For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 12 – When the Cicadas Cry

“Ano ang ginagawa niya dito!” bulalas ko.

“Bakit? May problema ka ba?” baling sa akin ni Segeir kaya lumingon ako sa kaniya. Medyo nataligaga ako dahil nalimutan ko na katabi ko pala ang kumag.

Hindi pwede sila magkita!!! Nakakaasar naman oh.

 

“Segeir, iuwi mo na lang kaya ako. Ano, kasi… Hindi pa ako nakakapag-alam kay Mama. Baka magalit ulit iyun dahil hindi ako nakapag-aral. Oo nga, ganun,” pagdadahilan ko.

Palihim akong nagdarasal na sana tumugon siya sa suwestiyon ko.  Sumimangot ako bigla dahil sa tugon niya.

“Naku, buti pina-alala mo. Nakausap ko na si tita at okay na okay daw na sumama ka sa akin lalo na kung may mga case tayong iso-solve. Pinu-push nga akong isama ka rin para hindi ka daw laging magkulong sa kuwarto mo daw,” aniya.

Segeir and his dog-styled smile. Urgh.

“Please, just bring me home. Bukas na tayong pumasok sa loob,” pagmamaka-awa ko. Hinila ko yung collar ng damit niya para mas intense.

Sinamaan ko nang tingin pero hindi pa natinag ang lalaking ito. Tumawa, ay mali. Humalgakpak pa sa kakatawa. Tuwa na niya yan?

Umiling-iling siya. “Whether you like it or really love it, papasok tayo. Feel na feel mo yang panghihila mo sa damit ko.”

 

Hinigit niya ang kamay ko at hinila palabas. Good luck na lang, Leanna. Super duper good luck na lang sa mga mangyayari.

Habang higit-higit niya ako, naanigan ko na may lumabas sa sasakyan ni Clyde. No way. No freaking way. Rumble ito!

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!