Chapter 7

10 0 0


Kean's POV

"Ikaw na naman?!" Bulyaw sakin ng babaeng kaharap ko ngayon na kanina ko paring tinitingnan. Una palang na pagpasok nya sa bar napansin ko na agad sya. Kaya naman alam ko kung nakakailang shots na sya at sa tingin ko sa kanya ngayon medyo umaapekto na ang ininom nya. At eto parang mapapa subo na naman ako sa babaeng to. Sinabi ko na nga ba't ayoko na sumama eh pero ayaw pumayag ni Andrei dahil ako daw ang best player kanina sa game. Nakagawa ako ng 28 pts kanina sa practice game agains WestMead Academy. Kahit daw na practice game lang daw yun malaking bagay na daw yun dahil matinding kakompetensya daw talaga namin ang WestMead. Celebration na din daw namin to para saming mga rookie. Hindi na bago sakin ang mga ganitong lugar dahil may mga ganitong pasyalan din sa amin sa probinsya at naging madalas din ako duon kaya naman dina rin ako nanibago.

"Ah miss? Magkakilala ba tayo o kilala ba kita ?" Tanong ko sa kanya. Kahit medyo dim at patay bukas ang ilaw nakita ko pa rin ang pagkagulat sa kanyang muka. Kilala ko ang mga ganitong tipo ng babae. Hindi sila titigil hanggat hindi sila nakakaganti sa natapakan nilang pride. Well, ibahin nila ko. Di ko na hahayaan ang babaeng to na gantihan ako. Parang ang sarap sarap nyang asarin tulad na lang ng nakikita ko ngayon.

"Srsly?! Hindi mo ko kilala? Parang kahapon lang binangga bangga mo ko at ikaw pa tong may lakas ng loob mag walked out tapos sasabihin mong di mo ko kilala?!" Nanggigigil nang sabi nya.

Gusto ko na sana tumawa kaya lang hindi pwede.

"Ah yeah! Oo ikaw yun, naalala ko. Hmmm Miss as far as i can remember humingi ako ng sorry sayo bago ako umali- ah i mean nag walked out kung yun tawag mo dun. So wala naman akong nakitang mali dun kaya bakit parang galit na galit ka?"

"Bastos ka rin noh?"

"Ahm look, miss hindi ko ugaling mambastos ng babae kaya watch your words" Abat talaga nga namang matigas ang ulo ng babaeng to.

"Sa tingin mo hindi pa ba pambabastos yung ginawa mo sa hallway kahapon?!" Nanggagalaiti na nyang sabi

"Alam mo, kung meron mang dapat magalit dito, ako dapat yun at hindi ikaw. Kung ano-anong sinabi nyo sakin na akala nyo pagmamay-ari nyo yung daan."

"Ey ! Bro ano na? Nakakuha kana ba ng drinks mo! dude c'mon nandito tayo para mag enjoy ok? Sagot ko lahat dito kaya di ako papayag na makakadalawang shots ng tequila ka lang. Ahmm wait who's this chi- Mystie?" Biglang singit ni Andrei. Magkakilala pala sila. Sabagay di na ko magtataka dahil kilala naman si drei sa school at sa tingin ko naman kilala din tong babaeng to sa school. Tulad nga ng sabi ko maganda sya at kung katawan lang din ang pag-uusapan eh.... pwede na din. Hindi sya ang pinaka sexy na babaeng nakita o nakilala ko pero di naman magpapahuli ang isang to. Nakasuot sya ng pulang dress na humahapit sa katawan nya. Kitang-kita ko rin ang mahahaba nyang legs! Tsk ! Bakit kaya parang may mga babaeng ok lang sa kanila na pagpyestahan sila ng tingin ng mga lalaki.

"Hi Drei"

"What are you doing here? Ginamit mo na naman fake ID mo no? Does your kuya know your here?"

"Nope, Andrei I'm just enjoying the night"

"Hindi porke nag-eenjoy ka eh kukunsintihin na kita mystie, alam ko ang agreement nyo ng kuya mo, Pwede ka lang magpunta sa mga ganitong klaseng lugar kapag kasama sya at hindi ka pwede kapag ikaw lang mag-"

"Im with my girlfriends" Pagputol nito sa sasabihin ni Andrei.

"Ok fine, pero sakin ka sasama hanggang mamaya, ako ang maghahatid sayo umuwi ok? Im with my team mates and Ciara's group. So go to your friends and tell them that you guys are going to join us ok?"

"I don't like those b*tches Drei, at alam mong ayaw din sa kanila ng mga kaibigan ko"

"Osige , ganito na lang dun kayo sa malapit samin so that i can see you"

"So Close And Yet So Far"Basahin ang storyang ito ng LIBRE!