{90} Misery

Ivan's POV

"Wag!!!"

*BANG!*

"Aya!!!" ⊙▂⊙

Napamulat ako ng mata. Inilibot ko ang aking paningin,puro puti ang nakikita ko.

"Bro okay ka lang?"

"Kumusta pakiramdam mo bro?"-Nakita ko ang mga mukha nila Seth at Stan. Alalang-alala ang mga itsura nila.

"Nasaan ako?"- tanong ko sa kanila.

"Nasa hospital tayo bro. Kumusta ka? Do you need anything?"- sabi ni Seth.

"Nagugutom ka ba ha?"- tanong din ni Stan. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi at tinatanong nila... Si Aya, napanaginipan ko sya, napanaginipan ko ang huling nangyari samin, isang bangungot ang pangyayaring yon. gusto ko syang makita. Napaupo ako sa kama ko, gusto ko syang puntahan.

"Si Aya... nasaan sya?"- tanong ko sa kanila habang nakayuko.

"Ah bro...kasi---"

*creaaak*

Napalingon kami sa bumujas na pinto, pumasok sila Rhys, Kirk at kasama si tanda.

"Apooo!"- sigaw ni tanda sala nya ako niyakap. (>_<×)

"Bumitiw ka nga! Nakakadiri!"- halos ba naman dikit na ang mga pisngi namin. Tsk! Kulang na lang humalik eh. (+_+*)

"Hahaha!"- natawa naman ang apat. Marahas kong tinanggal ang mga braso nya na nasa leeg ko na.

"Magaling ka na nga! Haha!"- saad ni Rhys.

"Okay ka na ba ha apo? Naku! Nag alala talaga ako! Akala ko iiwan mo na ang lolo. Kala ko iiwan mo na kami ng daddy't mommy mo!"- naluluha na si tanda. =_= psh! Para namang ako ang nabaril? Bugbig lang naman eh at di pa nga malala yun!

"Timang ka! Malayo sa butuka tanda!"- at tinap ko sya sa balikat.

"Sya nga pala.. "- napatingin sila sakin. "Nasaan si Aya? Okay lang ba sya?"- tanong ko. Kanina ko pa talaga gustong makita siya. Napabunting hininga na lang si tanda. "Nag aalala ka?..."

"Tangna! Sagutin nyo na lang!"- inis na ako! Ang dami pang pasakalye!

"She's at room 216, 2 rooms from here".- sagot ni Kirk. At walang anu-ano'y agad akong bumaba sa kama ko. Dala-dala ang dextrose ko lumabas ako at pinuntahan ang room 216.

Pagdating ko sa harap kumatok ako kaagad at madali ay pinagbuksan naman ako ni Royce.

"Oh! Gising ka na pala dude!"- sabi nya sakin. Tumango lang ako at pinatuloy nya naman sa loob.

Pagpasok ko nadatnan ko sila Alex, Yanna, Leigh, Tyrone, Royce at pati na ang kapatid ni Aya. Kompleto sila sa loob. Pero hindi sila ang agad na pinagtuunan ko ng pansin kundi si Aya, na tulog.

"Ivan..."- napatingin ako kay Alex. "Okay ka na ba?"- tanong nya. Tumango lang ako.

"Mabuti naman at hindi malala ang inabot mo".- sabi naman ni Leigh, ganun parin tumango lang ako.

"Kumusta si Aya?"- tanong ko sa kanila.

"It's your fault! Nasaktan ang ate ko dahil sayo!"- napalingon ako sa kapatid ni Aya. Tinititigan nya ako ng masama.

"Ching! Hindi nya kasalanan, walang may gusto sa nangyari."- sabat ni Alex.

"Kasalanan nya! Kung di nya sinama amg ate ko hindi sya madadamay at di sana sya mababaril!"- nagsimula na syang umiyak.

You Call it Fate, I Call it KarmaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!