Chapter 5

52 2 0

(Shanne's POV)

**same day**

Pagkagising ko palang dumeretcho na ako sa banyo para maligo at hindi ko alam kung bakit feeling ko ang saya saya ko diba dapat malungkot ako...after ko magbihis bumaba na ako sa kusina para magluto nang almusal...habang nagluluto ako hindi ko maiwasang mapakanta na para bang ang gaan gaan ng mood ko,siguro epekto lang to ng maganda ang gising

............

Patapos na akong hugasan yung pinagkainan ko ng may tumawag at sinagot ko tuh ng hyper mood

(Hello*^▁^*)nakangiti pa talaga ako habang sinasagot yung tawag kahit hindi ko alam kung sino yung tumawag

(Good Morning Shanne!mukhang good mood ka ata ngayon ah)sagot ng nasa kabilang linya

(Excuse me,pero sino po ba kayo?)sabi ko at tiningnan yung phone ko pero unknown number lang ang nakalagay

(Nakalimutan mo naba ako...ako yung boyfriend mo)sabi ng nasa kabilang linya

Boyfriend?seryoso ba tung taong tuh...wala naman akong boyfriend ahh

(Sorry po pero wrong number po ata kayo)sabi ko na may konting nerbyos

(Grabe ka naman babe,kinalimutan mo na ako)sabi ng nasa kabilang linya

(Huh?sorry kuya nagkakamali po talaga kayo)

Lakas din makatrip ng taong to eh...wala nga akong boyfriend ni isa NBSB kaya ako...tsk!ang good mood ko medyo napalitan ng pagka irita

----------

(Jeff's POV)

(Huh?sorry kuya nagkakamali po talaga kayo)

Grabe natatawa na ako pero pinipigilan ko lang...baka kasi mabuking ako ni Shanne masapak pa ako nun hindi pa nga ako nakakapagsorry,tumawag ako kasi gusto kong magsorry sa kanya pero ang sarap talagang pagtripan si Shanne

(Babe umaarte kabang ganyan kasi hindi mo pa ako napapatawad?sorry na...hindi ko na yun uulitin)sabi ko

(Huh?ano pong pinagsasabi niyo kuya...hindi ko naman po kayo kilala)sagot ni shanne...nakakatawa yung boses niya yung tipong nenenerbyos tapos hindi alam kung anong gagawin...galing ko talagang umarte

(pfft!Please forgive me)sabi ko muntik pa akong matawa

(Ikaw kuya ha!kung ano man ang trip mo sa buhay huwag mo akong idamay..bababaan na kita-_-) patay ako nito mukhang madadagdagan ang kasalanan ko,baka hindi niya na ako pansinin

(Shanne's POV)

Naku!nasira na ang mood ko sa sino mang hinayupak na tu...ang lakas din ng trip eh...may pa please forgive me-please forgive me pang nalalaman...akmang ibababa ko na yung phone ko ng biglang

(Pffftt!!hahahahahaha!!!)eh? Ano bang nakakatawa

(Kuya ok lang po ba kayo)sabi ko sa kabilang linya

(Grabe ka Shanne!hahaha)huh?sino ba tu ba't niya ako kilala?

(Umm sino ka ba?)tanong ko

(Grabe wala ka talagang idea?)sabi nung nasa kabilang linya

(Magtatanong ba ako kung kilala kita?!-_-!)sabi ko

(Hulaan mo?)

Teka!parang pamilyar yung boses niya...posible kayang...pero hindi ehh hindi naman mahilig magcellphone yung taong yun pero hindi naman imposible na siya nga tu...teka!ba't ba siya ang una kong naisip...pero kahit nag-aalinlangan ako sinubukan ko paring itanong...

(Jeff ikaw ba tu?) kung si jeff nga tuh dapat ba akong matuwa dahil pinagtripan niya ako?Papagtripan niya lang naman niya ako kung good mode siya at bati kami o dapat ba akong magalit dahil hindi pa nga siya nakakapagsorry sa akin at ngayon kung umasta siya parang ok kami o dapat ba akong malungkot dahil mas lalong hindi kami magkakabati dahil sa ginawa niya...Argh!!ang gulo ko kausap

___________

(Jeff's POV)

(Jeff ikaw ba tuh?)tanong niya

(tama ka!hahaha)sagot ko

(ano bang trip mo,ha!? bakit ka tumawag?saan mo nakuha ang number ko?!)tanong niya

(hahaha sorry kung napagtripan kita...pfftt!!binigyan ako ni claire ng number mo)sagot ko

(Bakit kaba tumawag?anong kailangan mo?)tanong niya ng pataray

(Umm ano kasi gus-----) naputol yung sasabihin ko dahil bigla niya akong sinigawan

(Tumawag ka lang ba para mangtrip at manira ng araw!!bipolar ka talaga!!Alam mo bang hindi pa tayo bati!Ha?!Kung tumawag ka para magsosorry tatangapin ko sana pero hindi tumawag ka para pagtripan mo lang!!pero ok lang kahit hindi kapa humihingi ng sorry,pinatawad na kita)

(Teka la------)tsk! Binabaan ako...may sasabihin lang naman ako eh,tsaka panira daw ako ng araw?well,sorry..gago lang kasi ako.Argh!!ano bang pumasok sa utak ko at nangtrip pa ako dapat nagsorry ako eh pero habang pinapaginggan ko kanina si shanne mas lalo akong humanga sa kanya,hindi ko alam na may ganong personality pala siya akala ko happy go lucky siya mas humanga pa ako sa kanya nung sabihin niyang pinatawad niya na daw ako kahit hindi pa ako humihingi ng tawad...abnormal na ata ako,ang bilis ng tibok ng puso ko at nakangiti pa ako

*Kinabukasan*

Umupo na ako sa tabi niya at kinausap siya

"Oyy shanne sorry na...biro lang naman yun eh tsaka hindi ko sinasadya na masigawan ka,sorry talaga"sabi ko...hoping na mapatawad niya ako

Tinaasan niya lang ako ng kilay at sinabing

"Che! Ewan ko sayo,alam mo naman na ayaw na ayaw kong pinagtritripan ako"pataray na sagot niya tsaka tumayo at lumabas ng classroom

Tiningnan ko si claire na nasa likod ko lang nakaupo
"Tulungan mo ko please,ayokong nagkakaganito siya...kung umasta kasi siya parang hindi niya ako kilala"sabi ko

"Nagulat nga ako kanina eh,nilampas-lampasan ka lang niya na parang hangin ka lang..parang hindi nga siya si shanne eh"sabi ni claire

"Ganun ba talaga kalaki ang kasalanan ko para ganituhin niya ako?"tanong ko

"Siguro o baka naman may iba siyang dahilan kaya ganito siya umasta sayo"sagot ni claire

"Ano namang dahilan yun?"tanong ko

"Ewam ko,siya lang ang nakakaalam ang mabuti pa puntahan mo na lang siya sa cafeteria at bumawi ka sa kanya"sabi ni claire

"Mabuti pa nga"sabi ko at tumayo na sa upuan ko,sumunod naman si claire sa akin at sabay na kaming tumungo papuntang cafeteria

The Lost PromiseBasahin ang storyang ito ng LIBRE!