Kabanata6 (No.Hindi.Never)

Magsimula sa umpisa

"Kasalanan ko? Kasalanan ko kung mas maganda ako sayo at ako ang pilit binabalikan ng lalaking na kahit halos itapon mo na ang sarili mo ay hindi ka pa rin magawang pansinin? Well. Kung iyon ang kasalanan ko.
Pasensya na. Pero hindi ko ihihingi ng tawad ang pagkawala ng buong pamilya ng anak mo. Dahil wala akong kasalanan kung hindi ka tinuluyan ng nakabuntis sayo. At ito tatandaan mo sa kahit na ano pa man mas mahalaga ang anak ko at ipaglalaban ko siya ng patayan. Kaya wag na wag mong subukang lumapit sa kanya o gumawa ng ikakasakit niya dahil hindi ako magdadalawang isip na patulan ka."

"Babe. That's enough. Huwag mo ng patulan" At hindi niya alam pero nainis siya sa sinabi ng asawa niya.

"So ako pa ngayon ang dapat tumigil?" Hindi niya maiwasang tarayan ang asawa niya.

"Babe naman."

"Kung balak mo pang makipagkwentuhan sa dati mong empleyado you're free. Mauuna na ako at baka hinahanap na ako ng anak KO" sinadya niyang bigyang diin ang huling salita.

"Gino. As I've said,you don't need to take the responsibilities. Ang aking lang ay tratuhin mo siyang parang anak. You just have to act like a father kapag nandyan siya." Napailing lalo siya sa sinabi ng kausap.

"Narinig mo na kung ano ang sagot ng asawa ko." Tinalikuran niya na ito at hinabol ang asawa.

....

"Gino. Natatakot ako. Paano kapag hindi pa rin siya tumigil." Hindi niya maiwasang mas lalong maiyak.

"Babe. Hindi natin kailangan matakot dahil alam natin pareho ang totoo. At iyon ang mahalaga." Kumalas sa yakap niya ang asawa at hinarap siya ng may mapanuring tingin.

"Tell me Gino. Hindi mo ba talaga anak ang batang sinasabi ng lintang yun?"'napangiti naman ang asawa niya sa tanong niya.

"Babe,alam mo naman na simula ng makilala kita never na akong tumikim ng ibang putahe." Natatawa niyang sagot sa asawa. Totoo naman simula ng araw ng malamang niyang siya ang nakauna sa asawa niya ay nahirapan na siyang tayuan sa ibang babae kaya hindi na siya nagatatangka pa.

"Putahe talaga? Ano yun ulam lang?" Hindi niya na rin maiwasang mapangiti na rin. Tama. Ang mahalaga ay alam nila pareho ang totoo at dalawa silang pomoprotekta sa pamilya nila.

"Mahal na mahal kita Andrea. Ikaw lang. Huwag mo naman sanang pagdudahan pa iyon." Hinawakan siya sa pisngi ng asawa niya. Napangiti siya sa sinabi nito.

"Mahal na mahal din kita Gino. I'm sorry kung iniwanan kita sa kanya kanina. Nasusura na kasi ako sa pagmumukha niya." Narinig niya pa itong tumawa bago siya tuluyang halikan siya sa labi.

....

"Exactly 9pm sharp nasa bahay na ang anak ko Samañego." Matigas na pagbibilin ni Dad kay Axel. Birthday ngayon ni Elly at hinatid nila ako ni Mommy dito sa bahay nila.

"Yes Sir." Tumango lang si Dad na hindi pa rin ngumingiti.

"Baby. Magtetext ka kung may problema ok. Huwag kang lalabas ng bahay nila Elly ng walang kasama or magsasabi kung may pupuntahan ka." Tumango naman ako. First time na iwan nila ako sa isang party o sa bahay ng iba kaya naiintindihan ko ang pag-aalala nila.

"Yes po Mmy. Ok lang po ako." Niyakap ko na siya. Pumunta na rin ako kay Dad na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin kay Axel na nakangiti naman para magpaalam.

"Dad. Promise po magbebehave ako." Niyakap ko siya sa bewang.

"I'm sure of that Baby Princess. Pero sa isang 'to wala akong tiwala kung kayang magbehave." Natawa naman ako. Halata naman kasing pinaparinggan niya si Axel.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!