RBW II: TWIN

4.9K 162 17

                                                  RBW II

                                                  TWIN

" Marco, ano na sigurado ka bang tulog na si Alice? " si Greece habang nagbibihis ng magandang kasuotan para sa aatendan na isang party, si Marco naman kapapasok lang ng kwarto nya , si Alice naisipan matulog sa kabilang kwarto habang nanonood wala kasing TV ang kwarto nila ni Greece kaya naman iyon ang taktika nya para takasan ito.

"Oo nga Young Master , dalian mo ng kumilos at mukhang nanginginig kapa sa sobrang excitement  " si Marco na nasa pintuan para tignan ang sala  , tila siya nagmamatyag.

Ngumiti pa si Greece sa salamin bago hinigpitan ang neck tie at nilapitan na si Marco para tapikin, after nilang makabalik ngayon nalang siya ulit makakagimmick namiss nya ang buhay ng party all night at sleep all day.Para silang ewan na dahan-dahan maglakad pababa ng hagdanan.Nakahawak pa si Greece sa magkabilang balikat ng nauunang si Marco. 

"Saan kayo pupunta?" halos manigas si Greece sa kalagitnaan ng hagdan ng marinig ang boses ni Alice, kaya tila siya may stiffneck ng lingunin ito sa taas ng hagdan halos magdikit qng kilay ni Alice at nakahalukipkip, lumunok si Greece.

"Marco, magdahilan ka dalian mo " si Greece sa mahinang boses.

"Saan ka pupunta sabi ko?! " halos pasigaw na sabi ni Alice na lalong ikinakaba ni Greece.

"Magpapahangin kami sa labas, medyo mainit ang gabi alam mo na diyan lang sa labas ng pinto "alanganin ang ngiti ni Greece sa nakikitang galit sa mata ni Alice

"Ganyan ang suot nyo magpapahangin kayo?gusto mo ilibing ko na kayo nang hindi masayang yang pagsusuot nyo " si Alice na pababa ng hagdan, napaatras naman si Greece kaya nabangga nya si Marco at para silang tanga na parehong gumulong pababa.

"Aray naman ! " si Marco na tinutulak si Greece na nakapatong sakanya.

Sa nakita ni Alice napatawa sya ng husto sa dalawa kaya hawak-hawak nya ang kamay ng makitang nahihirapang tumayo ang mga ito.

"Sayang! Pagkakataon ko ng maka score Marco " pagigil na wika ni Greece kay Marco.

  

"Bakit di ka nalang kay Alice umiskor takot na takot ka sa babaeng yan " paasar na wika ni Marco.

"Gag* ! " si Greece , nilapitan na nito si Alice at inakbayan , 

"Mag-usap nalang tayo sa labas tatlo , sayang naman tong outfit namin magpunta nalang tayo sa city lights "si Greece na naisipan dalhin si ALice sa tinatawag na city lights kung saan napakaraming makikitang simbolo ng paparating na Christmas kahit isang buwan pa bago mag christmas.

"Talaga?marami ba tayong makakain don? " si Alice na ngiting-ngiti, nakangiting tumango si Greece.

"Kayo nalang dalawa, nakakahiyang kasama yan isipin pa bibitayin na yan sa takaw " si Marco na ang tinutukoy ay si Alice, nakaupo na si Masrco sa couch at nakapatong pa ang paa sa mahogany table.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!