Chapter 11: Sparks Will Fly

4.7K 102 38

Chapter 11: Sparks Will Fly

Ikinakasal na ngayon si Adrienne at Knoxx, sa harap ng almost 400 guests. Nahilo nga kaming lahat sa bawat introduction ng kung sinu-sinong kamag-anak o kaibigan ng parehong Montefalco at Salazar. I'm here with Erin, Claudette & Klare sa side ng girls because we were included for the entourage. I was assigned with pinning the veil on the bride & groom together with a guy from Adi's family. I think he's her younger brother. He's really tall with broad shoulders, moreno eyes & firm jaws. Almost like a Montefalco, but no one can really compare sa looks ng mga ito.

"Your partner's checking you out," bulong sakin ni Erin na kinikilig-kilig pa

"Who? Me?"

"Ay sino pa ba!" hagikgik ni Erin at ni Clau. Nasaway tuloy kami ng isang principal sponsor sa likod.

"Can't be. Hindi Chinese," pagbibiro ko.

Tinawag na kami para ikabit ang veil. Nginitian pa ako nitong si baby brother. Ngumiti ako pabalik. Talaga nga yatang tinamaan sakin. (Wow, lakas) And while we were pinning the veil on Adi, he even had the nerve to brush his hand softly on mine at talagang ngumiti pa sakin. Bumalik ako sa upuan at naabutang ngiting ngiti sakin sina Erin.

"Shut up," irap ko. Tumawa silang muli at nasaway na naman kami nung nasa likod.

The ceremony went on & the groom kissed the bride! Sa wakas! Nakakapagod tumayo and I'm starving! Mabuti nga at naka-flip flops ang mga abay kung di kanina pa ako naiyak dito. I hate wearing heels. Kumain kami at nagsaya. They even ruined the bride and groom's gigantic cake, para lang maipunas ang icing kay Azi na nagpa-shower ng wine. It was like a feast in Santorini. After the reception, we took off our gowns & suits at inenjoy ang dagat at araw.

"Aren't you guys tired?" tanong ko habang tumatawa at tinatanggal ang mga buhanging ibinato sakin ni Josiah. Yeah, we're in talking terms already dahil nagkabungguan kaming dalawa kanina, nakita ni Dame na nagkakailangan pa, kaya nilunod nila kami magpipinsan sa blueberry wine.

"Tara nga, let's rest first!" aya ni Elijah.

Lumipas ang buong hapon na tulog lang kami sa kanya-kanyang rooms. Before mag sunset ay ginising kami to transfer sa kabilang island upon the groom's request. Since may baby naman na sila ni Adi, ano pa nga raw bang point ng honeymoon nilang dalawa. So he instead, isinama nila kami sa bakasyon na para sa kanila lang dalawa. Saya diba, dami naming odd wheels!

Anyway, we're already here. White sand rin siya kagaya ng pinaggalingan naming island kung saan sila kinasal. Mas pino nga lang ang buhangin dito.

Habang kumakain kami ng dinner ay may nagffire dance sa tabi namin. It was spectacular! Though mej nagfreak out ako kasi I seriously thought they're gonna burn themselves alive but of course, they're professionals naman. Most of them were gay. Nahirapan pa nga kaming i-distinguish kung sino ang gay sa hindi.

Nagkaayaan pang mag-bonfire at mag-smores.. unfortunately, we ran out of marshmallows kaya nauwi rin sa inuman. Pumasok na yung mga may asawa, si Knoxx at Dame dahil pareho yatang buntis ang mga wife nila.. Xian will be a kuya soon!

"Truth or dare!" sigaw bigla ni Azi.

"Gay," Josiah muttered. Binato sya ng kahoy ni Azi saka sila nagtawanan ng malakas. Tinamaan kasi sa binti si Joss.

"Dali na! Sobrang boring!" inis na sabi ni Azi

"Fine! Spin it!" sagot ni Elijah.

Pinaikot ni Azi ang bote ng Jim Beam sa isang stool malapit sa apoy. Tumapat iyon kay Erin.

"Truth!" excited na sabi ni Erin

"Are you still in love with Eon Faggot?" tanong ni Rafael

"No, hindi na," titig ni Erin sa buhangin

"Talaga ha," tawa ni Raf

"Spin," seryosong utas nalang ni Erin para matapos na

Tumapat iyon kay Josiah.

"Dare!! Ang gay naman nito kainis!" iritang sabi ni Joss.

"Pero namili na sya," tawa ni Klare sa tabi ko

"Tuck Rob's hair while looking at her in the eye," utos ni Erin

"What??!" pagpprotesta ko

"It's just a game!" sabi ni Raf.

"Alright alright,"

Lumapit sakin si Josiah na medyo iritado at naiilang the same time. Tumabi sya sa bench na inuupuan ko. Unti unti niyang tinaas ang kanang kamay nya at nilagay yung mga takas kong buhok sa tenga. Hindi ako makatingin ng diretso.

"Rob, tingin!! Eye to eye dapat!" pang-aasar pa ni Ate Chanel.

Sinubukan kong tingnan si Josiah. Naabutan ko na syang titig na titig sa mga mata ko at namumula. Kilig or epekto ng alak, I'm not sure. Though I'm certain of one thing... Walang sparks. No butterflies in my stomach.

It won't be Josiah.

Until I Loved You: Azrael (Fan Fiction | TO BE DELETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!