Chapter 20

56.6K 772 11

CHAPTER 20

CRYSTAL

"Oh Karren, napatawag ka?" Sabi ko sa kabilang linya.

"May problema ba?" Tanong ko nung marinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Friend, 'yung puso ko." Sabi niya.

"What?" Sabi ko.

"Crystal, nahihirapan na ako. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Ang sakit sakit na, hindi ko na kayang pigilin 'to. At ang mas masakit pa, hindi niya ako sineseryoso dahil biro lang sa kanya ang lahat ng sinasabi ko. Sabi pa nga niya, hindi daw niya naman pinagsisisihan na nakilala ako dahil, dahil natutuwa daw siyang maging 'kaibigan' ako. Ano ng gagawin ko?" Sabi niya.

Sabi ko na nga ba. Umiiyak ba siya? Nasasaktan ako para sa kanya pero hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko.

"Karren, kung gusto ka niya, sana noon pa lang nagpakita na siya ng motibo. Katulad ng sinabi mo, natutuwa siyang maging kaibigan ka. 'Kaibigan', Karren. Hindi pa ba sapat 'yun para hindi ka na umasa?" Sabi ko.

"Kung madali nga lang turuan ang puso kong huwag siyang gustuhin, pero hindi eh, dahil hanggat magkalapit kami, lalo akong nahuhulog sa kanya. Alam mo bang magsasama na kami sa condo?" Sabi niya.

"What?" Sabi ko.

Bakit wala pang sinasabi sakin si James tungkol dito?

"You heard it right. Iyon ang plano eh. Sa tingin mo ba makakaiwas pa ako sa pagkahulog sa kanya kung magsasama na kami sa condo unit niya?" Sabi niya.

"Kailan?" Tanong ko na lang.

"Bukas." Sabi niya.

Bukas? Huminga ako ng malalim. Hanggang saan ba makakarating ang kasinungalingang ito? Kailangan naming mag- usap ni James.

Pagkatapos naming mag- usap ni Karren ay sakto namang tumawag si James.

May sasabihin daw siya kaya nagkita na kami.

"Paano kapag na- develop ka rin sa kanya?" Tanong ko kay James.

Magkasama kami sa secret place namin at nasa may labas kami habang nakatayo ako at yakap niya mula sa likod ko.

"Tss, don't you trust me?" Sabi niya sabay halik sa buhok ko.

"May tiwala ako sayo, pero hindi natin alam ang mangyayari kapag pinatagal pa natin 'to. " Sabi ko.

"Mahal ko, don't think too much. Just trust me, okay?" Sabi niya.

Hindi niya alam na gusto na siya ni Karren. Iyon ang point ko.

Gusto ko ng sabihin sa kanya. Paano ko ba sisimulan?

"Paano kung si Karren ang ma- develop sayo?" Tanong ko.

"What? Si Karren? Alam kong hindi niya ako gusto kaya wala kang dapat alalahanin, mahal ko." Sabi niya.

"Paano kung gusto ka niya pala talaga?" Sabi ko at humarap na sa kanya.

"Alam namin sa sarili namin na hanggang magkaibigan lang kami kaya huwag ka ng mag- isip ng kung anu- ano, mahal ko." Sabi niya.

"May kailangan kang malaman." Sabi ko.

Hindi ko na kaya. Nakokonsensiya na ako sa pagtatago kay Karren ng totoo. Sa tuwing nakakausap ko siya, sa tuwing magku- kuwento siya ng nararamdaman niya para sa asawa ko habang nagpapanggap akong inosente, at sa tuwing may mga tanong siya na hindi ko masagot kahit alam ko ang totoo. Ayoko na, tama na.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!