"Ano 'yun?" Sabi niya.

"Gusto ka ni Karren, James. At habang tumatagal, unti- unti na siyang nahuhulog sayo." Sabi ko.

"Mahal ko, hindi totoo 'yan." Sabi niya.

"Yun ang totoo. Nandito pa si Mark, gusto ka na niya. At nakokonsensiya na ako James, hindi ko na kayang magkunwaring walang alam sa harapan niya habang nagsasabi siya sakin ng mga nararamdaman niya para sayo. Ayoko ng saktan siya. Napakasama kong kaibigan. Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako kapag nalaman niya ang totoo." Sabi ko at hindi ko na mapigilang maiyak.

Naramdaman ko na lang na niyakap na niya ako. Alam kong nagulat siya pero 'yun naman talaga ang totoo. Ayoko ng umasa pa si Karren.

"Gusto mo na bang sabihin natin sa kanya ang totoo?" Sabi niya habang yakap ako.

"Hindi ko alam. " Sabi ko.

Hindi ko na talaga alam ang tama at mali. Nahihirapan na ako.

JAMES

"Good morning husband!" Bati ni Karren pagkalabas ko ng kuwarto.

Papasok na ako sa office ng madatnan siya sa sala. Nasa condo na kami. May nakauna na sa tapat na unit kaya wala kaming choice kung hindi magsama talaga dito.

Ngumiti lang ako pagkabati niya. Hindi ko alam pero parang ang awkward na dahil sa nalaman ko.

"Halika mag- breakfast ka muna, dali. Ipinaghanda kita ha, pasalamat ka nasa mood ang asawa mo. Dito upo ka." Sabi niya habang iginigiya ako sa dining table.

"Salamat." Iyon lamang ang nasabi ko.

"Ayan, grabe ganito pala ang feeling ng may asawa noh?" Biro niya.

Pero naisip ko 'yung nalaman ko kay Crystal, binibiro pa nga ba talaga ako ni Karren? O pinagtatakpan niya lang ang nararamdaman niya para sakin sa pamamagitan ng pagbibiro?

"Kain na." Sabi niya ng nakangiti habang ipinagse- serve ako.

"Thank you but I can do it. " Pigil ko sa ginagawa niyang pagse- serve sakin.

"Eto naman, pinagsisilbihan na, ayaw pa." Sabi niya.

Ewan ko pero hindi ako makakain, gusto ko na siyang tapatin kaya nagsalita ako.

"Bakit mo 'to ginagawa?" Sabi ko.

"Alin?" Sabi niya.

"Karren, alam kong alam mo ang sinasabi ko." Sabi ko.

"Di ba nagpapanggap tayo?" Sabi niya.

"Oo pero sa harapan lang ng ibang tao." Sabi ko.

"Masama bang enjoyin ang pagpapanggap kahit tayo lang dalawa? Pagbigyan mo na ako, kaysa naman istresin ko ang sarili ko sa pagiisip kung paano makaalis sa sitwasyong ito." Sabi niya.

"Bakit?" Sabi ko.

"Anong bakit? Kumain ka na nga diyan." Sabi niya.

"Tell me honestly, gusto mo na ba ako?" Sabi ko.

Nilakasan ko na ang loob kong itanong sa kanya, kahit naman sabihin niyang hindi, alam ko na naman ang totoo.

"Hahaha." Tumawa siya.

Tss.

"Karren, tell me." Sabi ko nung tumigil siya sa pagtawa.

"Kung sasabihin ko bang oo, sasabihin mo ring gusto mo ako?" Sabi niya.

"Karren, gusto kitang kaibigan." Sabi ko na lang.

"Right! Me too." Sabi niya.

"Karren please, be honest to me." Sabi ko.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!