Prologue

2.8K 44 2
                                    

Prologue

"MAMA!!"

Napabalikwas ako ng bangon ng narinig ko ang mga sigaw nayun.

Napatingin ako sa orasan ko at 6:38 am ..kaya kahit wala pang hilamos at suklay suklay ay lumabas na ko ng kwarto ko at tinahak ang daan pupunta sa sala.

Teka bakit naman ang daming mga nagkalat na laruan? Saan nanaman galing to?

Ngunit agad din akong napahinto ng maaninag ko ang di ko inasahang bisita namin.

Nakaupo sya sa sofa namin katabi ang mga anak ko at halos di magkamayaw ngumiti dahil sa galak.

P-paano niya kami natagpuan?

Dahan dahan akong lumakad upang malapitan ang mga ito.

"MAMA!!" sigaw ng anak Kong lalaki tsaka ito lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit sa may bandang beywang.

"Goodmorning mama" pagbati naman into sakin ngunit imbis na mag goodmorning ako dito ay isang matamis na ngiti nalang ang iginanti ko at agad tumingin sa lalaking nakaupo sa sofa ko

Agad nyang binuhat ang anak Kong Babae na ngayon ay busy sa pag lalaro ng cellphone at tsaka ito lumapit sakin.

"W-what are you d-doing he-re?" Utal kong tanong sakanya hinigit ko ng kaunti ang anak kong lalaki pupunta sa likod ko upang di nya ito mahawakan subalit ang anak Kong Babae ay diko makuha dahil na din sa buhat nya ito.

"K-ku-ng andito ka p-para k-kunin an-g m-ga anak ko ...p-pwes nag-sasaya-ng kalang ng o-ras dahil -hindi mo sila m--akukuha sakin." Patuloy ko sa pagsasalita at pag uutal utal

Bwisit! Hindi ako makapagsalita ng diretso dahil sa presensya niya.

Bago sya magsalita ay tiningnan nya muna ang buhat nyang anak ko at tsaka nginitian ito ng kay tamis tamis

Takte ang puso ko parang kabayo nanaman at ang bilis ng tibok.

Lumingon ito sakin at tinitigan ako sa mata. Tila nanghina ang aking mga tuhod sa paraan ng kanyang tingin.

"Umalis ka na! Wala kang mapapala dito."

Sumeryoso ang mukha nito at ibinaba ang mga bata. Dahan dahan itong lumapit sa akin at nang sa wakas ay huminto siya wala akong napagkuhanan ng lakas sa sinabi niya.

"I'm not here only to get my twin. I'm here to get my family.

What?!

He's The Father Of My Twin (Completed)Where stories live. Discover now