Kabanata 37.5: Wilson Chavez

11.8K 363 97
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl

Kabanata 37.5: Wilson Chavez

Written by: JoeyJMakathangIsip

Fear De Guzman
"Heaven?" Nang marinig ko ang pangalan niya ay may tumawag din sa kanya. Isang lalaki na kasing-tangkad niya lang na nakasuot ng pink loose shirt at oriole pants.

Agad naman niya itong nilingon at makalipas ang ilang sandali ay bigla niya itong hinigit, inilapit sa katawan niya at niyakap.

"I miss you," sabi ni Heaven sa lalaki. Kumurap ako ng tatlong beses sabay napalunok. Bigla namang may bumara sa lalamunan ko nang makita ko ang senaryong iyon sa harapan ko, nanigas ako at nanghina ang katawan ko.

"I miss you too," sagot nung lalaki kay Heaven at makalipas ang ilang sandali ay agad na hinalikan ng lalaki si Heaven na naging sanhi upang makaramdam ako ng sobra-sobrang sakit sa kaloob-looban ko. Pakiramdam ko ay tinutusok ako ng libo-libong karayom nang makita ko iyon.

Kumurap ulit ako. Tulalang-tula ako ngayon. Para akong nabato. Parang umuong ang dila ko.

Agad naman akong tumayo mula sa pagkaka-upo ko, maglalakad na sana ako kaso bigla akong nawalan ng balanse at nadapa sa sahig dala na rin siguro ng pinaghalo-halong emosyong nararamdaman ko.

Inis, galit, at kirot sa puso, lahat ng yan ay walang hiyang nagsabay-sabay na rumagasa sa kaloob-looban ko. Pilit ko mang isipin na biro lang  'yung nakita ko pero hindi e, totoo e.

Halos nangudngud 'yung nguso ko sa flooring na naging dahilan upang mag-singhap 'yung mga tao na nakakita sa akin, may mga nagulat, may natawa ay may nagkomento rin na ang tanga ko raw.

Tama nga naman. Ang tanga-tanga ko nga! Ang tanga-tanga!

Kahit sobrang sakit ng tuhod, siko at nguso ko ay nagawa ko pa ring tumayo at maglakad palabas habang patuloy na bumubuhos ang mga luhang hindi ko napipigilan.

Matapos ang ilang linggo na hindi ko siya nakita ay matatagpuan ko lang siya sa ganoong sitwasyon? Bakit parang ang sakit-sakit? Masakit pero mas nangibabaw 'yung pagkagulat ko. Kung babae 'yung humalik sa kanya, talagang mapapangawa ako pero lalaki e. Lalaki ang humalik sa kanya.

"Bakit?" Naitanong ko sa sarili ko nang pilit na bumabalik sa isip ko ang nakita ko. Bakit ganu'n? Bakit siya naging ganu'n?

Nilingon ko ulit si Heaven sa loob at kahalikan n'ya pa rin  'yung pesteng lalaking 'yun. Naipikit ko na lang mga mata ko habang pilit na nilabanan ang emosyong bumabara sa lalamunan ko.

Naglakad ako ng naglakad habang pilit na sinasabi sa sarili na ilusyon lang ang nakita ko pero..

..hindi e. Totoo talaga e.

Pero ano naman kung totoo? Walang namamagitan samin kaya wala akong karapatan na masaktan ng ganito. Tama! Wala! Pero potcha naman e! Ba't kailangan ko pang makita? Heaven.. bakit?

"Taxi!" umiiyak at nangangarag na pagpara ko sa isang taxi na dumaan sa harapan ko pero nilagpasan lang ako nito. Dahil galit ako ay kumuha ako ng malaking bato at binato ko  'yung salmin ng taxi kaso hindi tumama.

"Huwag kang umiyak Fear," sabi ko sa sarili ko pero hindi  ko talaga mapigilan ang sarili ko.

Dahil wala namang taxi na pumapansin sa akin ay napaupo na lang ako sa may sidelines habang pinagmamasdan ang mga naghahalong ilaw ng mga sasakyan, ng poste at ng mga establesyemento sa paligid.

Panay ang pagsinghot ko ng sipon habang natutulalang inaalala ang nakita ko kanina lang.

"Ang sakit!" Naisuntok ko bigla ang sarili kong kamao sa dibdib ko. Kahit naman siguro walang namamagitan sa amin ay may karapatan naman siguro akong masaktan. Mahal ko si Heaven kaya natural lang ng magkaganito ako. Hindi ako robot o android! Tao ako! Pesteng taong nagmahal sa isa pesteng bakla. Peste talaga!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon