Chapter Nineteen

56.9K 821 12

CHAPTER NINETEEN

ZAYL'S POV

Ang limit ko talagang makatulog sa biyahe. Ang natatandaan ko, nasa pag- iisip ako tungkol sa mga nangyari kagabi samin ni Jack. Nagawa ko ba talaga 'yun? Naalala ko kasi 'yung mga naging kaibigan ko sa America eh nag- uusap minsan about sa mga ganun kung paano sila mag- anuhan ng mga kasintahan nila, syempre nakikinig lang ako at hindi ako nagre- react kasi wala pa naman akong karanasan noon. So ginawa ko kagabi kay Jack 'yung ibang narinig ko. Hihi nakakahiya, sana tama ang ginawa ko.

Hindi ko namalayang nandito na kame sa bahay ng mga magulang niya. Pa- dalawang beses pa lang akong nakakarating dito. Iyong una eh pinilit ako ni Jack noong mga teenager pa kame na sumama sa kanila at ipinakilala sa Mommy niya at nagkataong wala ang Daddy niya. Oo, pinilit pa ako kasi tuwing yayayain niya akong pumunta sa kanila eh tumatanggi ako kasi nga sa Bulacan pa, kahit isang oras lang naman ang biyahe eh talagang hindi ako maka- oo sa kanya kasi nga may sakit noon si Itay kaya gusto ko laging pagkatapos ng school, diretso bahay na. Siguro mga limang buwan pa lang kami noon ni Jack nung ipakilala niya ako sa Mommy niya.

Matandaan pa niya kaya ako? Kasi nga isang beses ko pa lang siya nami- meet. And here we go again. Kinakabahan ako. Napansin siguro ni Jack kaya hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Nasa front door na kame at pansin ko 'yung mga kasambahay na bumati sa amin pagkapasok na pagkapasok namin. Ngumiti naman ako ng bonggang- bongga. Katulad pa rin nung unang beses akong nagpunta dito. Feeling ko talaga ako ang prinsesa at si Jack ang prinsipe. Para kaming nasa palasyo. Hindi ako makapaniwala na napakayaman ng boyfriend ko at hindi naman talaga 'yun ang habol ko. Natutuwa lang ako dahil napansin niya ang katulad kong dukha. Hehe.

"Nasaan ho sila?" Tanong ni Jack sa mga kasambahay.

Siguro 'yung parents niya ang tinutukoy niya. Wait, so ibigsabihin mami- meet ko na 'yung Daddy niya? Oh my! I'm so nervous. Hawak pa rin ni Jack ang kamay ko.

"Ah señorito, saglit lang po at ipapaalam kong nandito na kayo." Sabi nung kaharap naming kasambahay.

Nagpunta sa taas 'yung kasambahay. Nandun siguro 'yung mga magulang ni Jack. Iginiya naman ako ni Jack sa sala at naupo kame sa sofa habang naghihintay. Naku eto na ba 'yung Mommy niya na na- meet ko before? Mas bumata. Ang ganda niya. Well hindi ko na kailangang magtaka, ganyan naman talaga ang mga mayayaman.

"Babe, nahihiya ako." Sabi ko.

Nahihiya talaga ako kasi siguradong ang alam ng Mommy niya wala na kami pero nandito ako ngayon, kasama ng anak niya.

"Sssh.. I'm here." Sabi niya.

Oh sige sinabi mo eh.

"Iho!... I missed you so much." Salubong ng Mommy niya sa kanya.

Tumayo naman kami ni Jack. Lumapit siya sa Mommy niya at tinanggap ang yakap nito. Halata ngang miss na miss na siya ng mommy niya. Pero pagkatapos siyang yakapin ng mommy niya eh napatingin sa gawi ko.

"Mom, si Zayl." Sabi ni Jack.

"Zayl?" Sabi ng Mom niya na parang kinikilala pa akong mabuti.

"My girlfriend." Sabi ni Jack.

"Magandang hapon po." Sabi ko.

"Oh Yeah.. Zayl... Hindi kita agad nakilala iha kasi gumanda ka pa lalo." Sabi ng Mommy ni Jack. Nag- beso naman sakin.

"Salamat po." Iyon lang ang nasabi ko.

"Akala ko ba iho, bak--?" Tanong ng mom niya pero hindi na niya pinatapos.

"Mom as you can see, kami na ho ulit." Sabi ni Jack habang nakangiti.

Nakangiti pa rin 'yung Mom niya.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!