RBW II: Lies.Greed.Misery

3.9K 153 12

                                              RBW II

                                     " Lies.Greed.Misery"

"Hindi ko na sya matitiis ! nakakatakot sya para syang baliw ! " ang isa sa nananinilibihan kay Xerxes sa kasamahan nito , naroon sila sa loob ng kusina.

"Bakit nya ba inaaalagaan ang baliw na yon! nakakatakot ang babaeng yon , minsan nagsasalita din syang mag isa na parang may kausap."turan pa nito.

"Siguro dapat na tayong umalis sa lugar na to, baka patayin nya tayo bigla" sagot ng kausap nito.

"Tama , papatayin ko kayo " si Lacie na nakapagpagulat sabay ng paninindig balahibo ng dalawa ng marinig ang malamig na boses nito, nasa likuran nila ito kaya napaatras sila sa takot dahil may hawak itong kutsilyo at nakangiti na parang isang demonyo.

"Sinong gusto nyong unahin ko sainyo? ikaw? o ikaw ?  "si Lacie sabay hagikgik habang tinuturo ng kutsilyo ang dalawa.

"Kapag nakaharap si Xerxes, parang napaka maunawain nyo sakin " si Lacie sa boses na malamig at ngiting makahulugan habang naririnig lang ang paglalakad nito dahil sa takong ng boots nito.

"Patawarin nyo na kami Princess Lacie , hindi na kami uulit " wika ng isa na mangiyak-ngiyak na.

"Ayoko sa lahat yung niloloko ako, naalala ko sainyo ang kapatid ko na gustong gusto ko ng patayin gamit ang mga kamay ko " si Lacie na mas malapit na, luhod ang dalawa at umiiyak ng nagmamakaawa.

"Kung putulin ko muna ang dila mo " mabilis na hinaltak ni Lacie ang isa sa buhok na nasa mata ang labis na takot.

"Ikaw naman dudukutin ko yang mga mata mo " ngitingngiting aniya sa isa pa.

"Maawa ka samin , hindi na kami uulit ! " 

"Wag mo kaming saktan , hindi na kami magsasalita at kahit anong iutos mo gagawin namin pakiusap !" umiiyak na nagmamakaawa ang mga ito sakanya.

Binitiwan ni Lacie ang buhok ng isa at humila ng upuan sa harapan ng dalawang nakaluhod, pinagkrus nya ang binti bago nagsalita ng " Naiinip ako sa lugar na to, bibigyan ko kayo ng tatlong araw para hanapin si Alice.Magkamukha kami ang kaibahan lang itim ang buhok nya at hindi pula ang mata nya .Kapag hindi nyo nasabi sakin kung nasaan sya sa loob ng tatlong araw -" nilapit nya ang mukha sa mga ito "Kahit nasaan kayo papatayin ko kayo, hindi lang basta papatayin pahihirapan ko pa kayo bago ko kayo patayin hahahahahaha ! " sa mga sinabi nya natakot lalo ang mga ito , hindi naman marunong magbiro si Lacie, ilang beses na itong muntik makapatay kundi lang ito napipigilan ni Xerxes pero alam nila na maging si Xerxes ay walang boses dito.

Ang gusto nito ang nasusunod,

Ginagawa nitong Palasyo ang lugar,

Prinsesa sya sa paningin nya,

Minsan maayos syang makitungo , pero pag pumapasok sa isip nya si Alice nagagalit sya, namumuhi at gustong patayin ito ng paulit-ulit.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!