Chapter 11 - Her Dirty Little Secret

Magsimula sa umpisa
                                    

"Shut-up!" hindi ko na siya pinatapos. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako nang marinig ko kung paano niya inilarawan ang asawa ko – no scratch that, ex-wife ko.

"Gusto kong alamin mo kung ano ang ginagawa niya kapag na-book siya sa isang private show," utos ko.

"Okay lang naman sa akin, Sir, kaya lang baka hiwalayan ako ng asawa ko kapag aalamin ko 'yan. Iisang paraan lang kasi ang pwede kong gawin para malaman kung anu-ano ang ginagawa niya sa loob," huminto ito at tiningnan ako, "kailangan kong i-book siya sa akin."

Napamura ako sa narinig ko.

"Hindi na! Ako na lang ang aalam nun," isinandal ko ang likod ko sa driver's seat.

"Sinubukan ko pala siyang i-book kanina pero hindi na daw siya available sa buong buwan. Gusto kong malaman kung sino ang nag-book sa kanya at kung iisang tao lang ba ito," utos kong muli.

"Makakaasa po kayong malalaman niyo ang sagot bukas o sa susunod na araw," sabi nito saka bumaba sa sasakyan.


*Patricia's POV*

Laking gulat ko nang makita kong si Stuart pala ang tumawag sa pangalan ko. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko nagawa dahil hinigit na ni kuya Tom ang siko at hinila papuntang silid.

"Sila na ang bahala sa kanya, Trixie," nag-alalang sabi niya, "ang alalahanin mo ay itong customer mo. Mukhang kasing edad mo lang at malibog kaya hinigpitan ko ang pagkatali."

Napangiti ako sa kanya. Mabait si kuya Tom sa akin. Alam niyang hanggang sa pagsasayaw lang talaga ang ginagawa ko tuwing nagpa-book ako ng private show. Ito ang dahilan kung bakit sinigurado niyang nakatali sa silya ang costumer ko para hindi ako mahawakan o mabastos.

Madilim ang kwarto nang pumasok ako. Hindi ko agad tinignan ang mukha ng costumer ko dahil baka mandiri lang ako, baka kasi pangit ito. Tinungo ko agad ang player saka pina-tugtog ang musikang sasayawin ko.

"Talaga bang sasayaw ka sa harap ko suot yang seksing damit mo?" natatawang sambit ng costumer ko.

Agad naman akong napapitlag sa boses na narinig ko. Kilalang kilala ko ito kaya agad ko siyang nilingon.

"Kaz?"

"The one and only!" nakangising niyang sabi.

"Ano – paano –" hindi ko alam kung ano ang una kong itatanong.

"Hey! Huwag kang mataranta," natatawang sabi niya, "I told you; I got you, right?"

Nilapitan ko siya saka niyakap. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang trabaho kong 'to pero laking pasasalamat ko na siya ang sumalo sa akin.

"Ang daya mo naman Pat," nakanguso niyang sabi, "ikaw tong nakayakap sa akin habang hindi ko naman yun magawa kasi nakatali ako."

"Haha! Sorry na," sabi ko sabay tanggal ng tali niya sa kamay at paa.

"So ano? Sasayawan ba kita?" tanong ko sa kanya.

"Nah – may dala akong mga DVD's manood lang tayo ng movie. Alam kong sinundan ka ni Stuart kaya hayaan natin siyang mag-alala sa labas," nakangisi niyang sagot. Pilyo talaga to si Kaz kaya siya ang naging close ko sa lahat ng barkada ni Stuart. Masyado kasing palabiro.

"Ikaw na pumili ng papanoorin natin," sabi niya sabay abot ng mga DVDs.

Hindi ko mapigilang mapatawa sa mga dala niyang DVDs. Napaka-isip bata talaga ng isang to, "Despecable Me2, Tangled at Frozen?" tawa pa rin ako nang tawa habang tinatanong siya.

"Oy magaganda kaya 'yan. Yung Despecable Me2 na lang ang panoorin natin. Ang cute kasi ng minions. Bukas na yung Tangled at sa isang araw naman ang Frozen," sabi niya sabay talon sa kama at sumandal sa headboard.

Wala na akong magawa kaya ipinasok na ang DVD sa player at tinabihan na lang siya.

"Dapat ata nagpabili tayo ng Potato Fries, yung sour cream flavor," sabi niya sabay lagay ng hintuturo sa baba na kunwari ay nag-iisip.

____________________

AN: Hahaha! Paborito ko ang Sour Cream flavor ng Potato fries.  Like ko rin ang minions sa Despecable Me2. Pasensiya na kayo kay Kaz ha, sadyang isip bata talaga yang taong yan.... Hehehe! May sweet bones ba si Kaz? Ewan lang...

Baka Wednesday na ang next UD... sana huwag kayong magsawa. Salamat all!

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon