~Hiroshi's POV~

"Hindi pa rin bumababa lagnat mo, Hiro my labs." Sabi ni Ishi habang hinihipo niya yung noo ko. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko dito sa bahay namin at kakatapos niya lang akong pakainin ng dinner. Mabuti nalang at Friday ng gabi ngayon. Pinagpaalam ni Mommy si Ishi na mag-overnight dito sa bahay namin para alagaan ako. Galing siya sa Seinan kanina at dito na siya dumiretso sa bahay namin nang malaman niyang may trangkaso ako. Nahawa kasi ako sa kanya at the same time, super lamig ngayon.

"Gagaling ako kapag inalagaan mo ko ng husto, princess." Sabi ko. Nakasuot ako ng face mask para kahit umubo ako ay hindi mahahawa si Ishi. Sagabal nga lang 'tong mask na 'to at ang sakit na 'to dahil hindi ko malalambing si Ishi. Nakakaasar.

"Oo naman. Ako mag-aalaga sa'yo, Hiro my labs!"

"Ang ganda naman ng nurse ko. Parang gusto ko nalang magkasakit palagi." Nakangiti kong sabi.

"Hay naku. Don't say that! Kasi naman ikaw eh, kung hindi mo ko hinalikan nung ako yung may sakit, hindi ka mahahawa sakin! Ang pasaway mo kasi eh."

Mahina akong natawa. "You know what Ishi, you will never stop me when I want to kiss you."

Ishi's face turned red immediately. "What a kiss monster you are, Hiro."

"I know. It's your fault."

"Huh? Why?"

Hinawakan ko sa pamamagitan ng hinlalaki ko yung labi ni Ishi. "It's your fault for making me want to kiss you because this lips is so intoxicating. Just like a drug that's so addicting."

"Hiro..."

"I wouldn't mind kissing your lips everyday."

I want to kiss my princess right now pero hindi ko magagawa dahil ayokong bumalik yung virus sa kanya. Kinurot ko nalang yung pisngi niya. Nakita ko naman sa mukha niya na mukhang gusto rin niya kong halikan pero dahil nakasuot ako ng face mask kaya hindi niya magawa. Pinili nalang niyang ngumiti.

"Mabuti pa, punasan mo na yung sarili mo at magpalit ka na ng damit. Ikukuha lang kita ng tubig sa planggana." Sabi ni Ishi. Patayo na sana si Ishi mula sa kama ko pero pinigilan ko siya.

"Ikaw nalang magpunas sa akin, prinsesa ko." Malambing kong sabi.

"Ha? Bakit? Pilay ka ba? Hindi mo ba kayang kumilos on your own??"

"Basta gusto ko ikaw magpupunas sakin at magpapalit ng damit ko."

"Hay. Para ka namang bata, Hiro."

"Bakit ba? Gusto ko ikaw eh."

"Well, okay. Just wait here."

Tumayo na si Ishi at lumabas sa kwarto ko.

***

~Yashiri's POV~

Nang makalabas ako sa kwarto ni Hiro ay agad akong sumandal sa may pintuan niya. Nanginginig yung mga kalamnan ko. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko.

Sinubukan kong maging kalmado kanina nang sabihin ni Hiro na gusto niyang ako yung magpunas sa kanya at magpalit ng damit niya. Pero alam kong kaya naman niyang gawin yun pero bakit naman niya sasabihin yun sa akin?

Inaakit ba niya ko? Sinusubukan ba niya ko kung kaya kong takasan ang temptation niya?

My God! Hindi ko ata kaya! Baka ako na sumunggab sa kanya mamaya!

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!