Chapter 21.1: And this love is OURS.

Magsimula sa umpisa

Lakad lang ako ng lakad.

Takbo. Takbo. Takbo.

Hanggang sa nakarating ako sa Parking Lot, may babae. Umiiyak siya, nakaupo lang siya. Nakayuko at pinagsisiksikan yung ulo niya sa mga tuhod niya.

Pero bago ako lumapit.

Napansin kong schoolmate namin siya. Pareho kasi yung damit niya dun sa uniform ng girls namin.

Lumapit ako at tinanong ko siya. "Uhm.. Miss.."

Pero bago ko pa matapos yung sasabihin ko, unti unti niyang inangat ang ulo niya, at gulat na gulat ako sa nakita ko.

Si KC. 

"KATH?! ANONG NANGYARI SAYO?!" Sigaw ko.

Tinignan lang niya ako, tingin na puno ng galit. Anong nagawa ko?

"Uuwi na ako." Tumayo siya at lumakad.

Pero sumunod ako sa kanya. "Kath, anong nangyari?"

Silence.. 

"Kath, anong nagawa ko?" Sambit ko.

"Anong ginawa mo?! Wala, nagseselos lang ako sa nakita ko. Okay na?!" Sigaw niya.

Teka, gusto kong tumawa. Pero medyo seryoso si Kath. HAHA, Pero natatawa na talaga ako.

"Anong tinatawa tawa mo dyan ha?! Naiinis ako. Uuwi na talaga ako." Sigaw niya habang umiiyak.

Ewan ko pero hinabol ko siya, at niyakap patalikod. "Andito ako, kasi ikaw yung pinili ko." Bulong ko.

Napahinto naman siya sa paglalakad at nanatiling tahimik.

"Tss. Nagbibingibingihan ka ba ha?" Bulong ko ulit.

Humarap siya sakin. "A-anong s-sabi mo?" Utal utal niya tanong.

Nginitian ko siya. "Sabi ko, andito ako kasi ikaw yung pinili ko. Andito ako kasi ikaw yung mahal ko." AHHHH. TEKA. o_O Anong sinabi ko?! :O

"HA?!" Etong si Kath, di ko alam kung nagbingi o pinagtitripan ako e. Pero kailangan kong panindigan yung sinabi ko, at isa pa, totoo naman talaga yun.

"Ewan ko sayo Kathryn Chandria Bernardo! Ikaw nga yung mahal ko. Ang kulit-----"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko, sinunggaban ako ng yakap eh. Niyakap ko rin siya pabalik. Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to, yung feeling na sobrang saya. Cloud 9. Higit pa siguro dun.

Ngayon lang ako natauhan na eto palang best friend ko yung matagal ko ng minamahal. At ang tanga ko para ngayon ko lang malaman. Hahaha, pero alam niyo sa mga oras na 'to, ayoko ng bumitaw sa mga yakap niya...

..Dahil alam ko sa oras ng pagbitaw ko, hindi na maganda ang mga susunod pang pangyayari.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!