Chapter 21

57.1K 822 12

CHAPTER 21

CRYSTAL

"Steve!" Pigil ko kay Steve nung tinangkang umalis pero hinawakan na ni James ang braso ko para sabihing hayaan na lang.

Gusto ko sanang magpaliwanag kay Steve. Paano kung sabihin na niya kay Karren ang tungkol samin ni James?

"Tatawagan ko si Karren." Sabi ni James habang kinukuha ang cellphone niya.

"Karren, nasan ka?" Sabi ni James sa kabilang linya.

"Okay, huwag kang aalis, hintayin mo ako diyan pauwi na ako." Sabi pa ni James sa kabilang linya.

Pagkababa ni James ng cellphone ay humarap siya agad sa akin at nagsalita.

"Let's go." Sabi niya.

"Sasabihin na ba natin kay Karren?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"We have no choice." Sabi niya.

Sumunod lang ako sa kanya habang hawak niya ako sa kamay pasakay ng kotse.

..

"Masasaktan si Karren. Siya, na sana magiging kakampi natin sa kung ano tayo, ay hindi natin pinagkatiwalaan and the worst is, niloko pa natin." Sabi ko habang nasa biyahe.

"Hindi sana aabot sa ganito kung umpisa pa lang sinabi na natin sa kanya." Sabi ko pa.

"I'm sorry." Sabi ni James.

"Hindi kita sinisisi mahal ko, kung tutuusin mas masakit 'yung ginawa ko sa kanya pero tapos na eh, nangyari na. Basta, sabay nating haharapin lahat ng 'to." Sabi ko.

Pinisil lang niya ang kamay ko.

KARREN

"Hello," sabi ko kay Steve na nasa kabilang linya.

"Magkita tayo." Sabi sa kabilang linya.

"At bakit naman ako makikipagkita sayo?" Sabi ko.

"Please." Sabi niya sa tonong nakaka- konsensiyang tumanggi.

Nanlambot naman 'yung puso ko sa tono ng pananalita niya.

"Bakit ba?" Sabi ko sa mababang boses.

"May kailangan kang malaman." Sabi niya.

So ako pala talaga ang may kailangan.

"Sabihin mo na, kasi hindi ako puwedeng umalis baka hanapin ako ng asawa ko." Sabi ko.

"Your f*ck*ng husband." Sabi niya.

"What did you just say?!" Sabi ko.

Aba, kahit hindi ako mahal ni James, I still care for him!

"Kung papayag kang makipagkita ngayon din, makikilala mo ang lalaking pinakasalan mo. " Sabi niya.

Ano bang sinasabi niya? Ano'ng alam niya tungkol kay James?

Pumayag na lang ako sa gusto ni Steve.

Maya- maya'y si James naman ang tumatawag.

"Andito sa unit mo," sagot ko kay James na nasa kabilang linya.

Tinatanong niya kasi kung nasaan ako.

"Okay, huwag kang aalis hintayin mo ako diyan." Sabi pa ni James sa kabilang linya.

Magsasalita pa sana ako kaso ibinaba na ng lalaking 'yun.

Bakit kaya? Nami- miss na kaya niya ako? Haha.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!