Kabanata6 (No.Hindi.Never)

9K 184 12

Parang gusto ko na lang himatayin nang pagbalik namin sa loob ay naghihintay ang buong pamilya niya at ganoon din sina Daddy.

"Hija. Welcome to the family." Masayang sinalubong ako ng Mommy niya. Lahat sila nakangiti pati na rin ang mga kuya ni Axel.

Agad akong lumapit kay Mommy ng bitiwan ako ng Mommy niya sa pagkakayakap.

"'Mmy." bulong ko. Ngumiti lang siya ng tipid. Bumalik ulit ang pagaalala ko sa parents ko.

"Gianna. Pag-uusapan natin ito sa bahay." napakagat labi ako sa sinabi ni Dad.

"Yes po Dad. "

"Sir. I want to be there once you talk to Gianna. I think I need to be there" si Axel na gusto ko na ngayong kalbuhin dahil sa naisip niyang kaechusan.

Hindi na umimik si Dad,nakipagtitigan na lang ito kay Axel.

"Gino, don't be too harsh on the kids. Relax ka lang. Kapag may hindi ginawang maganda ulit itong si Axel sa prinsesa natin kami ng lolo niya ang magsosolian ng kandila" si Lolo na parang tinalo pa ang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa ngayong gabi.

Hindi na ako hiniwalayan pa ni Axel ng gabing yun,at dahil broadcast na sa lahat ang pagiging in relationship ng status namin. Malakas na ang loob niyang hawakan ang kamay ko kahit pa nasa harap kami nila Dad.

Kumakain na kami nang lumapit ang Mommy ni Axel kasama yung babaeng kausap nila ni Dad kanina bago ko nakitang nag Cr si Mommy. Napansin ko agad na hindi mapakali si Mommy at napatingin sa akin na parang natataranta. Ano bang nangyayari.

"Hon. Are you ok? May problema ba?"

"Nothing. Pero kilala mo ba kung sino yung kausap ng Mommy mo?" Hindi ko na napigilan pang magtanong.

"She's Tita Dhin." napalingon agad ako sa kanya ng marinig ang pangalan na yun. Ibig sabihin yan yung nanay nung baliw?

Bumalik ang paningin ko sa babaeng yun ng mapansin kong lumapit siya kay Dad. Nang tinignan ko si Mom,tahimik lang ito at parang walang balak pansinin ang nangyayari sa paligid niya.

"Hi everyone. kumusta naman? Kung may kailangan kayo don't hesitate to call me" masayang bati ni Tita Bea.

"Gianna? Ok ka lang ba? May gusto ka pa bang kainin Hon?" napatingin ako kay Axel at nakita kong nakatitig siya sa akin. Ngumiti ako at umiling.

"Don't mind me Axel. I'm Ok!" nginitian ko siya ng tipid. At dahil dun napatingin naman sa amin yung babaeng nanay ng baliw. Tinitigan niya ako na parang sinusuri ang buong pagkatao ko. Bigla akong kinilabutan sa paraan ng pagtingjn niya sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin.

....

"Babe. Please magusap tayo. Pagusapan natin to." Halatang halata na sa boses ni Gino ang pagiging desperadong makausap ang asawa. Ang akala niyang masayang okasyon para sa pamilya niya ay mauuwi pala sa hindi pagkakaunawaan. Dhin is back! At hindi lang basta nagbalik. May dala itong isang problema na hindi dapt sa kanila ipinapasan.

"I will go to Gianna's room at baka doon na lang muna ako matulog" Pero bago pa man makalabas si Andrea ay agad na itong nahigit ng asawa.

"No babe. We will talk about this. Ayokong magworry si Gianna pag dun ka natulog sa room niya. At alam ko rin na ayaw mong magsinungaling sa anak natin." Napayuko siya sa sinabi ng asawa dahil alam niyang tama ito. Kanina pa nga nakatingin sa kanya ang anak nang may pag-aalala sa mukha.

Nanghihina siya bumalik sa kama at naupo.

"Speak Gino" lumapit sa kanya si Gino at lumuhod sa harap niya tsaka hinawakan ang mga kamay niya sa ibabaw ng lap niya.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!