RBW II: Red-Eye

3.7K 146 15

                                                   RBW II 

                                               " RED EYE "

 

 "SNOW ISLAND *

Light ? " Malaki ang saya na nadama ni Rozen ng makitang nagmulat na ito ng mga mata.

"Salamat , akala ko wala nakong magagawa para sayo " si Rozen na bahagyang nagtaka kung bakit iisa lang ang crimson eye nito ng imulat nito ang mata. 

Umupo siya sa gilid ng kama nito habang nakatayo naman si Dmitri , hinawakan niya ang pisngi ni Light na hindi nagsasalita, maputla ito kaya naman nag-aalala siyang maaring hindi rin ito magtagal kung ganito ang kalagayan nito.

"Sino ka ? " si Light na pilit bumangon para maupo kaya inalalayan to ni Rozen para maisandal sa headboard. 

Napahawak bigla si Light sa Crimson Eye niya at napatingin sa bukas na bintana kung saan nag iba nag kulay ng buwan at naging pula sa paningin nya. 

"Light? ! " si Rozen na agad tong hahawakan pero tinabig siya nito.

"Maiden ? " si Dmitri na nag-alala pero pinigilan siyang lumapit ni Rozen.

" Light halos anim napung taon ka ng natutulog , magpahinga ka muna may gusto ka ba? ano? sabihin mo " si Rozen na hinawakan padin to sa kamay.

"Gusto kong bumalik saking Ina " si Light .

"Wala ka ng babalikan, wala ka ng pamilya dahil may kinikilala na silang anak at lalong lalo na pinatay kana nila matagal na " si Dmitri na may malaking hiwa sa pisngi nito , ikinagulat ni Light ang sinabi nito.

"Dmitri ! " si Rozen na galit na tumayo at tinitigan si Dmitri .

"Totoo naman, kahit nga isang magandang libingan para sakanya hindi siya binigyan inabandona siya " tila galit na wika ni Dmitri na naging dahilan para sampalin ito ni Rozen na ikinagulat nito .

"Paumanhin Rozen Maiden , naala lamang ako ng aking damdamin patawad" si Dmitri na tumungo dito, binalikan naman ni Rozen si Light na tila gulong-gulo.

"Wag mong isipin yon, magpahinga ka na Light " hinawakan niya ang ulo nito para makatulog na ito gamit ang mahika niya.

"Dmitri , hindi mo dapat ginugulo ang isipan niya ang katawan niya mahinang-mahina , maging ang tibok ng puso niya hindi ko halos marinig " si Rozen na kinumutan na si Light ng ayusin ito sa pagkakahiga.

"Halos ibuwis mo ang buhay mo sa dalawang taon na ginugol mo para lang sa buhay niya, sana hindi nyo nakakalimutan na kayo ang aming Maiden " si Dmitri na nakapagpahinto kay Rozen , alam niya ang ibig sabihin nito jung umiibig siya kay Light tigilan na niya dahil wala ding patutunguhan dahil isa siyang Maiden.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!