Chapter 28

47 9 2

                      ~Mika's POV~

Nakaangkas parin ako Kay Unggoy habang patungo kami dun  sa may mga kabayo, yung  kulungan nila? Basta! Nakalimutan  ko ang tawag dun eh.

"Ate, anong  paborito mong pagkain?" Nakangisi pang tanong sakin ni Dash. Dumadaldal siya habang nakasakay sa puting kabayo niyang kamukha ni Pegasus (A/N: spelling? :3 ewan XD)

"Ice cream" tapos nilahad niya yung kamay niya.

"Apir atePareho tayo! Anong flavor?"

"Mocha"

"Waaaa ayon sa research ko kaya daw mocha ang pangalan ni Ms. Mocha kasi yun daw ang paborito niyang flavor ng icecream" napataas ang kilay ko. Ang galing gumawa ng mga tukmol na yun ng kwento ah, half true ba naman? ╮(─▽─)╭

"Hmp. Mas maganda ako dun, diba?" Tapos nginisihan ko siya. Nagnod lang siya saka pinatakbo ang kabayo niya ng mabilis.

"Uy unggoy! Baka mahulog yung kapatid mo!" Sita ko kay Unggoy na hindi man lang kumibo magmula nang magdaldal yung kapatid niya.

"Kaya na niya ang sarili niya, afterall dito siya lumaki" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Unggoy.

"Dito lumaki si Dash?" Tumango lang siya. Kanina pa'to tahimik ah. Anyare?

"Tahimik mo?"- ako
"Ba't ang ingay mo?"-siya
"Suntok gusto mo"
"Kiss gusto ko"
"Halik your face! Kiskisin ko yang labi mo eh"
"Through your lips? Pwede rin."
"Kulit ng lahi mo!" Humalakhak lang siya sa huli kong sinabi, kaya pinalo ko siya. Sabay kaming napatingin sa babaeng nakasakay sa kabayo na huminto sa harap namin.  Oh wait, dalawa sila. Isang mistisang babaeng kaedad ko at babaeng nasa mga trenta ata pero kamukha ni Dash.

"Honey! Welcome home! Why are you here?" Tanong nung kamukha ni Dash.  Tinapik ko si Unggoy at sinenyasang ibaba ako. Nakakahiya kasi, tsaka mukhang alam ko na kung sino tong kamukha ni Dash.

"Dinadalaw ko lang ang hacienda, tsaka Mmy dapat kayo ang tinatanong ko niyan. Hindi niyo sinabi sa akin na nandito kayo sa Pilipinas." Tumingin siya dun sa babaeng mistisang babae.

Granting My PromiseBasahin ang storyang ito ng LIBRE!