DYNASTY SERIES 

Presents: 

"PLEASURE of LOVE" 

CHAPTER  [ Six ]

        NANG matapos ang dwelo nina JC at ng babaeng nagngangalang Echen, agad namang bumaba din ng stafe si JC, nilapitan sya ni Gary para kumustahin. 

"Pre may nabali ba sayo?" Pag-aalala nitu. 

"Boss mo ako dito sa kwarto lang tayo magkumpapre ano kaba?" Agad naman tugon ni JC sa mahinang boses. 

"Oo nga pala. Nakalimot ng konte. Ano ang lagay mo? Matindi ang babaeng iyon ah." Tanong muli ni Gary. 

"Maiwan ka muna dito magmasid ka dito sa club kung anong mga susunod na mangyayari. Kailangan kung makuha ang babaeng iyon, at wag kang babalik ng hotel ng hindi ko sinasabi." Bilin pa ni JC kay Gary. 

"Anak ng- jackpot ka dun boss ang ganda ng katawan, pabalato ha kapag may tira-tira." Nakangiting turan ni Gary. 

"Magbantay ka dito, magmasid. Sige na aayusin ko muna ang Echen na yon pinahirapan ako. Tingnan ko kung hanggang saan ang lakas n'ya sa akin." He smile. A dangerous smile from JC. 

"Hoy baka nakakalimutan mo may nobya ka na. Dapat ibinabalato mo nalang sa akin yon." Agaw pang muli ni Gary. 

"Alam ko, di ako nakakalimot. Pero kailangan ko tong kilalanin." Ang tinutukoy ni JC ay ang babaeng kanyang naka dwelo. 

"Sige na, mahaba pa ang gabi, mag-iikot din ako kung saan may mga activities dito para malaman natin kung ano pa ba ang laman ng sinasabi mong Dynasty." Sabay paalam ni Gary. 

"Mag-iingat ka." Pahabol naman ni JC. 

        Hinatid ng shuttle si JC sa hotel na kanyang tinutuluyan, doon nya hihintayin ang babaeng nagngangalang Echen, sa kwarto nya, sa suit na kanilang tinutuluyan. Kailangan nyang mapalapit sa babaeng eto iba ang kanyang nararamdaman, hindi eto ordinaryong babae at mas lalong hindi lamang isang pangkaraniwang mananayaw sa Dynasty Club na iyon. Pinagpawisan sya sa laban nila ng babaeng iyon, kailangan nyang maligo muna. Nasa third floor ang kanilang unit ni Gary, habang nasa elevator sya tinanggal na muna nya ang kanyang coat, dahil sa alinsangan. Kung di sya marunong dumipensa tiyak patay sya kanina, paano nalang ang mga lalaking nauna sa kanya? Ngayon iniisip na ni JC kung anong kinahinatnan ng mga naunang naging biktima ng babae. 

        He was about to insert the key sa doorknob ng nakabukas na eto. Nakiramdam sya sa paligid habang marahang binubuksan ang pintuan ng kanilang kwarto ni Gary. Nakabukas ang isang ilaw sa side ng kanyang kama. Inikot nya ang kanyang mga mata sa paligid. Walang tao. Bahagya pa syang naglakad ng mahagip ng kanyang mata ang isang bulto ng tao. Babae eto sa hubog palang ng katawan. 

        Papalapit sa kanya ang babae. He open he's two legs para maging handa sa anu mang magiging laban. 

DYNASTY SERIES "Pleasure of Love"Basahin ang storyang ito ng LIBRE!