:31// Arrhythmia

79 4 0

" Pa.. Aalis lang daw si mama." Anas ko kay papa habang tinatali yung buhok ko.

" Bakit?"

" Papahangin daw."

" Ba't di na lang siya tumapat sa electricfan. Tapos i-number 3 niya? May nalalaman pang paalis alis.." asik ni papa at natawa sila kuya.

" Kaya pala.. Hahaha.. May pinagmanahan si Cyxa, papa." Biro ni kuya Benj at natawa ako. Parang copy paste lang kasi ng ugali ni papa yung ugali ko. Magaling mambasag.

" Sige papa. 'Di muna ako papasok ng trabaho ng ilang araw para magbantay kay Anji." paalam ko kay papa saka naglakad na papalapit sa pinto ng bahay.

" O sige. Ingat ka. Bye."

---

" Sisa? Bakit ba kayo tahimik ni kuya Van? Ayaw niyo ba akong kasama?" Anas ni Anji habang nakaupo sa wheeled chair at tinutulak ni Van. Naglalakad lakad kami ngayon sa parang mini park ng ospital. Gusto daw kasi ni Anji maglibot.

" Hindi naman sa ganon.. ayaw kasing makipagbati sa'kin ni Cyxa eh." May ngiting nakakalokong anas ni Van at saglit ko siyang tinignan ng masama. Alam niya naman kasi ang kalagayan ni Anji.

Ang sabi kasi ng doctor ay may sakit sa puso 'tong Anji na 'to. Parang may abnormal beating daw yung puso niya, ganon. Nakalimutan ko tawag eh. Tapos baka nakakasama pa sa kanya na sumama yung loob niya o ano.

" Sisa! Sabi ko magbati na kayo eh!" anas ni Anji at nagpumilit na makatayo mula sa wheeled chair.

Ah.. Ganito pala ang gusto mo?!

" Hindi 'no! Bati na nga kami eh!" kunyaring natutuwang anas ko saka niyakap pa sa leeg si Van ng mahigpit.

" Talaga!?" masayang tanong ni Anji.

" O-oo naman!" sagot ko saka mas lalong hinigpitan yung yakap ko sa kanya.

" Weh?" anas niya pa. " Sige nga.. kung bati na kayo, bubuhatin ka ngayon ni kuya Van na parang nakabridal style!" natatawang anas niya. Napatigil naman ako sa pagtawa at napatingin sa kanya.

Wala talaga akong lusot dito sa batang 'to! Ang tali talino!

" O sige!" anas ni Van at nagulat na lang ako na nakaalis na pala siya mula sa yakap ko. Gulat at nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

W-wag mo sabihing... g-gagawin niya talaga yun?! Waaaaaaaah!

" Bati na tayo diba? H-hehe.. ayokong mabigatan ka kaya wag mo na akong buhatin." pagpapalusot ko.

" Tsh.. magaan ka lang naman." bored na sagot niya saka ako nginitian ng pilyo.

" VAN?!" pinanlakihan ko siya ng mata dahil mukhang bubuhatin niya nga ako. Unti unting lumapit sa'kin si Van kaya palayo ako ng palayo sa kanya. " Ano ba, Van? Close ba tayo--? AAAAAAAAH! Vaaan!" anas ko nang habulin ako bigla ni Van. Lumingon ako sa kanya at nagkatitigan kami. Ang saya saya ng aura niya habang hinahabol ako at bigla akong may naramdaman sa bandang may dibdib ko. Parang bumibilis yung tibok ng puso ko habang patagal ng patagal akong nakatitig sa kanya.

Parang nagiging abnormal yung pagtibok ng puso ko? Yung sobrang bilis na as in. Akala mo pagod ako pero hindi. Hindi pa ako nakakaramdam ng pagod. Nageenjoy pa nga ata ako na nakatitig sa kanya habang naghahabulan kami. Parang ano.. parang natutuwa ako. Parang ang saya. Ang saya saya ko. Ang saya ko kasi nakakasalamuha ko ang taong mahal ko ng walang asungot sa moment. Walang sakit. Walang lungkot. Walang kirot dito sa puso ko. Siya lang. Si Kokey lang na tanging laman ng puso ko.

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!