SDTR: Kabanata 33

101K 2.9K 285

SDTR: Kabanata 33

Pinagmasdan ko lang siya ng buong pagtataka, marahan niyang ipinikit ang dalawang mata niya at dinama ang sikat ng araw na tumatama sa gwapong mukha niya. Lumunok ako ng sunod sunod dahil sa kaweirduhan ng puso ko, dahil habang mas lalong tumatagal ang pagtitig ko sa kanya ay mas lalong nagwawala ang puso ko na para bang kilalang kilala niya ang nakikita ngayon ng dalawang mata ko.

"Si..siguro masama ang ugali mo kaya kinalimutan ka niya." Pilit kong pagsusungit upang matabunan ang nakalulunod na pagwawala ng puso ko, marahan niyang binuksan ang dalawang mata niya at kahit nakakunot ang noo niya ay nagawa niya pa ring bumaling sa akin at nginitian ako ng isang nakakalokong ngiti.

"You think so? Siguro nga, masyado kasi akong nagmadali noon. Ni hindi ko manlang naisip na darating pala ang isang katulad niya sa buhay ko, kung sana ay mas naging maingat ako hindi ko sana sisisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyayari sa kanya." Sobrang lalim ng boses niya na nagiging dahilan ng pagtaas ng balahibo ko sa batok kaya naman marahan kong hinaplos iyon para pakalmahin.

Inismiran ko siya, "Hindi naman kita kilala, bakit ba nagkukwento ka sa akin?!" Naiinis na sambit ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya, nakakainis kasi dahil bakit parang nakukunsensya yung puso ko sa mga pinagsasasabi nang manipis niyang labi!

Narinig kong ngumisi siya at kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay nakikita ng gilid ng mata ko ang pag iling iling niya habang nakangiti. "Sa ngayon hindi mo ako kilala." Buntong hininga niya.

"Manahimik ka na nga!" Singhal ko sa kanya dahil naiirita ako sa boses niya! Para bang hindi kakalma ang puso ko sa tuwing maririnig ko ang boses niya sa tainga ko!

Ngumisi siya, "Sungit mo, pudpurin ko yang labi mo." Panunuya niya na nagpainit sa mukha ko!

"Bastos!" Sigaw ko na mas lalong nagpangisi sa kanya! Mabilis akong tumayo at naglakad pababa, pero narinig kong sinundan niya ako.

"H'wag mo nga akong sundan!" Sigaw ko sa kanya na sa tingin ko ay hindi naman niya pakikinggan dahil naririnig ko pa rin ang mga yapak niya.

Sa pagmamadali ko ay napasigaw ako ng malakas nang dumulas ako paibaba!

Hinihingal siyang lumapit sa akin at hinila niya ako doon sa malaking bato na kinadulasan ko!

"Yu..yung binti ko!" Sigaw ko at halos tumagaktak na ang pawis sa noo ko dahil sobrang sakit nito.

May kung anong tumalon sa puso ko nang dumulas ang kamay niya patungo sa palad ko! Pamilyar ang mainit na paghaplos na iyon at hindi ko alam kung saan ko naramdaman iyon, mas lalong tumindi ang pagkalabog ng puso ko nang buhatin niya ako at napahawak ako sa dibdib niya!

Pamilyar ang bangong naaamoy ko ngayon sa katawan niya, maging ang pagtibok ng puso niya ay parang narinig ko na kung saan.

Maingat niya akong ibinaba sa inuupuan ko kanina kung saan nakikipagtalo ako sa kanya, pinagmasdan ko lang ang pagkakakunot ng noo niya habang inaalis niya ang sapatos ko. Napamura siya nang makita ang dugo sa binti ko na tumutulo patungo sa paa ko!

"Bat ba kasi tumatakbo ka? Kung umasta ka akala mo nakakita ka ng rapist." Galit na singhal niya sa akin na nagpabilog sa dalawang mata ko! Mas lalo niyang inilapit ang binti ko palapit sa kanya at ipinatong niya iyon sa ibabaw ng hita niya, napapitlag ako nang hubarin niya ang jacket niya kasunod din non ang paghubad niya ng tshirt niya na naging dahilan ng mas lalong pagbilog ng mata ko dahil tumambad sa akin ang napaka gandang hubog ng katawan niya!

"A..anong gagawin mo?!" Natutulirong sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin, sinira niya ang tshirt niya at napasigaw ako nang itaas niya ang leggings ko at itinali niya ang mahabang piraso ng shirt niya sa binti ko kung saan may sugat!

Somewhere Down The Road [ Completed ]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!