***

            "We're here!" masayang wika ng binata. "Ang ganda dito, 'no?"

            "Oo, parang maganda nga dito. Pero, may nakalimutan ka 'atang gawin, eh." sabi naman ng naka-blindfold na dalaga.

            Nakalimutan ng binata na alisin ang nakapiring na panyo sa mata nito.

            "Ha? Ano naman yu—ah! Hahaha! Sorry na!" wika ni Tyrone saka mabilis na tinanggal ang panyo sa mata ni Sasha.

            Unti-unting minulat ng dalaga ang mata niya, at bakas sa mukha nito ang pagkabigla kaya dahan-dahan siyang napahakbang paatras at mabilis na niyakap ng mahigpit si Tyrone.

            Dinala kasi siya ni Tyrone sa isang bangin, at takot naman si Sasha sa matataas na lugar kaya ganun na lamang ang pagkabigla nito at bigla na lang siyang napayakap dito dahil sa takot.

-

            Umupo sila sa isang bench na malapit sa bangin. Sa wakas, ay nakahinga narin ng maluwag si Sasha dahil sa matinding takot kanina.

            Natuklasan nga ni Sasha na maganda sa lugar na ito, kaya siguro nagustuhan dito ni Tyrone. Maraming mayayabong na puno, mayroong magandang beach sa baba at presko ang hangin katulad sa paborito niyang lugar—ang school garden.

            Nang lumingon siya sa kanyang kaliwa ay—bigla na lamang nagkadikitan ang mga labi nila ni Tyrone.

            Hindi alam ng dalaga na kanina pa pala siya tinititigan nito. At sa pangalawang pagkakataon, muli na naman silang aksidenteng nagkadikitan ng labi nito.

            Nanlaki ang mga mata ni Sasha at mistulang naging rebulto siya sakaniyang kinauupuan dahil hindi siya makagalaw. Hind niya ginusto at inaasahang may mangyayaring ganito.

            Pero, mas lalo pa siyang nabigla sa mga sumunod na eksena—bigla na lang siyang hinalikan ni Tyrone at ramdam niya ang mainit na paghinga nito.

            " 'NAK, GISING NA,"

            Marahang ibinukas ni Sasha ang mga mata niya ng marining ang mahinahong paggising sakanya ng kanyang ina na si agnes.

            Masakit pa ang mga mata niya at pilit niyang iyong ibinukas kahit mabigat pa ang talukap nito; dahil sakanyang ginawang magdamagang pag-iyak kagabi.

            Halos hindi siya nakatulog sa kakaiyak at kakaisip ng dahilan kung bakit bigla na lamang nagkaganoon si Tyrone.

            "Sasha? Anak, anong nangyari sa'yo? Bakit magang-maga ang mga mata mo?" alalang alalang wika ng kanyang ina at hinawakan ang dalaga sa mukha nito.

The Miss TresBasahin ang storyang ito ng LIBRE!