13


Natapos ng naaayon sa plano at masaya ang golden wedding nila Lola Neri at Lolo Lino.

Nang sumapit ang gabi ay nagkatuwaan ang mga kalalakihan na mag-inuman para daw ganahan si Lolo Lino sa pulo't gata nila ni Lola. Iyon nga lang sobrang nalasing si Lolo kaya bulagta raw agad ito sa kama pag dating sa kuwarto nila. Umani tuloy siya ng asar sa amin nang mag-umagahan kanina.

At ngayon, ay lulan kami ng sasakyan ni Theous pauwi na ng Manila. Pilit nga akong pinapa-stay pa nila Mama kahit isang gabi pa raw ngunit hindi na maaari dahil kailangan kong mag-on air mamayang 9pm para sa weekdays program ko sa radio na 'Sweet Night with Bal'.

Nangako na lang ako na uuwe this coming Saturday upang hindi sila magtampo. Kailangan ko agad masabi iyon kila Darille upang maayos ang schedule this Saturday para sa program naming Sabadabadoo Night sa Caliber Shot.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bag upang tawagan sana si Darille ngunit bigla iyong nag-ring at lumitaw ang pangalan ni Calli. Tumatawag siya.

Sinagot ko iyon na may kunot sa noo. Hindi ugali ni Calli na tumawag ng ganitong oras dahil laging busy iyon sa trabaho kaya hindi ko maiwasang magtaka.

"Hello, Calli?"

"Darille is missing!"

Sabay naming sabi kaya hindi ko siya masyadong naintindihan.

Ano daw si Darille? Missing?

"What?" tanong ko upang masigurado kung tama ang narinig ko.

"Naandito kami sa condo ni Darille. Tatlong araw na siyang hindi nagpupunta sa Caliber Shot o nagpapakita sa amin ni Marvi kaya balak na sana namin siyang puntahan ng bigla kaming maka-receive ng text galing sa kaniya. Pinapupunta kami dito ngunit wala siya. Tanging note na nagsasabing tayo na raw muna ang bahala sa condo niya at recorder ang nakita namin. Pabalik ka na ba ng Manila? You need to be here. Mukhang niloko ni Gion si Darille kaya bigla siyang umalis---"

"We're still not sure about it, Calli. Wag muna nating husgahan si Gion." Narinig kong singit ni Marvi sa kabilang linya.

"Ano pa bang kulang doon sa narinig natin, Marvi? Malinaw naman na pinagpustahan lang ni Gion at ng mga kaibigan niya si Darille. Hay, hindi ko talaga akalain na magagawa ng g*go iyon ito kay Darille. Kainis!" nanggagalaiting sabi ni Calli.

"Sinubukan niyo na bang tawagan si Darille? Anong sabi ni Darius? On the way na ako to Manila. SLEX na kami." Sabi ko na pilit kinakalma ang sarili.

Bigla bigla naman kasi ang mga pangyayari. Ang saya saya pa ni Darille bago dumating ang Friday at umuwe ako ng Cavinti tapos ganito agad? Gusto ko na tuloy makarating ng condo niya upang malaman ang lahat lahat.

Naiinis ako ngayon pero ayoko munang husgahan si Gion. Tama naman si Marvi hindi pa sigurado ang lahat saka kailan ko munang mapakinggan iyong recording na sinasabi nila.

"Hindi niya sinagot ang mga tawag namin. Sinabi ko na rin ito kay Darius at tinawagan na niya ang mga kamag-anak nila para alamin kung may alam tungkol sa kinaroroonan ni Darille." Sabi ni Calli.

Napabuntong hininga na lang ako at napahawak sa aking noo.

Asan ka ba, Darille?

Naramdaman ko ang paghawak ni Theous sa aking braso. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nag-aalala ang itsura niya kaya umiling lang ako at tipid na ngumiti upang sabihin okay lang ako.

"Mag-tetext na lang ako pag malapit na kami na kami diyan. Relax lang kayo diyan. Babalik din si Darille. Alam niyo naman iyon, ayaw niya lang na dinadamay pa tayo sa problema kaya umalis siya. Magiging maayos din ang lahat." Sabi ko sa kanila sa kabilang linya.

SHOT OF LOVE: My Arrogant Love, TheousBasahin ang storyang ito ng LIBRE!