Chapter 1

02/09/14  12:59 AM

        Ano bang nangyayari sakin? Wala naman akong problema. Wala namang mali sa pamilya ko. Pero bat ba ako lumayas?

"Enka Marie! Tanga tanga ka talaga. Lalayas layas ka eh wala ka namang pera." Tinuktok ko ang ulo ko habang iniisip kung papaano ako makakabalik ng Pilipinas.

        Bakit nga ba ako lumayas? Enka, ang bobo bobo mo. Ikaw lang ang kilala kong naglalayas ng wala namang dahilan. Harujusko masama pa hindi ka lang sa malayo napunta, sa malayong malayong malayo pa.

        Ano bang ginagawa ko? Winaldas ko na lahat ng savings ko para lang makabili ng plane ticket papunta dito eh. Sakit ka talaga ng ulo Enka! Hindi mo ba alam kung ilang bata na ang mapapakain ng pamasahe mo papunta dito sa Canada? Hay nako naman. Wala ka namang kakilala dito. Basta gumising ka nalang ng alas tres ng umaga at sinabi sa sarili mong pupunta kang Vancouver. Nagpake ka ng damit, nag sneak out, pumuntang NAIA, sumakay sa eroplano, at heto ka ngayon, NGA NGA.

         Jusko. sa laman ng bulsa ko ngayon, hanggang apat na araw lang ito para sa hotel at pagkain. Pagkatapos ano, Enka?! Titira ka sa kalsada? Paano ka uuwi ng Pilipinas? Paano mo cocontact-in ang magulang mo para sabihing hindi ka nakipagtanan sa bali balitang boyfriend mong naghihithit sa kanto? Wala ka ngang roaming eh. Huhuhu. God help me.

        "Ma'am will you still take the room?"

        "Uhm..." SHIT ANG MAHAL LECHE. IN THIS RATE BAKA ISANG ARAW LANG ABUTIN NG PERA KO JUSKO. ANO BA NAMAN YAN. TAMA NA KAMALASAN PLEASE HUHUHUHUHU.

        "Ma'am?" Ngumiti ng mataray yung counter lady. Hampas lupang to. Tatarayan ba naman ako. Isang Enka Marie Villaluz, tatarayan ng hilaw na canadiang nagtatrabaho sa isang mamahaling hotel?! THAT CANNOT BE.  Pero wala kang pera, Enka. Wala kang pera.

        "Uh..."

        "If you're not gonna take it, Ma'am---"

     "Yeah I'll take it."  Atribida! Tataasan mo pa ako ng kilay. Gaga. Magkapulubihan na, walang magtataray sakin!

        Hinawakan ko ang susi ko sa hotel. Ang mahal naman nito. Huhuhu. Room 416. Dapat maganda to. Dapat talaga sobrang ganda nito para worth it ang pagiging pulubi ko.

          Nag elevator ako paakyat at nang makarating sa 4th floor ay hinanap ang number 16 na room.

        "Fourteen... Fifteen... Ay ayun!" Tumakbo ako papuntang dulo. Grabe naman ang floor na to. Tatatlo ang room. Ang laki siguro.

          Nang nakarating na ako sa room ay may lumabas doon na nag ho home keeping. Tinignan ako ng masama ng lecheng hampaslupa na naka-maid's outfit. Lahat ba ng empleyado dito feelingera? Naiwang bukas ang kwarto pagkaalis niya kaya't hindi ko na kinailangan gamitin ang susi ko, pumasok nalang ako sa loob at nakita ang ganda at ang worth ng perang binayaran ko. 

        MY GOD, Enka. Pang reyna ang room mo! Tumalon talon ako sa kama, at tinignan lahat ng parte ng kwarto when finally, I decided to sleep.

----

        "FUCK THAT WOMAN!"

        Nagising ako sa sigaw ng isang lalaki.

        Oh my God. Mamamatay na ba ako? Shit, may magnanakaw dito? Na lock ko naman yung pinto ah? Ano bang tanga tangang hotel to? Ano ang kamalasan dumampi sayo, Enka? HUHUHU

        "WHO DOES SHE THINK SHE IS?!"

        MY GOOOOOOD. Galit yung magnanakaw. Ano bang gagawin ko? Magtatago? Saan? Baka pag gumalaw ako bigla akong barilin. Then? Saan? Magtatago ako dito sa kama? Okay, medyo malaki tsaka maraming unan... kaso...

        "TANGINA TALAGA!"

        I pulled the blanket up and hoped for the best. Pilipino yung... magnanakaw? Jusko, kapatid. May mas mabuting daan. Please. HUWAGGGG.

        Naramdaman kong gumalaw ang kama.

      "THE FUCK?!" Natahimik nalang ako nang nakita na ako ng magnanakaw... Oh no.

        Akmang lalapit siya nang tumalon paalis ng kama at lumuhod sa carpet sa sahig.

       "Kuya, please. Huwag po. Tumakas lang ako samin. Nagmamakaawa ako. Huhuhu. Please kuya, wala na ho akong pera. " Pinagdikit ko ang mga palad ko.

        "ANO?!"

     "Wag na ho ako kuya. Pilipino po ako. Nakawan mo na yung kano. Wag lang ho ako. Magkadugo tayo." Ipinikit ko ang mga mata ko praying to God that I don't end up in a casket.

        Naramdaman ko ang pagbaba rin niya sa kama at inexpect ko na ang bullet na susunod.

      Pero ang tangi ko lang naramdaman ay ang paghila niya saakin patayo at pagtulak niya sakin papuntang pader.
        

        Nanlaki ang mata ko when he lifted me up as if I weighed like a feather.

        "You think I'm a bad guy?"

        Idinilat ko ang mata ko at nakita ko ang isang lalaking higit pa sa anghel.

        "Do I look like a bad guy?" He touched my shoulder ang pushed me harder into the wall. Idinikit niya rin ang tungki ng kanyang ilong sa ilong ko.

        "Who... are you?" I managed to state.

        He smiled and told me the most correct answer I could get.

        "Your future husband."

Running AwayBasahin ang storyang ito ng LIBRE!