STBFL: Chapter 26

66.3K 1.7K 129

STBFL: Chapter 26

Vanalein Rhyme Romeo--Santos?

Sabi ni Mama sa akin noon, palagi kong gagamitin ang puso at utak ko sa tuwing magdedesisyon ako. Dahil kapag hindi ko daw sila ipinagsabay ay siguradong masasaktan ako.

This time, hindi ko alam kung tama bang utak lang ang pinairal ko sa desisyon na ito? Siguro tama, dahil alam kong hindi na mahihirapan sila Kuya Kiel, kung masaktan man ako kakayanin ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong restaurant namin kung saan nagpasiya si Dad noon na ipakasal ako kay Andres, iba ngayon. Kung noon ay kasama ko ang dalawang Kuya ko at si Dad para sa arrangement na iyon, ngayon naman ay mag isa lang akong haharapin si Mr.Go at si Andres.

Hindi alam ni Kuya Diel ang desisyon na ginagawa ko ngayon. Si Kuya Kiel lang ang nakakaalam at kahit anong pigil niya sa akin ay hindi niya magawa.

Nakangiti sa akin ngayon si Mr.Go na para bang nasisiyahan siya sa desisyon ko, si Andres nalang ang hinihintay naming dalawa at alam kong wala pang ideya si Andres sa mga mangyayari.

I clenched my hand tightly nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto ng restaurant namin, hudyat na nandito na si Andres. Pinatatag ko ang ekspresyon ko at diretso ang tingin ko sa kabilang table upang hindi ko makita ang mga mata niya.

Nakita ko na siya sa gilid ng mga mata ko nang makalapit siya sa table na pinupwestuhan namin ng Dad niya. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"I told you, hindi na tuloy ang kasal." Malamig na utas ni Andres at alam kong kay Mr.Go siya nakatingin.

Ngumisi ng mahina si Mr.Go, "Have a seat, son." Mahinahon na sambit ni Mr.Go.

Padabog na hinila ni Andres ang upuan na nakapwesto sa gitna ng lamesa at marahan na umupo doon.

Huminga ng malalim si Mr.Go. "Tuloy ang kasal." Sambit nito.

Magsasalita na sana si Andres nang baliwalain siya ni Mr.Go, "Gusto ni Rhyme na matuloy ang kasal." Nabalot kami ng katahimikan at nakita ko ang marahan na pagbukas ng nakakuyom na kamao ni Andres doon sa table, marahan akong bumaling sa kanya gamit ang matibay na ekspresyon ko, nagwawala ang puso ko but at the same time, kumikirot ito. Pinpiga sa tuwing pinagmamasdan ko ang mukha niya, malamlam ang titig niya sa akin na para bang ang dami niyang gustong itanong.

"Vanalein." Tumindig ang balahibo ko nang tawagin niya ako sa ganoong paraan, "What the hell are you doing? H'wag tayong maglokohan, alam kong kinamumuhian mo ako." Patuloy niya, pinilit kong makipag titigan sa kanya gamit ang malamig na ekspresyon, oo kinamumuhian ko siya, sagad sa buto ang galit at hinanakit ko sa kanya.

"Magpapakasal pa rin ako sayo." Matatag na sambit ko at nag iwas ako ng tingin sa kanya, isang katahimikan nanaman ang bumalot sa amin bago pa siya tuluyang tumayo at lumabas ng restaurant, humingi ako ng paumanhin kay Mr.Go at tumakbo ako upang sundan si Andres, pinatunog na niya ang sasakyan niya at bago pa siya makapasok sa loob ay hinila ko ang braso niya.

Matama niya akong tinitigan sa mga mata ko!

"Hindi ako tanga, Vanalein, alam kong may kapalit ang lahat ng 'to kaya mo gustong matuloy ang kasal!" Singhal niya sa akin, nag iinit ang paligid ng mga mata ko pero hindi ko papayagang bumagsak ang mga luha doon!

"Oo! May kapalit! Halos isuka ko na ang desisyon na ito pero alam kong ito lang ang paraan para maibalik ko ang lahat ng winala niyo ni Kuya Kiel simula nang pumirma kayo ng kontrata kay Mr.Evanco! Ayokong mawala nalang ng parang bula ang lahat ng pinaghirapan ni Dad dahil lang sa mga maling desisyon na ginawa mo para dumami pa yang pera mo!" Bulyaw ko na nagpaangat sa labi niya, humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako. Ayokong maramdaman ang mga haplos niya dahil alam kong susuko ako! Alam kong babagsak ang luha ko!

Save The Best For LastBasahin ang storyang ito ng LIBRE!