• • • • • •

Taong 2551, may isang babaeng alien na mukhang robot na mukhang tao ang nagpunta sa pinagbabawal na lugar sa Nono Kuro. At sa pagpunta niyang 'yon, madalas na siyang makadisgrasya ng mga Ochamion at Yxesian sa kanilang lugar. Bata pa si Morgan II ng mangyari ang mga 'yon. Pero para sa mga matatandang Ochamion at Yxesian, mas magiging malala kung mananatili pa si Morgan II sa planetang Nono Kuro.

At nangyari ang kanilang inaasahan, isang mataas na opisyal ng Nono Kuro ang nabunggo at nabagsakan ni Morgan II ng mga bakal at agad na kinasawi ng opisyal. Agad na dinakip si Morgan II ng mga Kurotians at dinala sa Guta zone para ikulong.

Walang pinipiling edad ang mga sundalong Nonotians at Kurotians, basta may ginawa kang mali. Makukulong ka ng panghabambuhay, mababaw o mabigat ang nagawang kasalanan. Depende na lang sa magiging desisyon ng Lordien.

Isang gabi, sorpresang bumisita ang Lordien sa Guta zone kung saan nakapiit si Morgan II. Nadatnan nito si Morgan II na mahimbing na natutulog sa Gapap.

"Nignisig nayi! Ikalam gna nanalasak nayin! Tapad as aynak ya nahasurap! Sabali gna gneabab nayi!" Pag-uutos ng Lordien sa nagbabantay sa selda ni Morgan II.

Binuhat ng bantay ang Gapap at inihulog nito si Morgan II. "YARA!!" Sigaw nito. Nagulat siya ng makita ang Lordien ng Nono Kuro.

"Gnadnagam ibag, Tron207i. Itub ta otirapan op oyak." Nakangiting bati ni Morgan II sa Lordien habang nakaluhod at nakayuko ang ulo.

"Yatapan om gna ditapak ok. Ayak nahasurapanip itak. Apmusunis atik!"

"Tikab-b? Idnih ab yahub ap is Maeslo? Tikab oyin oka nahasurapap.." natatakot na sabi ni Morgan II.

"Idnih ab paragnap om atnupakam as odnum gn agm latrom? Oteh an gna noatakakgap om Morgan II!" Hindi makapaniwala si Morgan II sa sinabi ng Lordien. Akala niya'y sa panaginip lang niya makikita ang mundo ng mga mortal.

Agad na sumakay si Morgan II sa sasakyan na ibinigay ng Lordien. Parang tasang inuman ng kape ang sasakyang gagamitin ni Morgan II. Masayang-masaya ito sa ibinigay na parusa sa kanya.

Hindi alam ni Morgan II na magulo at maingay ang mundo ng mga mortal. Hindi niya batid ang kapahamakang naghihitay sa kanya kapag nakarating na siya sa earth.

Biglang sumagi sa isipan nito ang usapan nila ng Lordien sa Guta zone, bago siya magsimulang maglakbay.

"Ootot ab nayi Lordien? Nihatnupapap oyin oka as odnum gn agm latrom?"

"Oo. Odarugisinis ok an nahutsugugam om gna odnum alin. Idnih ak isisisgam as gnadnagam asurap an watanipi ok oyas."

"Gna tiab om agalat Tron207i."

Tumayo si Morgan II mula sa pagkakaluhod para yakapin ang Lordien. Subalit hinarangan siya ng mga Kurotians at tinulak palayo.

"Alalaapanip ok gnal Morgan II. Idnih ak an gnedewp kilabakam ap otid as Nono Kuro. Ta akas, lagabam gna CUP777 ayak gnuk otsug gnom gnitarakam daga as odnum gn agm latrom. Nitudnip om gnal gna gnitup nottub an asan ibat gn miti an nottub."

Tumango-tango si Morgan II sa sinabi ng Lordien. Lingid sa kanyang kaalaman, may pinaplano si Tron207i na sigurado ikasasawi ng kanyang buhay.

Pagkatapos niyang isipin ang naging usapan nila ng Lordien. Hinanap ni Morgan II ang puting button at sa hindi sinasadya napindot ni Morgan II ang asul na button. Nabigla ito at nauntog ng bumaba ang inuupuan niya. Akala niya'y mahuhulog na siya sa kalawakan.

Nagulat si Morgan II sa nakita pagkatapos niyang pindutin ang asul na button. Hindi siya makapaniwala na sa liit ng CUP777 ay may malaking pahingahan ito. Nakanganga siyang inikot ang ulo at kitang-kita niya ang ibang planeta sa kalawakan. WOW! GNA ADNAG manghang-manghang sabi ni Morgan II sa kanyang sarili.

Nang mapagod, agad na humiga si Morgan II sa napakagandang Gapap na may malalambot na bagay. Nakangiti siyang pumikit at pinagpatuloy ang naantalang tulog sa Gapap sa Guta zone. Malayo, matagal at delikado ang paglalakbay na 'yon ni Morgan II. Aabutin siya ng isang daang taon o higit pa sa kalawakan, bago siya makarating sa mundo ng mga mortal.

                                                        • • • • • • 

Pagkalipas ng limampung taon. Naglalabay pa rin sa kalawakan si Morgan II, hindi pa siya nakakalahati. Sobrang layo ba naman ng Nono Kuro sa earth kung saan namumuhay ang mga mortal. Lingid sa kaalaman ni Morgan II, pinatawag ng Lordien ang lahat ng mga aliens. Pinapunta ng Lordien ang mga Yxesians at Ohcamions, bata man o matanda ay nagpunta para pakinggan ang iaanunsiyo ng Lordien. Naroon din ang magulang at mga kamag-anak ni Morgan II. Akala ng marami ay may isang pagdiriwang na magaganap sa Azalp, kung saan magbibigay ng talumpati ang Lordien.

Ilang sandali pa ay may lumapag na sasakyan sa gitna ng Azalp. Sakay ng sasakyan ang Lordien ng Nono Kuro na si Tron207i. Maihahalintulad sa isang tsinelas ang magarang sasakyan na gamit ng Lordien.

Pagkalapag na pagkalapag ng sasakyan ng Lorden sa Azalp, agad na nagsalita ang tagapagsalita ng Tron Regimen at binati ang lahat ng mga aliens na nasa Azalp. "GNADNAGAM IGAB AGM YXESIANS at OHCAMIONS!!"

Dumadagundong na hiyawan ang isinagot ng mga Yxesians at Ohcamions sa tagapagsalita ng Tron Regimen. P'wera lang sa magulang ni Morgan II. Batid ng mga ito ang hindi magandang balita na hatid ng Lordien. Dahil limampung taon na nilang hindi nakikita ang kanilang anak. Ang sabi lang sa kanila ng Kurotian na nagbabantay sa selda ng anak--ayaw daw nitong magpadalaw. Kaya naisip ng mga ito na baka wala na ang anak sa Guta zone.

"Otiran an gna Lordien!! Yagibgam yagup yak Tron207i!!"

"Yahubam ak Lordien!" Sabay-sabay na sigaw ng mga aliens ng Nono Kuro.

"Tamalas.. tamalas!" Tugon ng Lordien sa mga aliens habang iwinawagayway ang anim na kamay.

Ang mga aliens na nakatira sa Nono Kuro ay may tatlo hanggang pitong kamay at may paa na hindi bababa sa apat. Pero si Morgan II ay may dalawa lang kamay at dalawang paa. Sadyang kakaiba talaga ang kanyang itsura. Dahil siya lang ang may buhok at bakal ang katawan nito. Hindi gaya ng mga Yxesians at Ohcamions, may parang jelly ang katawan, mala-halimaw na itsura at ang bawat parte ng katawan ng mga ito ay hindi magkakapantay at magkakaparehas.

Pinatahimik ng tagapagsalita ng Lordien ang mga aliens dahil magsisimula ng magtalumpati si Tron207i.

"Gawatanip ok gnoyak tahal arap as gnasi gnadnagam atilab--"

Hindi pa natatapos ni Tron207i ang sasabihin ng magsigawan muli ang mga aliens.

"Kimihat!!" Sigaw ng tagapagsalita.

Nang tumahimik, pinagpatuloy na ng Lordien ang talumpati. "ALAW AN GNA GNEABAB YATAMUP AS DITAPAK OK!!" Malalakas na sigaw at palakpakan ang umalingawngaw sa buong Azalp, pagkatapos ianunsiyo ng Lordien ang magandang balita.

"TAPAD GNAL AS AYNAK GNA IRAYGNAN!!" Sigaw ng mga Ohcamions. "OO GNA! IMARAM AN GNA YATAMAN LIHAD AS AYNAK!!" Sundot ng iba pang Ysexians.

Pagkatapos maghiyawan ng mga Yxesians at Ohcamions. Sumakay na sa mala-tsinelas na sasakyan ang Lordien. Nagsi-uwian na rin ang lahat ng mga aliens na sumusuporta sa Tron Regimen. Subalit hindi umuwi ang magulang ni Morgan II at naiwan ang mga ito sa Azalp na umiiyak at naghihinagpis. Hindi sila naging masaya sa ibinalita ng Lordien. Pero wala na silang magagawa kung totoo ngang wala na ang anak nila. Wala naman silang kapangyarihan para labanan ang maimpluwensiyang Lordien.

                                                        • • • • • • 

QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!