Chapter 1

1 0 0

Chapter 1

  “Keala! Bumangon kana!”

  Keala groaned and covered her ears with her pillow. Isa na naman ito sa mga araw na sisimulan sa pamamagitan ng bunganga ng nanay niya. Alam niya na hindi ito titigil hangga’t hindi siya bumabangon. Subalit tila ba mas gugustuhin na niya na harapin ang ‘living alarm clock’ niya kaysa tumayo at iwan ang kanyang comfortable bed. She’s been up all night working on her research paper, kaya naman sobra ang pagod niya. Not to mention, kailangan pa niya ma-meet ang deadline ng paper niya na within this week. And since it’s a Saturday and she doesn’t have classes until Monday, she figured she could oversleep. Pero mukhang may ibang plano para sa kanya ang Nanay niya.

  “Keala, ano ga naman at hindi ka pa nabangon di-‘yan?!” Her mother is right next to her; shaking her crazy.

  “Ma, it’s Saturday. Can you give me some credit at patulugin ako ngayong maghapon?” Sagot niya habang nakapikit. Hindi pa niya talaga kayang harapin ang araw.

  “Hindi! Tumayo ka na riyan sa ayaw at sa gusto mo!” Sinimulan na nitong hilahin ang paa niya pababa ng kama.

  “Aaahh!” Sigaw ni Keala nang tuluyan na siyang nahulog sa kama. “Ma, ano ga kasing proble -- ..” Naputol ang nais niyang sabihin nang Makita niya ang itsura ng Nanay niya.

  Nakabihis pormal ito – suot nito ang isang magarang bestidang noon lamang niya nakita. Abot hanggang tuhod ang haba nito at floral printed. Nakasuot din ito ng ternong pearl earrings at necklace. At ang lalo pang nagpaganda sa kanyang ina ang suot nitong pares ng killer heels at medyo makapal na make-up. Hindi aakalain ng sinomang makakita sa kanya na ito’y nasa late 40s na. Napakaganda niya talaga.

  Well, maganda rin naman siya. Keala got her mother’s looks, na siya rin namang sinasabi ng marami. She inherited her doe-eyes, small nose and lips, and heart shaped head. Ultimo hugis ng katawan nitong maliit at maalong buhok ay nakuha rin niya. That’s why people often prefer calling her the ‘carbon copy’ of her mother which she considers a huge compliment. Pero kung may magtatanong kung may namana ba siya sa tatay niya ay hindi niya alam; since she never got to meet him. Miski picture nito ay hindi pa niya nakikita. But she preferred it that way. She never thought of her biological father as her Dad. She would often call him her “sperm donor” para hindi na siya madisappoint na hindi nito nafulfill ang mga tungkulin nito bilang Tatay niya.

  Her mom raised her alone. At nabigyan naman siya ng magandang buhay. She was a hard-working Mom pero nasisigurado nitong may oras pa rin ito para sa kanya. Mabait ito at nararamdaman niya na mahal na mahal siya talaga. Besides, the only family they’ve ever known is each other. Adopted daughter kasi ang Mama niya ng isang mayamang infertile couple. And after they died, she lived her life alone in the city. Dahil nararamdaman nito na hindi siya tanggap ng mga kamag-anak ng foster parents niya.

  Ngunit after she celebrated her eighteenth birthday, nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Lagi na itong galit at tila ba pinapansin lamang siya kapag meron siyang pagkakamali na sobrang nakakapagtaka sa part niya. Hindi siya sanay na ganito ito eventhough her mom started acting that way only two months ago.

  “Keala, wake up and close your mouth!” her mother snapped na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. “Nakanganga ka.”

  “Anong.. meron?” Nagtataka niyang tanong. Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan siya sa kung anong nangyayari.

  Bumuntong-hininga muna ang kanyang ina bago nagsalita. “Basta’t anak, ika’y gumayak na. Maligo ka na, pagkatapos ay magpaayos. Ang damit na susuotin mo ay nasa kwarto ko. Dalian mo. Hinihintay na tayo sa munisipyo.” Pagkatapos n’on ay tumalikod na ang kanyang ina at naiwan siyang nakatulala sa kwarto. Gayak? Damit? Munisipyo? What’s goin’ on – Pero bago pa man niya matapos ang iniisip ay narinig niya ang isang malakas na boses mula sa labas ng kwarto niya.

  “So, where’s the bride?” Maarteng sabi ng isang bakla. “The wedding will start in three hours! Madir, kailangan na nating simulang gayakan ang bride. Ayokong minamadali ang creation ko.”

  “Palabas na ‘yon ng kwarto. Sinabi ko lang sa kanya to take a quick shower and get ready.” Sagot ng mama niya.

  “Balae, Arkin is almost here. I think it’s best if Keala starts moving now before he gets here.” Anang isang babae na ngayon lang niya narinig ang boses.

  “She’s tired from doing her research paper overnight. Pasensya na. Let’s just give her at least thirty minutes to get ready.”

  “Alam naman kasi niyang ngayon ‘yung kasal niya, how come nagpuyat pa siya? Oh my god, Madir! I’m gonna do her make up longer than what I expected!” Nang marinig ang sinabi ng bakla ay bigla siyang bumangon at binuksan ang pinto sa kwarto niya where outside, she saw atleast fifteen people. Ang mga babae ay kagaya ng Mama niya na nakasuot ng iba’t-ibang floral printed dresses with matching pearl accessories. Ang mga lalaki naman ay naka-slacks with suspenders and a coat. Aakalain mong nagtravel ka to the 1920s by just staring at these people.

  Pero ang tanong: bakit nga ba ganito ang mga suot nila?

  “Ma..” She managed to say na may kasama pang croak. “What’s going on?”

  Her mother stared at her and said nothing. Pero bago pa man niya buksan ang bibig niya para makapagsalita, hinila na siya ng baklang narinig niya kanina at hinatak siya papunta sa banyo.

  “You have five minutes to take a shower. After that, balik kana sa kwarto mo for your make-up. I’m so excited for you! This is going to be the wedding of the century!” Tumalikod na ito bago pa man siya makasagot kaya sinunod na lang niya ang sinabi nito at nagsimula ng mag-shower.

  And that’s where it struck her. This is not an ordinary Saturday. This is the day na pinapangarap ng halos lahat ng kababaihan. It’s her wedding day and she doesn’t even know it. But what’s worst about the situation is not the fact that she’s getting married without her consent. It’s the fact that she doesn’t even know who she will marry.

Paper HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!