"Makakabalik pa ba ako kung sakaling sasama ako sayo?"
"Hindi ko masasagot ang katanungan mong iyan-" Ang tapat na sagot ng mahiwagang bagay.
"Ahmm." Nag-iisip ako ng sasabihin pero wala na akong maisip pa.
"Nasa iyo nakasalalay ang kasagutan ng iyong katanungan-" Wika ng compass.
"Anong ibig sabihin niyon?" Tanong ko ulet. Mas madami kong tanong diba? Ganyan talaga siguro pag matalino.
"Sa iyo nakasalalay ang magiging kapalaran mo sa lugar na iyong pupuntahan. Wala ka dapat pagkatiwalaan dahil walang kasiguraduhan kung ikaw ay dapat pang magtiwala pa-" Ang nakakakilabot na tugon nito.
"Ahmm." Napatahimik na lamang ako.
"Ngunit alalahanin mo na hindi ko ikaw maihahatid sa lugar na iyon kung nag-aalinlangan ang iyong puso't isipan-" Ang sabi ng mahiwagang bagay.
"Ganun ba." Ito na lamang ang lumabas sa bibig ko.
"Dahil kailangan na bukal sa loob mo ang pagpunta sa lugar na iyon - dahil kung hindi, hindi mo rin ito matatagpuan kahit ilang beses ko sa iyong ituro ang daan papunta roon." Ang misteryosong sagot ng mahiwagang compass. Nakakasilaw ang kanyang kaningningan sa unang tingin. Makalipas ang ilang segundo ay lubos ng nakapag adjust ang a king mata sa liwanag na nagmumula sa compass. Direkta na akong naka tingin dito at pinagmasdan ang maliliit na detalye ng disenyo na nakaukit sa buo nitong gintong katawan.
Napakurap-kurap ako at naramdaman ko ang malamig na pawis sa aking noo.
Bumalikwas ako sa higaan.
Panaginip lamang marahil.
Naalala ko ang napanigipan ko.
Panaginip ba iyon? Why is that it felt so real?
Sa pagtulog ko ay may napanigipan akong isang compass na kumakausap saakin. Maganda ang compass at nababalot ito ng misteryo. May itinuturo itong isang direksyon. Hindi naman ako nito pinipilit na puntahan ang lugar. Sinasabi nito na nararapat na bukal sa loob ang pagpunta dahil kung hindi ay hindi ko daw matatagpuan ang direksyon na kanyang tinuturo. Alam kong panaginip lamang ang lahat kaya binale wala ko lamang ito ng ako'y magising.
Dahan-dahan akong bumangon at masakit parin ang pakiramdam ko. Nakasara pa rin ang makapal na kurtina kaya't hindi pumapasok ang sikat ng araw sa aking silid.
~tingin sa orasan~
10:53 am
7 minuto na lamang ay mag aalas-onse na nang umaga!
Oh my gulay ampalaya, kalabasa! Super late na ako! Papasok pa ba ako? Hinila ko ang tuwalya at halos lundagin ko ang pinto. Saglit akong napatigil at nag-isip.
Second absent ko pa lang naman ito sa buong taon, kaya hindi naman siguro masama kung wag na lang muna ako pumasok. Malapit naman na ang graduation. Nakapag-exam na rin kami for finals kaya ayos na yun.
Bumalik ako sa higaan at napagdisisyonan kong hindi na muna pumasok. I need rest. Real rest.
Hinilot-hilot ko ang balikat at braso ko sapagkat masakit talaga ang mga ito na parang matatanggal.
Sayang talaga. Dapat inagahan ko ng gising para sana nakausap ko si Saih sa school. Ewan ko kung bakit parang naging interesado ako sa hitsura ng kuya niya. Aha! pwede ko naman tignan sa social media yung name ni Saih. Marahan akong tumayo at kinuha ang phone sa bag ko. Akma kong i-sesearch ang pangalan ni Saih pero shit- hindi ko pala alam ang apelyedo niya. Hopeless. Bukas na lang siguro, maglakas loob na lang ako na tanungin. Wala namang masama diba.
Babalik na sana ako sa higaan ko ng mapansin ko ang isang misteryosong kahon na nakalagay sa ibabaw ng study table ko.
Napaawang ang bibig ko sa gulat.
Medyo hawig ito ng kahon na hawak ni Saih noong makita ko siyang umiiyak sa school.
Iba lang ang kulay noong saaken. 'Gold' yung saaken. May nakapintang isang puno at kitang-kita ang mga ugat nito.
*thug* thug* thug* thug*
Ramdam ko ang tibok ng puso ko na para bang mabibingi ako sa lakas.
Saglit na huminto ang mundo ko ng makitang kumislap ng bahagya ang mga linya ng disenyo mula sa kahon at inaakit ako nito na buksan upang malaman kung ano ang laman nito. Para akong nahi-hypnotismo na humakbang papalapit dito at akmang bubuksan na ito ng biglang mag vibrate ang phone ko. Nanumbalik ako sa aking wastong pag-iisip. Ngayon nauunawaan ko na kung ano ang ibig sabihin ng kapatid ni Saih na 'hiwaga'. Para kasing tahimik na nagsasalita ang kahon sa aking isipan nang ma hypnotize ako nito kanina. Hindi ito nagsasalita ng malakas kundi kinakausap lamang ang aking isipan. Napaka-weird. Mahiwaga nga.
Tinignan ko ang phone ko at nakita ko ang text nang mama ng tinuturuan ko in my part time job. She said that they will have a family gatherings tonight kaya day off ko daw muna. Hay salamat sakto ! Makakapahinga pa ako. Naalala ko muli ang kahon. Makapagpapahinga nga ba talaga ako? Isa itong napakalaking problema.
Gusto ko itong buksan pero natatakot ako. Alam mo yung feeling na gusto mong sabihin sa isang tao na mahal mo siya pero natatakot kang mareject? Ay mali pala, bakit ba ako humuhugot dito. Ang totoo, gusto kong buksan yung kahon pero natatakot ako sa makikita ko.
Lumabas muna ako sa aking silid. Mag-isa lang naman ako sa bahay dahil sa mga ganitong oras ay nasa trabaho na ang mama ko. Single mother kasi siya at ako lamang ang kanyang anak. So ayan alam nyo na kung ano ang buhay ko. Ganda diba. Pero kahit wala akong papa na umaruga saakin ay hindi naman ako nagsisisi na si Mama lamang ang kasama ko. Mas mabuti na siguro yoon kaysa naman sa wala akong pamilya.
Nagbukas ako ng ref at tumingin ng pagkain. Ininit ko sa oven ang ulam na nakita ko at saka kumain ng wala sa sarili. Nagegets ko na tuloy kung ano ang nararamdaman ni Saih. Yung feeling na may ginagawa ka pero wala doon yung pag-iisip mo. You know what I mean.
Matapos kong kumain ay uminom na ako ng gamot. Syempre kailangan kong gumaling agad dahil may part time job pa ako bukas. Baka mahawahan ko pa tinu-tutor-an ko. Teka makakapunta pa ba ako?
Naalala ko muli ang misteryosong kahon na nasa ibabaw ng study table ko.
Natakot tuloy ako pumasok sa sarili kong silid. Baka may kung anong lumabas sa kahon na iyon. Pero feel ko naman safe siyang buksan, pero who knows diba? Malay natin kung may pasabog yun -edi naabo pa ang bahay namin.
Humiga muna ako sa may di- kahabaang bangko. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata habang pinag-iisipan ang dapat kong gawin.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
🏳 Mysterious Generation 🏳
YOU ARE READING
Elixir University
Mystery / Thriller🏳🏛🏳 ELIXIR UNIVERSITY ☠ The Masquerade Masks ☠ [Book 1] Unibersidad na kung saan ang salitang 'Patawad' ay mariing IPINAGBABAWAL. Sa paaralang ito, ang pangalang 'Shadow X' ay kinatatakutan ng lahat. Nananahan sa Misteryosong Henerasyon na HINDI...
