This is a fight to change the world and change everything…”

===============================

 

 

 

25th Star: Arpeggio

Patuloy kami naglalakad ng mga bruha kong kasama…

De joke lang.

Medyo malayo-layo na rin ang narating namin nila Deisha kaya pansamantala kaming nagpahinga sa ilalim ng isang super higanteng puno.

Ayon sa kanya, ang punong iyun ay ang Chlutzpair Tree. Isang makasaysayang puno sa mundo nila na kung saan nagbibigay ito ng proteksiyon sa lahat ng manlalakbay na nagpapahinga sa ilalim nito.

Ayon din sa chismis na nakuha mula sa kaniya, ito ang nakuha ko:

“May haka-haka rito sa Arcas na ang Arcasian princess ang siyang naglagay ng isang napakalakas ng spell na kayang protektahan ang mga manlalakbay na magpapahinga sa ilalim nito.

 

 

Ang sabi-sabi pa daw, ang tanging mga nilalang na may malinis na adhikain lamang ang siyang makakatanggap nito. May sinumpang liriko pa nga ang mitolohiyang iyun eh…”

Nagtaka naman ako. “Ano yung sinumpang liriko na tinutukoy mo, Deisha?”

Nagbikit-balikat na lamang siya.

“Sabi-sabi lang ang tungkol doon,” aniya.

Hindi kaagad ako tumigil kaya kinulit ko kung paano malalaman ang tungkol sa sinumpang liriko.

But in the end of my search, wala akong nakuhang maganda at matinong sagot.

Kesyo daw na walang sinabi sa myth kung papano malalaman iyun, kesyo daw na hindi totoo yun. Kesyo daw na ang sinumpang liriko ay… nakakamatay kung babasahin namin iyun.

Anna's StarBasahin ang storyang ito ng LIBRE!