak ko? Namin?

"Tara magusap tayo. May alam ka bang pwedeng lugar na paguusapan natin?" sabi niya na patingin tingin sa paligid. Parang may nagmamasid sa kanya.

Dahil sobra akong nabigla, natakot basta! Halo halong feelings ang naramdaman ko. Nasabi ko nalang sa kanya ay,

"Tara."

Dinala ko siya dito sa may secret place ko. May natuklasan kasi akong lugar sa likod ng bahay namin, actually underground siya. Dinala ko si Mr. Stranger dito. Ako lang nakakaalam nito ^_^

"D-dito muna po t-tayo." sabi ko na nauutal. Kinakabahan pa din kasi ako altough andito pa din ako sa bahay ko.

Ang tagal niyang magsalita.

"M-mr---"

"Malapit na ang paglusob nila." sabi niya habang nakatinging lang sa  baso sa tapat niya.

"Sinong sila? Anong lusob?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Kung kanina natatakot ako sa kanya, ngayon interesado na ako sa kanya.

"Sila, silang may gawa ng bagay na ito sa akin" derederetso niya lang sabi. Hindi siya tumitingin sa akin.

"Siguro nagtataka ka kung bakit ganito ang itsura ko." hindi ako naimik, hinahayaan ko lang siyang magsalita.

"Tatlong dekada ang nakakaraan, buntis ang asawa ko nun. Hatinggabi na at hindi pa din ako makatulog, ewan ko kung bakit. Tapos bumangon ako at nagtimpla ng gatas, iniwan ko muna ang asawa ko sa kwarto. Maya maya, may narinig akong kalabog sa kwarto. Mabilis akong tumakbo papuntang kwarto dahil baka kung ano na nangyayari sa misis ko. Pero pagbalik ko, may nakita akong mahabang dila na nakatusok sa tiyan ng asawa ko. Nakita ko naman ang asawa ko na hirap na hirap at walang nalabas na boses aa sigaw niya. Nagdilim ang paningin ko, nakuha ko kaagad ang itak sa pintuan ng kwarto namin at hinataw ko ang dila ng aswang na iyon." patuloy lang siya sa pagkwento. "Pero huli na ang lahat ng pagpoprotekta ko sa asawa ko. Dinala ko siya sa pinakamalapit na hospital pero wala na. Hindi na niya kinaya." may namumuo ng luha sa mga mata niya.

"Condolence po." ayun nalang ang tanging nasabi ko.

"Isang araw, hatinggabi din. Naririnig ko ang manok namin na nagwawala. Pinuntahan ko iyon, at may nakita akong aswang, tiktik siya, mukhang bata pa. Dahil sa galit ko, pinana ko ang aswang na iyon ng tatlong beses. Dapat lang iyon sa kanya dahil pinatay niya ang asawa ko. Akala ko hindi siya makakatakas, pero bigla siyang naging paniki at mahinang lumipad palayo." pagpapatuloy niya.

The InvasionsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!