Chapter 5 - Meet Up 2

4 0 0

Irah's POV

Aish! Sa wakas! Agad rin kaming pinakawalan ng prof namin matapos maibigay ang syllabus namin. Kanina pa kasi nag-iinit ang ulo ko. Ang sarap talaga kasi sabunutan ng mga babaeng 'yun! Bulungan pa ba 'yun?! Hindi daw kasi nila matanggap na kaklase nila ang isang, tomboy na fashionless? Ano daw? Nasa klase na nga kami pero grabe lang, putak ng putak! Kahit pinagalitan na ng prof namin hindi pa rin natinag. Tinarayan pa ang prof?! Ang tindi lang!!

Isa rin sa nagpapainit ng ulo ko ngayon ay ang walanghiyang si Zinc. Sabi nya wala syang klase ngayon. At dahil maaga kaming pinalabas, dapat maaga na rin sana ako makakapaglunch kasama sya. Pero asan na ba sya? Argh!

Kanina pa ako text ng text sa kanya pero wala man lang syang reply. Kung may pantawag sana ako ay kanina ko pa sya natawagan.

At dahil hindi ko sya makita ay napagdesisyunan kong maglibot libot sa eskwelahan dahil baka sakaling makita ko sya.

Haaays! Hassle naman oh!

Nakapunta na ako ng gym, library, clinic at cafeteria pero wala pa rin akong Leighton Zinc Ferraren na nakikita. Wala naman akong balak maghanap sa mga rooms sa mga four storey buildings at sa mga fields no?! Kasi wala na syang klase.

Hanggang sa napadpad ako sa isang munting field. Basta may isang puno doon na medyo malaki at mayabong. Malinis rin ang ground at pupwede na ring maglaro ng habol-habulan doon.

Dahil pagod na rin ako sa kakahanap kay Zinc ay napagdesisyunan ko na doon na lang tumambay at kumain ng tanghalian. May baon naman kasi ako na niluto ko pa kaninang umaga. Kaya ko lang rin sya hinahanap ay para may makasabay ako. Hindi man 'yun nagbabaon pero atleast magkasama kami.

Umupo ako sa lilim ng puno at suminghot ng preskong hangin. Parang sa bukid lang namin ang setting ng lugar. Bigla ko tuloy namiss sina nanay. Kung wala sana ganoong pangyayari malamang nandoon pa ako at sana... Aish! Nag-eemote na naman ako.

Natapos na lang ako sa pagkain ay wala pa rin akong reply na natanggap mula kay Zinc. Bahala na nga lang sya! Mamaya pa naman ang sunod na klase ko kaya mabuti pa'y magpahinga pa muna ako.

Nandoon na sana ako sa part na makakatulog na ako pero bigla namang may nang-istorbo.

Galing ng timing mo! Lintik ka!

"Hey!" rinig kongsabi ng isang mataray boses.

Pagkamulat naman ng mata ko ay nakakita ako ng isang... anghel na artista na model! Paano kung ba idi-discribe ng ayos? Asdfghjkl lang! Nawala bigla ang inis ko.

Shems! Kahit na alam kong mga mayayaman ang nagdodominate sa paaralang ito at marami talaga ang may hitsura ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha kapag nakakaharap ko sila. At isa na sa kanila itong taong ito.

P-Pero parang may mali. Bakit parang may parang iba akong narinig kanina?

Nagtingin-tingin ako sa ibang direksyon ngunit wala namang ibang tao. Sya lang talaga.

Tinutukan ko naman sya ng maigi. Nagha-hallucinate ba ako? Baka babae 'tong kaharap ko? Pero imposible. Sa hubog ng katawan at muscles ay hindi ako nagkakamaling isipin na lalak--

"What are you staring at?" mataray na pagtatanong nya.

Literal na lumaki ang mga mata ko at bumuka ang mga bibig ko.

Nakapagmura pa nga ako sa isipan ko. Ayaw kasi talaga mag-sink in sa utak ko. Really?! Sasabog yata ang utak ko nito!

"B-Bakla k-ka?!" gulat na gulat na tanong ko.

"Duh? OA makareact ha? Ngayon lang nakakita ng bakla?!" mataray pa rin na pagkakasabi nya.

At talagang halos boses babae na sya ha? Kahit na may bahid pa rin ng konting medyo pilit, pero medyo aakalain mo rin na babae ang kausap mo.

One DayBasahin ang storyang ito ng LIBRE!