Monster ♂ Chapter 27

Chloe's POV

“Pumunta ka na! Please! Please! Please!” sabi niya habang magkadaop ang mga palad at nakanguso pa! Hindi ko tuloy alam kung ilan taon na ba talaga siya! Leche! Tsaka ilang beses na din akong tumanggi! Ang sabi ko, ayaw kong pumunta pero ang kulit niya talaga!

“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ayoko? Ano ba kasing gagawin ko doon? Tsaka family gathering ‘yun tapos makikiepal ako? Wag na, ‘no!” sabi ko kay Rick. Oo, si Rick ‘yang kanina pang nangungulit sa akin. Gusto niya kasi akong isama sa kanila kasi may party daw kasama ang family niya. Kanina pa niya ako kinukumbinsi pero hindi pa rin niya ako mapapayag. Pinagtitinginan na nga kami sa may hallway kasi ang kulit niya! Sarap itapon! 

“Naman, Chloe, eh!” nagdabog siya na parang bata. “Minsan na nga lang magyaya tapos ganyan ka pa! Ang KJ!” tapos tumungo siya. Suminghot-singhot pa siya tapos taas-baba ang balikat niya. Hala! Umiiyak ba siya?! 

Agad naman akong nag-panic. Ngayon lang kasi ako naka-encounter ng lalakeng umiiyak nang dahil sa akin.

“H-Hey! ‘W-‘Wag ka namang umiyak, oh! Rick!” Ayaw kong lumapit sa kanya kasi baka nga naiyak siya. Naku! Paano na ‘to? Hindi ko naman alam na iyakin pala itong si Rick, eh.  

"Hala Miss! Kawawa naman ang boyfriend mo oh! Pinaiyak mo!" sabi ng isang epal na estudyante na napadaan sa gilid namin. Kailangang mag-comment? Dadaan na nga lang may pag-epal pa. Kaurat!

“Hindi ko pinaiyak ‘yan, ah!” sigaw ko doon sa babaeng dumaan pero inilingan niya lang ako. 

"Miss, pagbigyan mo na! Minsan lang sa lalake ang umiyak sa harap ng madaming tao!" sabi naman ng isa ding kadadaan lang.

“Paano ba kasi—“ 

"Patahanin mo, Miss! Kawawa naman!"

Leche! Sige na nga! Lumapit ako ng kaunti sa kanya. Nakatungo pa rin siya at patuloy sa paghikbi. Napatingin ako sa sahig at nakita kong may mga tulo ng luha doon. Waaaaaaaaaaaaaah! Pinaiyak ko nga siya! Hindi ko naman sinasadya, eh! Sa ayaw kong sumama, anong magagawa ko?

Mukhang wala na akong magagawa kundi ang pumayag sa gusto niya.

“Sige na nga! Pupunta na ako! ‘Wag ka lang umiyak dyan! Ako pa ang nagmumukhang masama, eh!” 

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya. Agad naman siyang tumunghay at ngumiti ng sobrang lapad! Napakunot naman ang noo ko nang may kinuha siya sa kanyang bulsa.

“I love you, eye drops! The best ka talaga!” tapos hinalikan pa niya ‘yung bote ng eye drops.

Napatulala at napanganga naman ako sa ginawa niya.

“ASDFGHJKL! HINDI KA UMIYAK?!” sigaw ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at nagpeace sign. “Hehehe! Hindi! Pero hoy! Sasama ka sa akin mamaya! Pumayag ka na kaya wala nang baiwan ‘yun! Hahahaha!”

Napaface palm na lang ako dahil sa lalakeng ito. Damn! Ang kulit niya talaga! Complete opposite niya talaga si Saturn! Kaloka!

Pagkatapos ng scene na iyon ay pumunta na ako sa room at awa ng Diyos, hindi na ako kinulit pa ni Rick kasi malayo ang room niya sa room namin.   Pagkarating ko sa room ay agad akong napatingin kay Saturn. Ang sama yata ng tingin niya sa akin? Ano namang problema ng lalakeng ‘to? Dinaig pa niya ang babaeng may period.

Pagkaupo ko ay muli akong tumingin sa kanya. Ang sama ng hitsura niya. Ang aga-aga ay nakasimangot na kaagad siya.

"Hoy, monster, problema mo?" tanong ko sa kanya.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!