Chapter 5

61 1 0

The moment I met Bernadette, my chance of ever becoming a normal girl flew out of the window. Obvious naman na ever since naging malapit kaming dalawa, naging parang isang rollercoaster ride na ang buhay ko. Well, actually, di lang naman talaga si Bernadette. Siyempre kasama diyan ang buong circle of friends namin.


And yes, it includes Troy.


I know every one of us has a very own bunch of crazy friends. Even those spoiled rich kids na akala mo sa kanila ang mundo? Yeah. Naniniwala akong meron rin silang wild and crazy side. Nagkakaiba-iba nga lang siguro sa range ng kabaliwan ng isang tao.


Bakit ko nga ba sinasabi 'to?


Well, napatunayan ko lang naman kung gano kabaliw yung mga kaibigan ko.


Papaakyat na ako sa third floor nun, ang floor naming third year students. Dahil nga habit ko na ang makinig sa iPod ko every morning, wala akong kamalay malay sa mga ingay sa paligid ko.


Halfway na ako sa stairs nung mapansin ko ang malaking tarpaulin na nakasabit sa wall. Halos malaglag ang mata ko ng makita ko ang pagkalaki-laking mukha ko. May nakasulat sa tarpaulin pero hindi ko na masyadong napansin yun dahil mas nangibabaw yung 14 year old face ko.


Kuha yun sa bahay namin sa Australia. Tandang tanda ko yun dahil for the first time in my life, even if it was just for a night, nafeel ko na kahit papaano, may igaganda pala ako. Yeah, alam kong napakayabang pakinggan kung manggagaling sa akin pero promise, that's what I felt during that time.


Birthday kasi yun ng classmate kong Aussie na si Janice. At dahil nga napagtripan niya ako kasama ng iba pa niyang kaibigan, pinilit nila akong magpa-make over sa kanila. Since wala silang balak na tigilan ako at dahil na rin birthday nga niya, pumayag ako. Siya kasi yung closest na matatawag kong 'kaibigan' nung nasa ibang bansa pa ako kaya no wonder, hindi ko siya natiis.


Ngayong tinitignan ko na yung picture na yun mula sa malaking tarpaulin, pakiramdam ko ang pangit pangit ko. Hindi ko tuloy maisip kung anong anong nakita ko noon sa sarili ko para isiping ang ganda ko nung time na yon.


Yak Tine. Wag kasing feelingera.


Kung hindi lang talaga malaki yung tarpaulin, matagal ko ng tinakpan yun ng karton o kahit na anong pwedeng pantakip sa inosente kong mukha. Grabe. Nakakahiya.


Sinilip ko kung may nakakita bang ibang students dito sa agaw eksenang tarpaulin na 'to. Pagkatingin ko sa baba, nagkumpulan ang mga second year students at kanina pa pala nila ako pinagtitinginan.


Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Agad agad kong pinagpatuloy ang pag-akyat ko sa stairs para hanapin ang may gawa nung kahihiyan na 'to. Hindi ko naman na kelangan manghula kung sino dahil kilala naman nating lahat ang taong may guts na gumawa ng mga stunt na ganyan.


Medyo inis na may halong embarrassment pa ang nararamdaman ko ng salubungin ako ng mga baliw kong kaibigan. Si Josh may hawak na video cam. Si Adrian naman may hawak na brush ng buhok. Kung hindi ako nagkakamali, nagprepretend siya na isang reporter.

The Stupidity and Complications of Love [ON HOLD] Basahin ang storyang ito ng LIBRE!