39th Plan

34.7K 491 11
                                    

Pagkapasok ko sa gate ng school parang gusto ko ng lumabas at bumalik sa kotse. Parang nag iba yung hangin dito at nahirapan akong huminga.

Nakayuko akong naglakad papunta sa classroom namin. Pagkapasok ko ng room, yung kaninang maingay na klase, tahimik na ngayon. Pagkaupo ko, nagbulungan na sila.

Wala si Bryle sa upuan niya... sa tabi ko.

Nakayuko lang ako, medyo nagulat pa ko nung may maglagay ng cellphone sa desk ko. Pag ka tingala ko, si Arx pala. Sinenyas niya sakin na parang tignan ko yung cellphone, naupo siya sa desk ni Bryle at nag crossed arms.

Hinawakan ko ang cellphone niya at ini-unlock, bumungad sakin ang video na naka pause. At nung ini-start ko yun, nagpatakan ang luha ko at napahawak ako sa bibig ko.

Rinig na rinig ng dalawa kong tenga yung mga sinasabi ko Bryle, natahimik ang buong klase dahil sa video na ini-play ko.

Nagulat ako nung may umagaw sa cellphone na hawak ko.

"Ano Zeria na anghel anghelan? Alam na namin ang motibo mo. Grabe pala talagang kapal ng mukha mo. Sa kabila ng pinag sasabi mo kay Bryle, eto ka pa rin at talagang meron ka pang mukhang maihaharap samin." Galit na sabi ni Dianne.

"Wala kang alam Dianne." Madiin kong sagot.

"Alam na namin ang lahat Zeria! Hindi pa ba malinaw sa video na yan? Lahat ng pinagsasasabi mo kay Bryle! Sabi na nga ba eh! Wala kang magandang maidudulot kay Bryle. Talagang ginamit mo pa siya. Por que mayaman kayo... binubusog ka lang ng magulang mo sa pera, at hindi ka nila kayang turuan ng magandang ugali dahil ganun din ang ugali nila."

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko kaya naman tumayo ako at hinarap si Dianne.

"Wala kang karapatang magsalita ng ganyan tungkol sakin, lalo na sa magulang ko."

"Bakit? Totoo naman ah! Nagpalaki sila  ng demonyitang impakta na gagawin ang lahat para lang makuha ang gusto niya. Hinayaan kita nung nagustuhan ka ni Bryle, pero ngayong sinaktan mo si Bryle, hindi ko hahayaan yun!"

"You are so pathetic! You are such a stupid, you attention seeker!" Malakas at madiin kong sinabi kay Dianne.

Naramdaman ko yung palad niya sa pisngi ko, lalong nag init ang ulo ko dahil sinampal niya ko. Kaya naman sinampal ko din siya.

The next thing I know, nasa sahig na kami at nagsasabunutan. Sinusubukan kaming awatin ng mga classmates namin, pero wala ni isang bumibitaw. Nang nasa ibabaw ako pinag sasasampal ko si Dianne. Hindi ko alam kung saan ko nahugot lahat ng guts para makipag away. Naramdam ko din na may humila ng buhok ko pataas. Pero agad din namang nawala.

"Tama na! Tama na Zeria!" Umiiyak na si Dianne at sinasalag na lang niya lahat ng sampal ko sa kanya. "Ayoko na! Tama na... tama na..."

Naramdaman ko na may humila sakin patayo... si Bryle. Hawak hawak niya ko sa may braso ko.

"Lahat ba kami dito idadamay mo sa schemes mo? Tama na yung ako lang... wag ka ng mandamay pa ng iba." Mariing sabi ni Bryle... ramdam ko yung galit niya sakin, baka nga kinamumuhian pa niya ko. "Hindi ka na dapat nagpapakita pa dito. Dahil yan sa ugali mo..."

"Bryle..." mahinang sabi ko. Gusto ko siyang yakapin... gusto kong ipaliwanag sa kanya lahat.

"Heartless spoiled brat."

Itinulak ko si Bryle para mabitawan niya ko, kinuha ko yung bag ko at tumakbo ako palabas ng classroom. Nakasalubong ko pa yung teacher namin sa first subject. Nang makababa akong building, diretso lang ang takbo ko palabas ng gate, hinarang pa ko ng guard, kaya mas nagmadali akong tumakbo para lang makalabas.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa Jollibee... pumasok ako dun at naupo sa sulok. Tinext ko si mommy para magpasundo.

Umub-ob ako sa table at nag iiiyak.

Ganito ba talaga pag nag mamahal? Kailangan masaktan?

Napahawak ako sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Ngayon ko lang nararamdaman yung sakit at hapdi sa braso. Nag tignan ko yun, may mga kalmot pala ko.

"Zeria!" Nakita ko si mommy sa may entrance ng jollibee, kitang kita ko ang pag aalala niya sakit. Tumayo na ko para lapitan siya, pero nakakailang hakbang pa lang ako, nahilo na ko at nanginig ang mga tuhod.

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon