Lost 7

2 0 0

Hindi ko ba alam kung selfish siya o kung ano man nag iniisip niya at tinanong niya ako. He asked ate to be his girlfriend and to marry her. O diba masakit. sobrang sakit. tapos itatanong niya kung bakit ako umalis noon? 

Bumalik ako sa family room namin kung saan naglalaro pa din sila, lahat sila nakatingin nung pumasok ako.Hindi ko alam kung bakit pero nasagot din naman nung tanong ko nung bumilis ang tibok ng puso ko. Sumunod pala siya saking bumalik. Nginitian ko na lang sila at tumabi ulit kila Enzo since mga nakatayo naman yung mga naglalaro at since hindi naman ako maglalaro umupo na lang ako.

"Ano yun?" Bulong sakin ni Enzo nung umupo ako sa tabi niya. 

"Wala," Sagot ko sa kanya. Itinuon ko yung mata ko kila Annie na naglalaro pa din. Ayaw kong pagusapan kung ano yung nangyari kanina. He always giving me false hopes even before I left. Even before they (ate and him) have that "connection" kaya nga hindi ako makapagmove on. kasi nga lagi akong binibigyan ng konting pagasa. Minsan talaga mga paasa ang mga lalaki, mga pafall. Tapos kaming mga babae pa ang may kasalanan kapag nahulog kami at hindi nasalo? Kami pa talga?

"E bakit magkasama kayo?" Tanong niya ulit.

"Sabi kasi ni ate magusap daw kami." I was hesitant to tell him that at first pero alam ko hindi naman siya titigil. "and being so obedient with ate, he followed" I told him bitterly. Yuck! I sounded so bitter, kahit yun naman talaga ang totoo. Siguro meron parin talagang hope na sana hindi siya inutusan ni ate at talagang gusto niya kaming magusap. Kaso alam ko naman na hindi niya gagawin yun. Yung kusa akong kausapin.

Actually he became my best friend before he found out that I love him. Si gaga kasi ako, feeling ko he feels the same way kaya nagtapat ako. but unfortunately he turned be down and that's my biggest downfall. Simula nun may distance na between us. Though best friends pa din kami alam ko sa puso ko best friends pa din kami. Kinausap ko siya nun, sabi ko sa kanya I'll set aside my feelings for him, I'll choose the friendship over my love for him. I can still love him naman kahit magkaibigan kami diba. I had a plan before, sabi ko I'll try to make him fall in love with me. No scratch the word try. I'll make him fall in love with me no matter what kaya nga kahit masakit I'll settle muna for less, yung maging magkaibigan kami. kasi mas malapit ako sa kanya. Mas mapapaibig ko siya. Mas ako lang ang titingnan niya.

Ang problema, masyado akong naging bulag sa plano kong mapaibig ko siya na hindi ko nakikitang me pinapaibig na pala siya. Hindi ko alam kung kelan nangyari, siguro nung nagbreak si Enzo and si ate. Nung nagbreak sila, iyak ng iyak si ate. Siraulo kasi si Enzo, nambabae. Nagalit ako sa kanya nun. Binugbog ko pa siya. Kaso, busy ako sa pambubugbog kay Enzo para makaganti para kay ate kaya hindi ko ulit napansin na may iba na palang nagpapatahan sa kanya na ako dapat ang gumagawa dahil ako ang kapatid.  

Dun nasira ang plano ko. Inamin ni Sean sakin na mahal na niya si ate after isang taon ng break up ni ate and ni Enzo.

"Sam, I have something to ask." Nasa duyan ako nun ng bahay nila. Andito kasi ang barkada. Naexcite naman si ako. minsan ko lang siya makitang seryoso.

"Ano yun?" Nakangiti kong sabi. Ngiting ngiti. Eto na yung inaantay ko. Eto na talaga. nasesense ko na. This is it na. this is really is it.

"Can I..." Parang nahihiya pa niyang sabihin.

"Can I what? Can I what?" Being me, I asked him with so much joy and excitement.

"Can I court your ate?" Boom. Bumagsak ng atomic bomb. nagkaron ng nuclear war at namatay ang mundo ko. Can I court your ate? Tama ba ang narinig ko? Hindi ba dapat naririnig ko Can I court you? kahit nga hindi na court e. kahit can I be your girlfriend na. payag na ako. payag na payag. I looked at him. Kitang kita ko yung pagasam na sana oo ang sagot ko. Na okay sakin na ligawan niya ang ate ko.

I Am LostBasahin ang storyang ito ng LIBRE!