This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this stroy in any way. Please obtain permission.
This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors. Please bear with me.
————————————————————
"Loving someone so much doesn't always mean that they're the right one for us. Hindi laging happy ending kapag nagmamahal ka, bacause true love never ends."
Hindi ko alam kung saan ko ito sisimulan, wala ring tiyak kung saan magtatapos ang maikling kwentong ito.
Lahat naman siguro tayo ay gustong makaranas ng totoong pagibig, hindi ba?
Yung pagibig na alam mong totoo at hindi na mawawala. Yung pagibig na walang pangamba.
Sa totoo lang mahirap kumilala ng ibang tao, kung ano ang mga ayaw nya, kung ano ang mga gusto nya, kung ano ang ugaling meron sya, pero kung mahal mo naman talaga tatanggapin mo kung ano ang pagkatao nya hindi ba?
Minsan nga naiinggit tayo sa ibang may ka relasyong tumatagal, na sana saatin din merong isang taong mag mahal ng tapat at palagi tayong iintindihin. Yung may prinsipyo sa buhay at pinaghahandaan ang kinabukasan at syempre alam mong ligtas ka sakanya.
Yan ang pinapangarap ko. Naranasan mo na ba ang mainlove ng hindi inaasahan? Yung bigla mo lang syang makikilala, at makakausap lang sandali, ako kase iyong klase ng taong madaling ma attached kahit ilang buwan palang na nag-uusap
Ako rin kase yung tipo ng taong alam ko kung mahal ba talaga ako o hindi. Sya kasi yung taong alam mong totoo sa sarili nya eh kahit hindi nya sabihin mararamdaman mo talaga yung totoong nararamdaman nya para sayo.
Ilang araw pa ang lumipas, alam ko sa sarili kong mas nahuhulog na nga ako, na nakakaramdam na nga ako ng matinding pagmamahal, Oo nakakatakot. Ngayon ko lang ito naramdaman. Alam kong totoo ito, hindi biro o trip lang na madalas kong ginagawa.
Pero ang sarap sa pakiramdam na makaramdam ng totoong pagmamahal na mula saiyo. Ang lalaking pinakahihintay ko.
Hanggang sa dumating ang araw na sobrang lalim na pala ng pinagkahulugan ko. Na kahit maglagay ka ng hagdan para makahon ay hindi nito maaabot. Na parang hindi na ako makakahon at makakakita ng liwanag.
Hindi ko alam na magsasawa karin pala, nagsawa ka sa ugali kong nakakabullshit at hindi naman kagandahan. Hindi ko alam na ganon pala ang tingin mo saakin.
Ang sabi ko bigyan mo ako ng isang buwan para mabago ang ugali ko, sa kagustuhan kong maibalik kang muli, naaawa ako sa sarili ko, ang makitang nagmamakaawa at nagpapakadesperada para balikan ay nakakapanlumo.
Sabi mo hihintayin mo ako, kapag dumating na ang oras na nabago ko ang sarili ko, babalik at babalik ka. Yan ang pinangkapitan ko hanggang ngayon.
Hinayaan kitang umalis muna, dahil baka pagod ka lang o may pinagdadaanan ka. Na, nagtiwala akong babalik ka kapag okay na.
