61

72.8K 1.7K 226

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

61

Hindi agad nakapag react si Elvin. Tama ba ang narinig niya? Tatawagin siyang Elvin kapag walang trabaho? Ibig sabihin, tatawagin niya itong Victoria? Ano ito.

“Elvin is fine, right?”  She gave him her sweetest smile.

Nanindig yata lahat ng balahibo sa katawan ni Elvin. Hindi niya alam pero iyon ang epekto ng ginagawa ni Victoria na ito sa kanya. Ano ba ang eksaktong salita?

Magsasalita pa sana siya nung biglang lumitaw ang sekretarya niya. “Sir, nasa labas po si Mr. Andrews, may sasabihin po sa inyo.”

Tito ito ni Victoria.

“Elvin, iho, nagkakilala na pala kayo ng pamangkin kong si Victoria. Tumawag kasi siya sa akin at sinabing kasali siya sa team mo. I’m glad she made it.”

“Tito, nag-uusap po kami. I was asking him if I could call him Elvin after work. Okay naman po, hindi ba, Tito?” Lambing ni Victoria, kumapit pa sa braso ng tito niya.

“Oo naman, mas maganda yung less formalities, tutal tapos naman ang trabaho, mas mainam na kung minsan, higit pa sa magkakatrabaho ang turingan, katulad ng iyong Papa. Bukod sa pagiging magkasosyo, magkaibigan rin kami.” Ang tinutukoy ni Mr. Andrews ay ang Papa ng asawa niya.

“I know, Elvin will say yes, right, Elvin.”

Paano pa ba siya mag no-No kung pinangunahan na siya nito? “Ah, y-yah. Elvin will do.”

“THaaaaannnkkkksssss, Elvin!” Sabay lipat sa tabi niya, sabay kapit sa braso niya. Muntik na niyang maitulak ang babae. Tumindig na naman ang mga balahibo niya. Kilabot ba ang tawag dito? Tipong nanonood siya ng horror movies, kikiligin ka sa takot.

“I asked him nga Tito if pwede kaming lumabas na dalawa for lunch since it’s lunch time already.”

“Iha…”

“I’m sorry po, pero hindi po ako pupuwede, maghahalf day po ako sa trabaho ngayon, may usapan kasi kami ng misis ko. Sasamahan ko siya sa pedia, schedule ng kambal.” Putol niya sa sasabihin ni Mr. Andrews.

“Ganun ba? O sige, Iho. Talagang iba kapag pamilya ang pinag-uusapan ano?”

“Opo.” Kinapa niya ang kanyang cellphone. Pag itong dalawa hindi tumigil, tatawag na siya ng pulis…mali, tatawagan na niya si Kathryn.

Victoria just raised her eyebrow. “It’s okay, marami pa namang time. Tayo na lang dalawa Tito. Bye, Elvin, see you around.” She gave him that kadiri-to-death smile.  Nanindig na naman ang mga balahibo niya. Hindi pa naman Halloween ah.

Nung wala na sa paningin niya ang mag Tito ay saka siya nakahinga ng maluwag. “Juice colored! Anong klaseng mujer siya! Knowslift naman niya na may nyosawa na akesh!” nagpapaypay siya ng palad na parang init na init kahit pa full blast ang aircon.

Nung biglang bumukas ang pinto.

Napalundag siya dahil akala niya ay bumalik si Victoria. Ang secretary lang pala.

“Malalaglag ang brief ko sa ‘yo! Pwede ba kumatok ka muna!”

“Sir?”

“Ha? Ah wala! Mag ha-half day ako. Pag hinanap ako, pakisabing umuwi ng bahay, gumawa ng panibagong kambal!”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!