Monster ♂ Chapter 28

Chloe's POV

Tinitigan ko ang kahon na naglalaman ng damit na susuotin ko mamaya para sa party. Pinadala ito ni Rick kaninang umaga. Balak ko sanang ibalik sa kanya kaso nabasa ko ‘yung note niya na wag na wag ko daw ibabalik sa kanya kundi magtatampo daw siya. Parang bata talaga. Dahil dito, wala na akong magagawa kundi ang pumunta talaga sa party na iyon. Nakakahiya naman kasi! Buong pamilya nila ang nandoon at hindi ako kasama sa pamilya nila kaya dapat lang na hindi ako magpunta pero masyadong mapilit si Rick.

“Princess! Bakit hindi ka pa nagbibihis?” tanong ni Kuya Harris pagkapasok niya sa loob ng aking kwarto. Sinabi ko sa kanilang pupunta ako sa isang party at agad naman silang pumayag.

“Oo nga, Princess. Mag-ayos ka na at magbihis para handa ka na para mamaya.” sabi naman ni Kuya Steff.

Napanguso na lang ako. “Wala namang mag-aayos sa akin, eh.” reklamo ko. Hindi kasi ako maalam magmake-up o mag-ayos man lang sa sarili ko. Ayoko kasi ng naglalagay ng make-up, eh. Gusto ko ay simple lang ako.

“Wait, I’ll call Shara.” sabi ni Kuya Justin. Napangiti na lang ako. Nakalimutan ko, sila na nga pala! Botong-boto ako kay Ate Shara kasi ang bait-bait niya, eh, at kitang-kita ko sa kanya na mahal na mahal niya si Kuya Justin. Ganoon din naman si Kuya Justin sa kanya. Nalaman ko din na bata pa lang pala sila ay magkakilala na sila.

Wala pang ilang minuto ay dumating na si Ate Shara kasi kapitbahay lang naman namin siya, eh. Sinalubong naman kaagad siya ni Kuya Justin ng halik sa pisngi na sanhi ng pagkapula ng mukha niya.

“Yieeeeee!” kantsaw namin sa kanilang dalawa at pareho naman silang nagblush! Ang Kuya kong masungit, maalam din naman palang mag-blush!  

Iniwan muna ako nina Kuya kasama si Ate Shara dito sa kwarto ko. Sinimulan naman niya akong ayusan.

“Sino ba ang kasama mo doon, Chloe? Si Saturn ba?” nakangiting tanong niya.

Kilala niya si Saturn kasi naiikwento ko sa kanya ito. Alam din niyang gusto ko si Saturn at alam din niya na si Rick ang nag-imbita sa akin. Halos lahat ng nangyayari sa akin ay alam ni Ate Shara, isa na din nga siya sa mga bestfriend ko, eh. Pinagkakatiwalaan ko kasi siya at iniintindi niya ako. 

I smiled weakly at her in the mirror. “Hindi, Ate, baka si Rick ang sumundo sa akin at isa pa, siguradong may ibang kasama si Saturn sa pagpunta doon.”

Nginitian na lamang din ako ni Ate at pinagpatuloy akong ayusan. Pagkatapos niya akong ayusan ay inimulat ko na ang aking mga mata. Nakapikit lang kasi ako habang inaayusan niya ako. Hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang hindi ako ‘yung nakaharap sa salamin, eh. Emma Wattson, is that you? Tarush! Ang galing naman ni Ate Shara na mag-ayos! Bumagay din sa make-up ko ang damit at sapatos na ipinadala ni Rick.

“Ang ganda mo talaga, Chloe!” pagpuri sa akin ni Ate.

Maya-maya ay may kumatok sa may pinto.

“Nandyan na ang sundo mo, Princess.” sabi ni Kuya Steff.

Bumaba na kami at naabutan ko naman si Rick na nakaupo sa may couch sa salas. Ang gwapo talaga ng lalakeng ‘to.

“Waaaaaaaaah! Chloe! Ang ganda mo naman!” Tumkabo siya sa akin at akmang yayakapin ako nang iharang ni Kuya Justin ang palad niya sa mukha ni Rick. Itinulak niya si Rick papalayo sa akin habang nasa mukha pa rin nito ang kamay ni Kuya.

“Who gave you permission to hug my Princess?” seryosong sabi niya at masamang nakatingin kay Rick. Napatawa na lang ako. Bigla namang lumayo si Rick. Sa tatlo ko kasing Kuya, si Kuya Justin ang pinakastrikto kahit siya ang pinakabata sa kanila. 

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!