Nagulat si Ryle na malapit na pala ang mukha ng gwapong binata sa kanya habang nakapamulsa ito na nakayuko sa kanya dahil sa katangkaran.

"Fairy Godmother! Ba't mo ako pinaparusahan ng ganito? Kulang na lang matunaw ako dito sa kinatatayuan ko! Nakakalaglag ng mmmm!", sabi nito sa sarili.

"Sabi ko matagal ka na bang naglilinis dito?", sambit ng binata sa kanya at dun bumalik ang kanyang diwa.

"H-ha? O-opo! S-sir!", sagot ni Ryle at inilihis ang tingin. Umayos ulit ng tayo ang binata at lumapit sa puntod ng kanyang ina.

" Hanggang anong oras ka dito?",tanong ng binata sa kanya.

"Hanggang 6:30 lang po ng umaga, Sir. Haa! 6:30! Waaahh! 6:45 na! Male-late na ako! S-sir? Sorry po mauna na po ako sa inyo. Sige po.",tarantang sambit nito na muntik ng madapa dahil sa pagmamadali. Takbo agad itong umalis. Lingid sa kaalaman niya natutuwa si Vice sa kanya.

He chuckled sabay sabing, "Mommy di pala kayo mababagot dito. May nagpapasaya sa inyo ni Lolo. I find her simply sweet and charming. What do you think Mom? Anyway, I had to go now. Just got transfer to a new school here. You know the reason why I can't go home yet. See you next time, Mom. I love you and I miss you. Bye!". Palabas na sana siya ng may biglang sumigaw.

"Aaaaaaahhhhhhh!!!", sigaw na galing sa labas.

TAGAPAGSALAYSAY

Napasigaw si Ryle ng makita niyang naurungan ng itim na bmw ang likurang gulong ng bike niya. Halos manlambot ito dahil kailangan niyang humabol para sa advance exam niya pero wala itong magamit dahil sira ang gulong nito. Nakatayo doon sa likuran ang tingin niya ay driver ng sasakyan.

"Maam sa inyo po ba itong bike? Pasensiya na po kayo at hindi ko napansin. Papalitan ko din po ito Maam. Pasensiya na po sa kapabayaan ko?", nakayukong paliwanag nito sa kanya.

"Kuya ok lang sana sa akin kung hindi ako nagmamadali. Pero nagmamadali po ako! May exam po ako at male-late na po ako! Hindi ko po kailangan ng bago! Ang kailangan ko po sasakyan! Naku naman! Swerte bang malas ito? Hay naku!", sabing naiinis ni Ryle salo ang noo niya. Hanggang may biglang nagsalita ulit sa likuran niya.

" Ihahatid kana namin.",sabi ng boses sa likuran niya. Alam niyang si Prince Charming ito kaso hindi niya makuhang ngumiti dahil sa nagmamadali na siya. Lumingon si Ryle sa binata.

"Kuya Regan? Pakisakay na rin po yung sirang bike niya. Make sure to buy the same bike like that later. Tara na po. Para po walang masayang na oras.", utos nito. Hindi alam ni Ryle kung paano susunod dahil sumakay na lang ang binata na hindi man lang siya pinagbuksan ng pintuan ng kotse. Lumapit ang driver sa kanya at binuksan ito sa kabilang bahagi ng passenger seat. Nakaupo sa kabilg seat ang binata at nakapatong ang siko sa bintana ng sasakyan habang hawak ang ulo nito at nakapikit.

" Aba'y may pagkasuplado at bastos pala itong Prince Charming ko! Hay naku! Kung di ka lang gwapo! Hmmmm! Lalo na pag ganyan na para siyang natutulog na anghel. Haaaayyy...",sabi nito sa sarili. Hindi mapigilan ni Ryle na titigan ang binata. Dahil sa angking kagwapuhan nito. Ang hindi niya alam ay naramdaman ito ni Vice.

A Princess Love Story - Vicerylle StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!