Chapter Eighteen

56.4K 771 11

CHAPTER EIGHTEEN

Continuation of  JACK'S POV

"Upo ka." Sabi niya nung makapasok ako sa loob.

Mabuti naman, akala ko kasi hindi na niya ako aaluking maupo.

"So anong ginagawa mo dito? Babayaran mo na ba ako?" Sabi niya na parang wala lang ang nangyari.

"Hindi pa kita mababayaran." Sabi ko.

Hindi ko pa siya babayaran ng buo. Pero 'yung buo na 'yun, walang katapusan dahil hindi mababayaran ang makasama siya. Ganun ako magmahal.  Kahit ibigay ko ang lahat ng pera ko, hindi pa rin sapat 'yun.

Ganun siya kahalaga sakin.

"What?! Nagawa mo na ang gusto mo, nakuha mo na ang kailangan mo, kaya dapat ibigay mo na ang dapat sa akin di ba!?" Sabi niya.

Lalo na siyang nabi- bwisit sakin. Natatawa lang ako sa loob- loob ko.

"That's why I'm here. Eto bayaran mo muna ang utang niyo."

Nag- abot ako ng tseke na nagkakahalaga ng utang nila.

"Ten million?" Sabi niya.

Bakit parang hindi siya makapaniwala.

"Oo di ba 'yan ang utang ng pamilya mo? Saka ko na ibibigay ang iba." Sabi ko.

Maliit na halaga lang 'yan kung iisipin kong bayad ko 'yun sa kanya kaya sabi ko saka ko na ibibigay ang iba. Ewan ko ba, para may dahilan pa ako para magkita pa kami at maasar siya kaya sinabi kong saka ko na lang ibibigay 'yung iba.

"Pero napakalaki yata nito." Sabi niya.

Magkano bang ine- expect niya?

"Magkano bang tingin mo sa sarili mo?" Hindi ko na napigilang itanong.

F*ck paano kung sa iba niya ibinigay ang sarili niya at bayaran lang siya ng ilang million, tatanggapin niya!? Ayokong isiping may ibang aangkin sa kanya! Sh*t!

"Sapat na 'tong ibinigay mo, wala ka ng kailangang idagdag pa." Sabi niya at naiinis ako sa sinabi niya!

"Huwag mo ng ipilit ang gusto mong mangyari dahil ibibigay ko pa rin, even I'm not satisfied on what you did last night." Sabi ko.

Alam kong ipipilit na naman niya ang gusto niya maiwasan lang ako. Kaya sinabi kong hindi niya ako na- satisfy sa ginawa niya kagabi. Alam kong kapag nai- insulto ko siya, malamang ang gusto ko ang nasusunod dahil macha- challenge siya.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Siguro naman 'yung binayad sayo eh depende sa ginawa  mo?" Sabi ko ng nakakaloko.

"Puwede bang umalis ka na." Sabi niya.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at nagpatong sa mesa ng calling card ko. Umalis na ako baka masampal na naman eh. Hehe.

Ilang araw, gabi, ako naghintay ng text o tawag niya pero wala akong natatanggap. Hanggang sa umabot ng isang linggo. Nabi- bwisit na ako kahihintay, ayoko namang bumalik sa apartment niya dahil hindi ko ugaling mangulit ng babae lalo pa't ang alam niya ay wala akong nararamdaman para sa kanya dahil 'yun ang sabi ko atsaka nag- iwan na ako ng calling card. Sapat na 'yun. Naisip kong magpunta na lang sa club. Si Jerome nga pala tamang- tama may atraso nga pala ako. Hindi natuloy 'yung dapat lakad namin nung gabing nagpunta si Zayl sa unit ko. Kailangan ko na pating sulitin ang mga araw na tambay pa ako dahil malapit na akong papasukin ni Dad sa kompanya namin.

"Walanghiya Jack! Anong pinagkaka- abalahan mo at 'pag iniiwan mo ako ng maaga dito eh bigla ka namang aatras sa lakad?" Sabi ni Jerome nung nasa club na kame.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!