Sleep well.. a wish to sleep forever.

21 1 0

Yung feeling na.. ang saya mo buong araw tapos pagsapit ng dilim nagbago lahat. Yung feeling na.. parang horror yung intro ko. Yung feeling na.. hindi naman talaga 'ti horror. Game na.

Yung feeling na nakakatamad na pero kakayanin mo kasi kailangan. Yung hindi ka makabitaw kasi hindi naman para sa sarili mo yung gagawin mo. Yung feeling na papasok ka tapos may mga bayarin. Hindi ka makahingi sa magulang mo dahil alam mong kahit sila gipit na rin.Mangungutang ka sa kaklase mo para makabayad tapos pag nakaluwag, dun mo na lang mababayaran. Yung feeling mo, iniisip ng ibang tao, estapador ka na sa kakautang mo. Yung feeling mo ayaw ka na nilang kasama dahil baka bigla ka na lang mangutang.

Yung feeling na sa dami ng iniisip mo, kapag may kaibigan kang broken hearted at nagyayang uminom, matutukso kang sumama. Libre naman eh. Pero hindi.. pipiliin mong magpractice na lang ng dance drama para makapasa ka naman kahit sa World Lit. lang. Matatapos 8 na ng gabi. Tapos babyahe ka ng dalawang oras pauwi. Dadating ka ng may masasakit na hita at tumitiklop na ng kusa. Hindi ka na kumatok at binuksan na ang pinto.

"'Yan bang pinupuntahan mo sa eskwela mo 'yan?"
"Opo para --"
"Osige na sige na. Pumasok ka na sa loob."

Yung feeling na, kahit pagtatanggol sa sarili mo kinatamaran mo na dahil sa pagod. Pagod sa katawan at alam mo namang hindi ka pa rin paniniwalaan. Mali ka kasi di ka nagtetext habang nasa byahe ka. Mali ka kasi masama yung loob mo. Mali ka kasi ang tanda mo na ang arte mo pa rin. Mali ka kasi hindi mo iniisip na nag aalala sila sayo. Yung feeling na mali ka pa rin talaga sa kahit anong anggulo tingnan. Sorry na lang masasabi mo sa kanila pati sa sarili mo. Kaya itutulog mo na lang. Night..

OverthinkingThingsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!