Chapter 65: Chase You Down

8 0 0

Daniel's POV

I know, desperado ako sa pagpunta ko sa bahay ni Xandra kagabi but I can't help it. Gusto ko talaga sya makausap pero hindi ko natanong sa kanya ang sadya ko.

Dapat ko pa bang tanungin?. May relasyon na nga sila ni Seth and hindi ko alam kung gaano na sila katagal. Bakit pa ba ako binabagabag ng nararamdaman ko. Dapat pigilan ko to.

"Daniel, take tayo in 3." sulpot ng isang babae sa dressing room ko. Tumango ako at inayos pa ng hair stylist ko ang buhok ko.

Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover na natamo ko dahil kagabi. Pakiramdam ko magkakasakit din ako pero hindi ako pwedeng hindi magtrabaho.

Inumpisahan ang taping at wala ako sa wisyo. Pakiramdam ko lutang na lutang ako. Sa mga iniisip ko siguro ito. Dahil kay Xandra.

"Hey, Daniel. Okay ka lang ba?. Kanina ka pang wala sa sarili ahh." puna ni Kath sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at sinabing okay lang ako.

Natapos ang taping pero puno pa din ng mga tanong ang utak ko. Kailangan ko siguro ng bakasyon. Masyado na akong stressed. Ngayon pa na nagbalik na si Xandra.

Naglalakad ako sa hallway nang may makita akong pamilyar na babae. Kahit nakatalikod alam ko na sya nga yun.

Agad akong naglakad papunta sa kanya at hinawakan ang braso nya para makuha ang atensyon nya.

"Xandra." bulong ko sa kanya. Agad syang lumingon at iniwasiwas ang braso nya para matanggal ang pagkakahawak ko dito. Inismidan nya ako at nilampasan.

Napabuntong hininga ako at sinundan sya. Nakarating na kami sa parking lot nang higitin ko sya ulit sa braso.

"Bakit ka ba laging paiwas sa akin?." tanong ko sa kanya.

"Dahil dapat kang iwasan. Ano pa bang kailangan mo?." madiin nyang tanong sa akin.

"Ikaw. Ikaw lang ang kailangan ko." sagot ko sa kanya. Once again, iniwasiwas nya na naman ang braso nya na parang diring diri sya.

"Oh please, Daniel. Cut the fucking crap. Bumenta na yan sa akin!. Pwede ba tigilan mo na ako?!." tangkang tatalikuran nya ako nang higitin ko ulit ang braso nya at kinaladkad sya papunta sa kotse ko.

"What the?!. Bitiwan mo nga ako!. Ano ba?!." sigaw ni Xandra pero hindi ko inintindi. Ipinasok ko sya sa loob ng kotse at dali-dali din akong sumakay dahil baka makatakas sya.

Pinaandar ko na ang kotse at nagsimula na naman syang magsisigaw. Masakit talaga sa tenga ang babaeng ito kahit kelan.

"This is kidnapping!. I'll sue you!. Ibaba mo na ako!." sigaw nya sa akin. Hindi ko sya pinansin hanggang sa nagring ang phone nya.

"Oh fuck." bulong nya. Sasagutin nya na sana ang phone pero inagaw ko yun sa kanya.

"Phone ko yan!. Napakabastos mo talaga!. Di mo alam ang salitang privacy!." sigaw na naman nya.

Tiningnan ko ang caller ID. Si Seth ang natawag. Ngumisi ako kay Xandra. "Shhhh. Kakausapin ko boyfriend mo." saka ko sinagot ko ang tawag.

"Hello, baby?. Are you okay?. Susunduin na ba kita?." sabi ni Seth mula sa kabilang linya.

"She's with me right now. Long time no talk, Seth." nakangisi kong sagot sa kanya.

"Help me, Seth!. Kinidnap nya ako!. May trabaho pa ako mamaya!. Magdidinner pa tayo!. Oh my God!." sigaw naman si Xandra.

"What are you doing, Daniel?!. Nasaan kayo ngayon?!." galit na sigaw sa akin ni Seth. Lalong lumawak ang ngisi ko.

"Gusto ko lang makabonding si Xandra. We'll go on a vacation. We have a lot to catch up, dude." mapang-asar kong sagot kay Seth. Huminga muna sya ng malalim bago sumagot sa akin. Mukhang pinapakalma ang sarili.

"Stop this fucking stunt, Daniel. Wag mo na ipilit ang sarili mo sa kanya." kalmado nyang sabi. Hinigpitan ko ang hawak sa phone ni Xandra.

"Inagaw mo sya sa akin. Gusto ko lang liwanagin ang lahat sa pagitan naming dalawa." sagot ko sa kanya. Sumulyap ako kay Xandra pero nakatitig lang sya sa akin. Blangko ang ekspresyon sa mukha.

"Hindi ka na nya mahal. Acccept the fucking truth!." nawala ang kalmadong tono ni Seth. Napangisi ulit ako dahil sa reaksyon nya.

"What?. Are you scared now?. Come on, dude. Can't you handle a little competition?." natatawa kong tanong sa kanya.

"There is no competition needed. I am her boyfriend. I have her heart." sagot ni Seth sa siguradong tono. Kumunot ang noo ko at sinulyapan si Xandra ngunit nagiwas sya ng tingin.

"Let's see then." maikli kong sagot kay Seth and I ended the call. Pinatay ko din ang phone at ibinulsa ito.

"Magbabakasyon tayo. Tayong dalawa lang." anunsyo ko. Hindi sumagot si Xandra na nakatingin lang sa bintana.

If I need to chase you, I am willing to do it. I'll chase you down and make you fall in love with me again, Xandra. That's for sure.

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!