Chapter 10 From Friends to Lovers (FFTL)

6 0 0

Alamin ang big revelation ni Mr.Santiago! Ikakatuwa ba 'to ni Ellah o tuluyan mawawala ang nararamdaman niya ky Patrick?

---------------------------------

ELLAH'S POV

"Oh ate pahinga ka na ha. Goodnight!" Kakauwi lng namin galing ospital, nahimatay nga kase si ate. Pero okay naman siya, nalipasan lng ng gutom. >.<

*bzzzt*

''Hello? Sino to?"

"Ellah! Si Patrick 'to. Hi!"

Ba't napatawag si Patrick? Anong kelengan niya?

"Pls Patrick, kakauwi ko lang at pagod ako. Kaya sorry, wala akong time sa trip mo. Pahinga ka na. See you bukas."

"So nakauwi  ka na nga? Diba sabi ko sayo, itetext mo ako kung nakauwi ka na. Di ka naman kase nagtext eh kaya tinawagan na kita. Bumili talaga ako ng Smart na sim para matawagan kita."

OKAY. Ang weird niya ngayon ha. Ba't kelangan ko pa ireport sa kanya kung nakauwi na ako. Nanay lang? Nanay?

"Ellah? Andiyan ka pa ba? Naistorbo pa kita? Di bale, kita na lang tayo bukas. Sge bye!"

"Ah sge. Bye!"

Phew! Napahiga ako at .... Napangiti. Bumilis ang tibok ng aking puso na halos naririning ko na .... Lubdublubdub. Ba't ka ganyan Patrick? Hindi ako sanay na ganyan ka .... Mabait at concern sa akin.

*bzzzt*

Fr: 09301234567

Goodnight Ms.Sungit! Save mo number ko or else ur dead. See you bukas :)

- Patrick Pogi (eto dapat name ko sa phone mo)

"Haaay! Kumalma ka Ellah. Kumalma ka. Wala 'to. S-sgro my bagong pakulo lng ang mokong na 'to kaya mabait sa iyo. Inhale, exhale ..... "

"Hmm, wala naman pala siyang kelangan. Tumawag siya para lang ma-check kung nakauwi na ako? Ehhhhh! Syeeeet Ellaaaaah!."

Ehhhh! Pero wala eh! Hindi! Hindi pwede! Hindi pwede na ma-inlove ka ky Patrick, Ellah Paglalaruan niya lang ikaw nun. 

"Kaya nga ba ni Patrick na paglaruan at saktan ang isang katulad ko? Tsk." Ehhh hindi! Tama na. Erase! Erase! Mas mabuti na ganito, na friends na lang kami. Ayoko na maging complicated at masira friendship namin ....

Hindi pwede, Ellah. Hindi pwede.

---------------------------------------

PATRICK'S POV

"So Pat, ano na ngayon balak mo? Sasabihin mo na ky Ellah?" tanong ni Jowe from the other line of the phone.

"Di ko alam brad, pano ko naman sasabihin sa kanya eh parang iniiwasan niya naman ako. Parang kelangan ko pa yata masaktan o maaksidente para matawag yung pansin niya."

"Ganun ba? Di kaya nahahalata na niya? Pero ... sgurado ka na ba sa nararamdaman mo? Parang ang bilis naman yata kasi eh, isang buwan pa nga lang kayo break ni Chloe."

Di ko nga alam ang nararamdaman ko ky Ellah, pero simula na hinalikan ko siya? Nag-iba yung pakikitungo ko sa kanya. Kung nasisiyahan ako noon na laitin o asarin siya, pwes ngayon, ayoko makita na nalulungkot siya, yung narinig ko ang pag-iyak niya sa patay na inakala niya ako? Parang dadaloy rin ang mga luha ko na parang nasisiyahan ako dahil inayakan niya ako at ayaw niya na mawala ako kahit alam niya na ganito ako, pasaway at isang manloloko. Sobrang nasiyahan ako nun ng narining ko yun mula sa mga bibig niya. Bakit nga ba ako naaksidente? Dahil nakita ko siyang lumabas ng gym nung game namin. Nanghina ako nun dahil parang hindi niya talaga ako napapansin kahit kelan. Nae-excite ako pumasok lately, hindi dahil sa school, kundi dahil gusto ko siyang makita. Gusto ko palagi siyang nakikikita, gusto ko palagi kaming magkasama. Gusto ko na ba siya? Siya na nga ba kaunaunahang babae na mamahalin ko ng totoo at mamahalin din  ako? Sa tagal naming nagkasama bilang magkaibigan, bakit ngayon ko lang siya natutunan mahalin?

From Friends to LoversBasahin ang storyang ito ng LIBRE!