RBW II: Impostor

4.3K 146 15

                                                RBW II

                                           " IMPOSTOR "

 

"Mag inom na tayo sumama kana samin " pilit hinihila ni Senna si Lyra pasakay sa isang malaking sasakyan kung saan naroon si Hansel, Raven at ang iba pa nilang mga kaklase.

"Di pwede baka hindi ako tabihan ng honeybabe ko, magagalit yon " pilit hinihila ni Lyra ang sarili wag lang makapasok sa loob ng sasakyan ni Hansel , hindi pa nga din siya kinikibo ni Crescent ang seloso kaya non sobra.

"Sumama kana lang, hindi ka namin paiinumin isa pa birthday ko naman " si Hansel na nasa likuran nya, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at tinulak papasok ng sasakyan, kaya para silang sardinas apat na babae sa likuran ng sasakyan pagkasyahin ba naman sila.

Kinuha ni Lyra ang cellphone at tinawagan si Crescent , halos mauntog na siya sa sobrang likot ng mga kalapit nya sa backseat at may sumakay pang isa kaya naman lalo silang nagsiksikan ang mga kaybigan nya tuwang-tuwa pa.

"Ayos lang ba kayo dyan ?  "si Raven na katabi ni Hansel na tatawa-tawa sa driverseat.

"Ang sikip! patabi nalang ako sainyo " malanding wika ni Senna na ikinatawa ng lahat, ang suplado kaya ni Raven at isa to sa mapaghimalang araw na napapayag nila itong sumama,sadya lang sigurong close nito si Hansel.

"Honey babe " mahinang wika ni Lyra ng sagutin nito ang cellphone,napatigil naman ang lahat sa pagdaldalan at pinakikinggan siya kaya namumula siya, okay ng maging kahiya-hiya wag lang magalit ang asawa nya at hindi siya nito lalapitan, magiging malamig na naman ang gabi nya.

"oh ? " nangiwi si Lyra mukhang masama padin ang mood nito at ang cold nito.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!